‘Hyacinth.’ Napapikit ako nang kausapin na naman ako ni Louvent sa isip ko. Wala siya ngayon sa tabi ko, dahil nagpunta siya sa ibang bansa. Aabutin daw nang isang linggo o mahigit, dahil daw may mga bagay silang pag-uusapan ng Mahal na Haring Caelum. Pinsan daw kasi nila ang namumuno sa kabilang bansa. Kagaya nila, Lycan din daw iyon. Napahugot naman ako nang malalim na hininga, dahil wala akong masiyadong maintindihan sa mga nangyayari. Basta may pagtitipon daw kasi roon kaya iniimbitahan ang magkapatid na sina Louvent at Mahal na Haring Caelum. Kung ano ang dahilan? Hindi ko alam. Tanging magkakapatid lang ang nakaaalam ng bagay na iyon, at hindi ko rin naman gugustuhing makialam. Hindi naman ako kabilang sa kanila. Naging part lang naman nila ako, dahil mate ako ni Louvent. Kaya ayo

