Chapter 15

1267 Words
“Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin kung ganoon?” tanong ko sa kaniya habang pinipigilan ang sarili kong huwag mainis. Napipikon kasi ako sa kaniya. Ayaw niyang tanungin ko ang kapatid niya, pero ayaw rin naman niyang sagutin. Ano ba talaga ang totoo? Medyo nahihiya pa nga ako dahil kung anu-ano ang pinagsasabi ng lalaking ’to. Nagagawa pa niyang maging pilyo kahit na alam naman niyang hindi pa namin iyon puwedeng gawin. Kahit pa sabihing kaya ko ng tiisin ang lahat lalo na at nakapag-adjust na rin ako sa paghigop niya sa aking lakas, hindi pa rin iyon sapat. Alam kong hindi na magpipigil si Louvent kung sakali man na payagan ko siya. Puwedeng umabot sa ilang taon ang pagtulog ko kung sakali man na ganoon nga ang mangyari. “Ayaw kong mapahamak ka. Bakit maulit na naman ang nangyari noon—” “Wala nga akong alam sa nangyari noon, Louvent! Paano ko masasabing hindi na mauulit kung hindi mo naman sasabihin sa akin ang lahat?” putol ko sa kaniyang sasabihin. Napuno na ako, eh! May mga bagay siyang itinatago sa akin at alam ko naman na para sa kapakanan ko ang lahat. Ngunit masisisi ba niya ako kung nakararamdam ako nang galit ngayon? Itinikom naman niya ang kaniyang bibig at gumalaw lalo ang kaniyang panga. Hindi ko alam kung malalim ba ang iniisip niya ngayon o pinipigilan lamang niyang sabayan ang aking galit. Ngunit kahit na ganoon, nagpapasalamat ako dahil kahit ano ang galit na maramdaman ko, hindi siya nagdalawang-isip na pigilan iyon. Kapag kasi ibang nilalang na ang kaharap ko, baka masigawan pa ako lalo o masaktan. Kaya walking green flag talaga sa akin si Louvent kahit na may itinatago siya. Para rin naman kasi sa akin iyon ngunit hindi ko naman matatanggap ang lahat kung wala talaga akong alam. “Isang bangungot iyon sa akin, Hyacinth,” pag-amin niya sa akin na ikinatigil ko. “Gustong-gusto ko iyong kalimutan dahil sa tuwing naaalala ko ang bagay na iyon, kumikirot ang puso ko.” Bawat bigkas niya sa mga salita, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Halatang ayaw niya talagang sabihin sa akin ang lahat. Kasi kung bangungot talaga ’yon para sa kaniya, posibleng sobrang bigat pala niya. “Doon nagsimula lahat ng sakit, Hyacinth,” paliwanag niya sa akin. “Kaya ayaw kong makita o banggitin ng kung sino ang mga bampira. Ayaw ko ring naririnig kung ano talaga ang nangyari no’n.” “Hindi kita maintindihan, Louvent,” pagpapahayag ko ng aking damdamin. Alam kong may trauma siya sa nangyari pero iyong tungkol sa nangyari, wala akong maintindihan. Imbis na sagutin niya ang aking sinabi, ngumiti lamang siya. Kaya napapikit na lamang ako para pakalmahin ang sarili ko. Ngunit bigla kong naramdaman ang pagpulupot ng kaniyang matigas at malapad na bisig sa aking bewang. Inilapit pa nga niya ako sa kaniyang katawan at bahagyang iniangat. Napasinghap naman ako sa gulat pero kaagad namang nakabawi, dahil mabilis kong ipinatong ang aking mga palad sa kaniyang balikat. Saktong pagmulat ko ng aking mga mata ay napaawang naman ang aking labi. Isinubsob kasi ni Louvent ang kaniyang mukha sa aking leeg at marahan akong inaamoy. Gulat na gulat ako sa pangyayaring iyon ngunit kalaunan ay unti-unti naman akong bumibigay. It feels weird. Parang nababaliw ako sa paraan ng pag-amoy ni Louvent sa aking leeg. Pati ang kaniyang kamay ay marahang humahaplos sa likod ko. Hindi ko alam kung iniimbitahan niya ako o pinapakalma lamang ang kaniyang sarili. “I love your sweet scent, Hyacinth,” malalim na boses niyang lintaya. Nanuyo naman ang aking lalamunan lalo na nang sabihin niya ang bagay na iyon. Parang may halong panglalandi ang kaniyang tono. Hindi ko matukoy iyon pero nakakagulat. Akala ko ay sa libro ko lang iyon malalaman pero mali ako. “Louve,” nanghihinang bulong ko. “Nababaliw ako sa amoy mo, Hyacinth,” nanggigil na bulong niya habang inaamoy ang aking leeg. “Kung alam mo lang kung paano ko pigilan ang sarili ko para amuyin at yakapin ka nang ganito nang makita kita.” Kumalabog ang puso ko sa kaniyang sinabi. Ngunit mas lalong nangatal ang aking mga kamay nang maramdaman ko ang pagkabog ng kaniyang puso. Kagaya ko, ang bilis din no’n. Parang nakikipag-usap pa nga ito sa puso ko at alam kong nararamdaman o naririnig ni Louvent iyon. “Louvent, huwag dito,” nanghihinang bulong ko dahil baka mamaya ay gawin namin bigla ang ritwal. Alam kong kapag nagawa na naming maghalikan, posibleng hindi na namin mapigilan ang sarili namin. Nararamdaman kong nag-iinit na ang katawan ko kahit na wala pa naman kaming ginagawa ni Louvent. Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip nang bigla ko na lamang naramdaman ang kaniyang palad. Sinapo niya ang isa sa pisngi ng aking pang-upo at basta na lang pinisil iyon. Halatang nanggigigil si Louvent dahil mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Napangiwi pa nga ako dahil hindi na ako makahinga nang maayos ngunit dahil sa ginagawa niya, mas lalo lamang kaming tinutupok ng apoy. Naramdaman ko namang isinandal ako ni Louvent sa katawan ng puno. Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko na posibleng gawin namin dito ang ritwal. Kaya pilit akong lumayo sa kaniya. Mabuti na lang ay hindi siya pumalag at sinunod kaagad ang aking utos. Tiningnan niya ako sa aking mga mata at kaagad kong nabasa ang pagnanasa saka pagmamahal sa kaniyang mga mata. Salubong din ang kilay niya at umiigting ang kaniyang panga. Doon pa lang, alam ko na sa sarili ko na hindi na siya magpipigil. Nagiging gold na rin kasi ang kaniyang mga mata. Halatang naninigas at ready na talagang sunggaban ako nang halik. “Ayaw kong may makakita sa atin,” mahinang saad ko kahit na alam ko naman na hindi niya hahayaang may makakita sa amin. “Bakit ko naman hahayaang makita ka nila?” balik na tanong niya sa akin. Bago pa man ako makasagot, mabilis niya akong ibinaba sa lupa at kaagad na hinila ako paalis ng garden. Hawak niya ang kamay ko—ipinagsaklop pa nga niya ang mga palad namin. Kaya mas lalo akong pinamulahan ng pisngi dahil kahit papaano, nagagawa niyang huwag akong saktan. Ang paglalakad niya, sakto lamang para ako ay makahabol. Hindi siya nagmamadali at hindi rin siya nagagalit. Fuck it! Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon pero habang sinusundan ko siya, doon ko lamang napagtanto na nasa gubat na pala kami. Walang Lycan ang nagkalat sa paligid. Tahimik rin ang lahat habang tinatahak namin ang daan. Sa aking pag-iisip tungkol sa posible naming gawin ni Louvent, bigla akong natigilan nang maramdaman kong tumigil si Louvent. Napakunot pa ang aking noo sa pagtataka ngunit kalaunan, napalingon ako sa kaniyang tinitingnan. Isang tree house sa malaking puno. Matayog din ang puno pero may ipinasadya naman siyang hagdan doon. Iyong tree house, may kalakihan din at paniguradong hindi lang kuwarto at balcony ang nandoon. Posible ring may kusina saka banyo. Hindi rin gawa sa kahoy ang tree house. Gawa iyon sa semento na kagaya sa kanilang palasyo. Pero halatang matibay iyon. Medyo may katagalan na nga yata ang tree house pero halata naman na matibay iyon. “Dito tayo madalas tumambay noon,” bulong niya bago niya ako lingunin. “Walang makakakita sa atin dito.” Nangunot naman ang aking noo sa pagtataka. “Paanong wala?” “May harang ’to at may halong ilusyon, Hyacinth. Tayo lang ang nakakakita sa tree house at kapag nakapasok tayo sa loob ng harang, hindi na rin nila tayo makikita at maririnig.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD