Chapter 35

1418 Words

“Prinsipe Sylvester,” bati ko nang mapansin ko siyang naghahanap ng kung ano sa hardin. Maaga akong gumising ngayon. Kailangan ko rin kasing magpainit ngayon sa araw, dahil sobrang putla ko na. Saka kailangan din naman kasi ng katawan ko ang araw, lalo na ang aking mga buto. Kahit pa sabihin na medyo may katandaan na ako, hindi naman ibig sabihin no’n ay kinakailangan ko ng ipagpaliban ang pagbibilad sa araw. Vitamin din kaya ‘to! Lumingon naman sa akin ang prinsipe, at kaagad na yumuko para magbigay galang sa akin. Saglit lang ‘yon. Kaya hindi talaga ako nakaangal. “Magandang umaga, Diyosa ng Kahilingan,” bati nito sa akin. “Magandang umaga rin,” sagot ko naman. “Ano ang ginagawa mo rito, at napakaaga mong nagpunta rito sa hardin?” “Naghahanap lamang ako ng mga halamang gamot, Mahal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD