Nagtagal ako nang ilang araw sa lugar na kung saan ay puro lamang Diyosa. Ilan sa kanila ay inaabangan talaga ang pagbabalik ko, ngunit ako, hindi ko inaasahan na mapapabilang ako sa mga Diyosa. Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Nakapagtataka man, hindi ko na magawang isipin ang lahat ng ‘yon. Bumalik na ang alaala ko, eh. Magmula umpisa hanggang sa kasalukuyan, napagdugtong ko na ang lahat. Kaya nang mapalingon ako sa Diyosa ng Buwan, nagtaka ako. Bakit nandito pa rin siya? Wala ba siyang balak magpunta sa lupa na kung saan at nandoon ang kaniyang minamahal? Mukhang naramdaman yata niya ang aking titig sa kaniya. Kaya lumingon siya sa akin at ngumiti. Hindi kami magkatabi kaya tanging sulyap lang ang kaniyang nagagawa. Ngunit alam kong nararamdaman niya ang pagtataka sa akin. Napap

