“Isa sa kapangyarihan mo ’yon?” nagtatakang tanong ko sa kaniya habang kami ay papasok sa tree house na sinasabi niyang tambayan namin noon.
So, rito pala kami madalas magpalipas nang oras. Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya lalo pa at parang live in pala ang style namin noong panahong ’yon. Pakiramdam ko rin ay parang ibang-iba sa nakasanayan ko.
Lumaki ako sa mundo ng mga tao—isang mortal na naghahangad lamang ng pagmamahal galing sa mga magulang ko. Ngunit ang tanging nakuha ko ay pressure. Ngayon na unti-unti kong makakamit ang lahat, hahayaan naman na siguro ako ng tadhana, hindi ba?
Tumango siya at sinabing, “Lahat kaming magkakapatid ay nakagagawa ng harang.”
Binuksan naman niya ang pinto at kaagad akong inalalayan. Namangha ako sa ganda ng tree house dahil hindi ito nalalayo sa iilang bahay na napuntahan ko ibang bansa lalo na sa Europe countries.
May fireplace rin siya sa loob kaya kung sakali man na umulan nang yelo, talagang hindi malalamigan ang loob ng tree house. Kung baga ang tawag doon sa mundo ko ay heater.
Ibinuka ko naman ang aking bibig para sana magsalita ngunit natagpuan ko ang aking sarili na nasa bisig na ni Louvent. Isinandal din niya ako sa pinto at pinangko hanggang sa magka-level na ang aming mga mukha na ikinagulat ko.
Napasinghap pa ako nang bigla kong ipinulupot nang kusa ang aking mga hita sa kaniyang bewang na naging sanhi upang bumalik ang init ng aking katawan. Alam kong ganoon din ang naramdaman niya dahil lumitaw na naman ang pagnanasa sa aking katawan.
Aaminin ko na sa tuwing naghahalikan kami ni Louvent, may iilang alaala na ring lumitaw sa isipan ko. Hindi nga lang malinaw pero kahit papaano, hindi na ako clueless sa lahat ng mga nangyayari. Iilan lang din naman iyon. Madalas ay mga pamilyar na senaryo pero sapat na iyon para malaman ko na talagang may koneksyon talaga kami ni Louvent.
“Nagtataka ako kung bakit hindi ka pa rin nawawalan ng malay sa tuwing hinahalikan kita,” pagbubukas niya ng topic matapos ang mahabang katahimikan.
Tama siya. Kahit ako ay nagtataka kung bakit wala akong maramdamang panghihina. Iyon bang halos makatulog ako sa pagod? Kusa kasing bumabalik ang lakas ko pagkaraan nang ilang minuto. Akala ko nga ay ako lang ang nakapansin pero hindi. Pati pala si Louvent.
“Wala rin akong ideya,” bulong ko. “Kasi hindi ba, sabi niyo ay mawawalan ako nang lakas kapag wala akong naaalala sa tuwing hahalikan mo ako o gagawin natin ang ritwal?” Tumango naman siya sa aking sinabi at nanatili pa ring malalim ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. “Hindi kaya nasanay na ako kaya mabilis bumabalik ang lakas ko?”
“Posible ang bagay na iyan pero nakapagtataka,” saad niya.
“Ibig bang sabihin kapag gagawin natin ang ritwal, puwedeng kaya ko?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Sakto kasing nandito na kami ngayon sa tree house at wala ng makakakita sa amin. Puwede naming gawin ang ritwal. Ang problema lang ay kung kakayanin nga ba ng katawan ko. Kasi baka mamaya ay biglaan niyang higupin ang lakas ko o hindi kaya ay mapansin kong hindi ako naka-recover kaagad, aabutin talaga nang ilang taon bago ako magising.
“Puwede, pero mas mabuting sabihin mo sa akin kung nanghihina ka para tumigil ako.”
Tumigil.
Kapag nasa kalagitnaan naman na kami ng ritwal, ayaw kong pigilan. Balita ko, masakit daw kapag nabibitin ang lalaki. Hindi ko nga lang alam kung pati babae ay ganoon din ang nararamdaman. Wala pa naman kasi akong experience sa ganoong bagay.
Ngunit bakit sa tuwing naiisip ko ang bagay na iyon, mas lalo akong nasasabik? Parang hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Nandoon kasi iyong lust na tinatawag. Parang nauuhaw ako sa halik at haplos niya.
Ang weird lang kasi never ko namang naranasan iyon. Wala pa akong nahahalikang iba maliban kay Louve.
Habang nagtititigan kami, bigla niyang inangkin ang aking labi na bahagyang nakauwang. Ipinikit ko naman kaagad ang aking mga mata, at ipinulupot ang aking mga bisig sa kaniyang leeg, upang ilapit siya lalo sa akin.
Itinulak ko nga ang aking katawan sa kaniya. Kaya mas lalo niyang idiniin ang kaniyang labi sa akin, lalo na nang magsimulang gumalaw ang kaniyang labi.
Nagsimula naman akong sundan ang bawat paggalaw ng labi niya. Ngunit dahil sobrang bilis at rahas no’n, napapaungol na lamang ako. Ibang-iba kasi ang paghalik niya ngayon. May halong panggigigil, at mas lalo akong nananabik sa kung ano ang gagawin namin.
Ramdam ko pang kinagat niya ang aking ibabang labi, at mas lalong idiniin ang kaniyang katawan sa akin. Parang iniipit niya ako pero imbis na masaktan ako, mas lalo ko pang idiniin ang sarili ko sa kaniya.
Ramdam ko rin ang pagkagat niya sa ibaba ng aking labi. Parang sinasabi sa akin na buksan ko raw ang aking bibig. Kaya sinunod ko kaagad ang kaniyang gusto. Hindi naman na nag-aksaya ng oras si Louvent at basta na lang ipinasok ang kaniyang dila sa aking bibig.
Hinanap niya ang aking dila upang makipaglaro. Ngunit hindi ko pa man din nagagawang abutin ang dila niya, bigla akong napaliyad.
Pumasok kasi ang kamay ni Louvent sa suot kong dress. Sinapo niya nang walang pag-aalinlangan ang aking pang-upo, at basta na lamang iyon hinimas.
Halinghing din ang unang lumabas sa aking bibig habang patuloy kami sa paghahalikan. Ngunit imbis na tumigil si Louvent sa kaniyang ginagawa, mas lalo lamang niyang ginalingan ang paghalik sa aking labi.
Medyo sumasakit na rin ang dibdib ko dahil sa paghampas ng puso ko. Hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng halik niya. Kahit ano ang pilit ko, patuloy niya akong binabaliw nang husto. Ni hindi ko na nga alam na hinihila ko na ang buhok niya. Kung hindi lang siya umungol at nagmura, hindi ko malalaman.
“s**t!” mura nito at lumayo sa akin nang maitaas niya ang aking suot na dress.
Kaya naman tinulungan ko siyang tanggalin iyon. Ngunit hindi pa man naaalis sa aking bisig, sinunggaban na naman niya ang aking labi nang mainit niyang halik. Basta lang din niyang itinapon ang dress ko sa kung saan bago ilapat ang kaniyang palad sa aking batok.
Hawak niya ang batok ko habang nakikipaghalikan siya sa akin. Ang aking kamay naman ay naglalaro sa kaniyang ulo at kung minsan ay hinihila na rin ang kaniyang buhok. Hindi ko na inisip kung nasasaktan siya. Ang tanging gusto ko na lamang ngayon ay suklian ang kaniyang mapang-akit na halik.
Ramdam ko na rin ang pamamanhid ng aking labi. Hindi ko na kasi alam kung ilang minuto na ang lumipas, pero ang paghahalikan namin ni Louvent, walang ipinagbago. Mas lalo lamang akong nauuhaw, nababaliw at higit sa lahat nasasabik.
Nang lumayo si Louvent ay idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. Parehas kaming naghahabol ng hininga at nanatiling nakapikit din ang aking mga mata. Bawat pagbuga ko ng hangin, unti-unting bumabalik ang lakas na nawala sa akin. Parang wala na lang sa akin ang paghigop niya ng lakas ko. Basta sa tuwing tumitigil kami, alam kong nakababawi kaagad ako na para bang kaya ko na talagang labanan ang enerhiyang ’yon.
“Titigil ba ako?” tanong sa akin ni Louvent.
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi, dahil ramdam kong hindi pa rin nawala ang init sa aking katawan.
“Kasi kapag hindi ako tumigil, aabutin tayo nang ilang oras o araw.”