Matapos naming kumain, nagtungo ako sa labas ng palasyo para damhin ang preskong hangin. Ramdam ko rin ang pagsunod sa akin ni Louvent, at alam kong balak niyang magreklamo. Ramdam ko kasi ang pagkabog ng kaniyang puso, at sinasabayan ‘yon ng aking puso. Kaya naman napatingala ako, at napabuga nang hangin. “Kumalma ka, Louvent,” utos ko sa kaniya nang hindi na talaga ako nakapagpigil. Alam kong maraming katanungan ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Ngunit pinili niya ‘yong tanggalin, para lang hindi ko marinig ang lahat. Mukhang natatakot siya sa posibleng sabihin, o isipin ko kung sakali man na narinig ko ang lahat. Kung sabagay, nagagawa ko siyang tapatan sa pagiging dominante niya. Ngunit ngayon na nalaman kong isa pala akong Diyosa, hindi na niya ako kayang tapatan, kahit na hindi ko

