Hindi na mabura-bura ang ngisi sa labi ni Louve nang makarating kami sa hapag. Alam kong dahil na naman ‘yon sa sinabi kong gagawin na naman namin muli ‘yon. ‘Yon naman kasi ang kasiyahan niya madalas. Kung hindi halik, minsan ang maka-score sa akin. Kung hindi ko lang sana mahal ‘tong lalaking ‘to, kanina ko pa naaway. Katatapos lang namin kaninang madaling araw, tapos ganoon na naman ang gusto niyang gawin? Wala ngang kapaguran ang lalaking ‘to. Siguro ay ganoon talaga ang mga werewolf na kagaya niya. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya, pero bakit naman salong-salo nilang lahat ang ganoon? Hindi man lang sila napapagod. Inabot na kami nang madaling araw kanina. Balak pa nga sanang umisa, pero pinigilan ko siya, dahil kahit immortal ako, nakararamdam din ako ng pagod. Pasimple kong ki

