Pamilyar na sa akin kung paano ako makararating sa bansa nila. Bumalik na ang mga alaala ko. Kaya kung sakali man na bumaba ako sa teritoryo nila, mararamdaman ni Louvent ang aking presensya. Kung sabagay, mahirap itago ang presensya ng mga Diyosa. Mabigat kasi ‘yon. Nakatatakot, at higit sa lahat, nakapaninindig balahibo. Dahil nga isa kaming Diyosa, kinatatakutan nila kaming lahat. Walang-wala kasi ang kapangyarihang mayroon sila kaysa sa amin. Kaya kung babalakin man nila kaming kalabanin, hindi nila kami mapapatay. Sila ang papatayin namin. Pagmulat ko ng aking mga mata, bumungad sa akin ang isang madilim na kagubatan. Walang kahit ano sa paligid kung hindi ay mga patay na puno. Ano nga ba ang dahilan? Wala akong ideya. Siguro ay kulang sa tubig ang lugar na ‘to, o tirahan nang kung

