Chapter 34

1267 Words

Umalis ako sa hardin para bigyan ng oras ang mahal na hari na mag-isip. Ayaw ko pa sana siyang iwan, dahil gusto ko munang ipaintindi lalo sa kaniya. Ngunit mukhang nakuha naman niya kaagad ang ibig kong sabihin. Kaya naman humugot ako nang malalim na hininga, dahil kanina pa ako ginugulo ni Louve sa isip ko. Wala pa namang isang oras nang mawala ako sa tabi niya. Sa katunayan ay saglit lamang din naman ang pakikipag-usap ko sa mahal na hari. Ngunit kung umakto si Louve, para namang ilang buwan akong nawala sa tabi niya. ‘Narinig ko ‘yon, Hyacinth,’ aniya. Wala sa sarili naman akong napairap sa kaniyang sinabi. Gets ko naman na nababasa niya ngayon ang isip ko, pero bakit kailangang magsalita na lang basta-basta? Halatang naka-focus na naman siya sa isipan ko kaysa mag-focus sa ibang ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD