“Diyosa ng Kahilingan,” bati sa akin ng mahal na hari nang kami ay makarating sa kanilang palasyo. Bigla naman akong natigilan nang mapansin kong kompleto silang magkakapatid. Ang mahal na hari kasama ang kaniyang limang kapatid. Mukhang inaabangan nila ang pagdating ko, at mukhang may ideya na rin sila kung sino ang sinundo ni Louve. Base sa kanilang pagyuko para bigyan ako ng galang, nahiya ako. Nahiya ako, dahil nagawa nila akong puriin kahit hindi naman maganda ang unang pagkikita namin. Hindi ko alam kung bakit hiyang-hiya ako, pero nang sumagi sa isip ko ang mukha ng Diyosa na kanilang tinitingala. Doon ako nakaramdam nang pagseseryoso. Alam kong hindi ako dapat nakikialam sa kanilang pag-iibigan, at sa desisyong mayroon sila. Ngunit bilang isang Diyosa na bumaba sa bansa nila, ka

