“Ano ang kailangan mo rito?” malamig na tanong ko sa kaniya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang nakaiinis na ngisi nito. Alam kong may binabalak siya, pero hindi ko lang inaasahan na isasakto niya sa gabing ‘to. Posible kayang narinig nila ang pagdating ng reyna, at haring bampira rito sa kaharian ng mga taong-lobo? Hindi naman malabo ‘yon, pero nakararamdam ako ng inis. Parang sarap nitong burahin sa mundong kinagagalawan namin. “Ano ang kailangan?” natatawa nitong wika, pero nandoon ang pang-iinis nito. “Tingin mo, Mahal na Diyosa? Ano ang kailangan ko sa palasyong ‘to?” Hindi ako nagsalita, at napaismid na lamang sa kaniyang ginawa. Nagawa pa niya akong pahirapan kung gayon na puwede naman niyang sagutin. “Hindi ko alam kung bakit lumitaw ka pa rito.” Natawa ako, p

