“Mawalang galang na po,” bulong ko habang kaming lahat ay nasa hapag. “Puwede ko po bang malaman kung anu-ano ang mga Diyosa rito sa mundo niyo?” Marami kasi sa Earth, o mundo ko ng mga iba’t ibang Gods, o Goddesses. Maliban sa kinikilalang Panginoon ng mga religion sa Pilipinas; Roman Catholic, Born Again, Iglesia ni Cristo, Saksi ni Jehovah, at iba pa. May Hinduism, Greek Mythology, Norse Mythology, at Egyptian Mythology. Madalas ay napag-aaralan ’yang bagay na ’yan sa High School. Kung saan may Goddess of Beauty, Goddess of Sun, o kung anu-ano pang klase ng Gods, at Goddesses. Hindi ko lang sigurado kung may ganiyan ba talaga sa mundo nila. Kasi kahit naman ako ay hindi sigurado. Alam ko lang na may kinikilala silang Moon Goddess, ’yong sinasamba nilang lahat. Ngunit kapag ibang Godde

