Hindi ko alam kung ilang minuto rin ako sa silid. Kahit puwede ko naman gamitin ang aking lakas para marinig ang kanilang usapan, hindi ko ginawa. Kahit pa kasi ano ang mangyari, hinding-hindi ko nanaisin na pakinggan ang kanilang usapan. Oo nga, at ako naman ang kapares ni Louvent, pero hindi naman ibig sabihin no’n ay makikialam na ako palagi. Hindi puwede. Alam ko naman na paparating na rin ang aking pagkain. Sigurado akong sinabihan na ni Louvent ang ilang katulong, pero hindi ako nagugutom, eh. Alam ko naman na seryoso ang usapan doon, dahil ramdam ko ang pagkirot ng aking puso. Huminga ako nang malalim. ‘Louvent.’ Gusto kong ipaalala kay Louvent na kailangan niyang kumalma, dahil kapag hindi niya ginawa ay mahihirapan ako. Ramdam ko ang punyal na parang tumutusok sa aking puso, p

