Nang makarating Louvent dito aking silid, natawa ako dahil sa balcony pa siya lumitaw. Halatang tinalon niya talaga ang balcony, at hindi nga ako nagkakamali. Puti ang kaniyang balahibo. Ang kaniyang mga mata naman ay kulay ginto. Saktong pagbukas ko ng bintana, bigla niyang dinilaan ang aking pisngi. Kaya natatawa akong inilayo ang aking mukha sa kaniya. Hindi ako nangdidiri sa kaniyang laway. Sa katunayan nga ay mahal ko nga ang mga aso at pusa. Kaya sanay na sanay ako sa ganitong senaryo, na didilaan ang mukha ko. May aso rin naman kasi ako noon, ngunit namatay siya dahil sa parvo. Ultimo ang aking pusa, namatay rin, bago ako umalis sa puder ng mga magulang ko. Sobra akong nasaktan noon. Kaya hindi ko na nagawang mag-alaga pa muli. Kagaya ng ng sinabi ni Louvent, matangkad sila. Halo

