“Tungkol nga pala sa mga bampira,” panimula nang mahal na hari na nagpatigil naman sa akin sa pakikipag-usap kay Louvent. Lahat kami ay napalingon sa gawi ng mahal na hari na ngayon ay pinagsaklop pa ang kaniyang mga kamay, habang nakatingin sa amin ng seryoso. Napapaligiran din ang mahal na hari nang mabigat na awra. Kaya alam ko na kaagad na hindi na ’to magandang balita. “Ano po ang mayroon sa kanila?” tanong nang isa sa kapatid nina Louvent. Tahimik kasi ang hapag, dahil sa biglaang pagsasalita ng mahal na hari. Hindi ko lang alam kung gaano kaseryoso ang topic na ’to, ngunit sa tuwing nababanggit ang mga bampira, nag-iiba ang kanilang timpla. Wala akong ideya kung gaano kabigat ang mga nangyari sa kanila no’n. Ngunit hindi naman magiging ganito ang kanilang mga awra kung hindi mala

