“Makulit sila,” pahayag ng hari nang magpunta kami sa kaniyang opisina. Dapat nga ay hindi na ako kasali, ngunit inimbitahan ako ng hari. Ang rason niya ay isa naman daw ako sa kanila, dahil nga kay Louvent. Kapares ko nga kasi ang kaniyang kapatid, ngunit kapag ganitong usapin na sana, ayos lang sa akin na hindi ako kasama. Ang kaso lang ay wala akong magawa kung hindi ay sundin ang mahal na hari. Kaysa naman sa magalit siya sa akin, o gamitin pa niya ang kapangyarihang gusto niya, hindi ba? Wala akong masiyadong ideya kung bakit kami tinipon ng mahal na hari. Ngunit base sa kanilang awra, mukhang ang mga bampira na naman ang pag-uusapan namin. Noong nasa hapag kasi kami noon, natapos na kaagad ang usapan na ‘yon. Mukha kasing naramdaman ng hari ang pagbabago ng atmosphere. Mahahalata n

