Chapter 30

1298 Words

Nagtatakang tiningnan ko naman ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Maalon ang itim niyang buhok. Medyo nagliliwanag din ang kaniyang mukha, at napakagaan ng kaniyang aura. Nakatayo lamang siya sa aking harapan, at ang layo niya ay may iilang hakbang. Sinubukan ko muling ilibot ang aking mga mata, ngunit ang tanging nakikita ko talaga ay matatayog na puno. May mga alitaptap din, at huni ng mga ibon sa paligid. Napansin ko ring nakatayo na ako. Eh, kung tutuusin ay nakahiga lang ako sa aking kama. Kaya paanong nandito ako? “Siguro ay nagtataka ka kung paano ka napunta rito,” pukaw niya sa aking atensyon. Kaya lumingon ako sa kaniya. Nakangiti siya, ngunit masama ang pakiramdam ko. Nakasuot siya nang puting bestida. Aabot na ’yon hanggang sa kaniyang paa. May iilang ginto rin sa kaniyang br

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD