Humugot ako nang malalim na hininga. Nitong mga nakaraang araw, madalas akong kausapin ni Louvent sa aking isipan. Kahit malayo siya o minsan ay may kailangang gawin, nagagawa niya akong kausapin. Naririnig ko nga mismo ang kabog ng puso niya kung minsan. Sinusunod nga rin ng puso ko iyon madalas.
Magmula rin nang magawa namin ang ritwal, mas naging malapit kami sa isa’t isa. Ipinaliwanag niya sa akin na ganito raw talaga ang epekto kapag nabuo na ang ritwal. Mabuti nga rin at nakapaglalakad ako nang maayos. Matapos kasi ang isang round sa tree house, nasundan iyon nang maraming beses. Hindi nga lang sofa ang nasira namin. Maging ang mesa, kama o hindi kaya ay glass partition sa bathroom, nagawa rin naming sirain.
Alam ko naman na malakas ang mga Lycan. Aware rin akong mas malakas ang mga vampire sa kanila. Ang kaso lang ay hindi ko naman inaakala na pati sa pakikipag-s*x, makasisira sila ng gamit. Kaya sa tuwing naaalala ko ang bagay na ’yon, hiyang-hiya ako. Hindi ko nga alam kung maaalis ba iyon sa aking isipan. Lalo na kung nagtatama ang mga mata namin ni Louvent? Tangina! Biglang lumilitaw sa isipan ko kung paano namin sirain ang mga bagay-bagay sa tree house.
Mabuti nga at naawa pa sa akin si Louvent. Hindi niya rin ako inangkin sa kusina—sa bandang sink. Baka pati kasi iyon, masira rin namin. Mukhang papalitan na naman niya ang mga gamit doon. Sirain ba naman niya dahil sa kapusukan niya? Goodness!
‘Nangungulila ka na naman,’ aniya sa aking isipan.
Pinamulahan naman ako ng aking pisngi dahil madalas, nakikipag-usap siya sa aking isipan. Ayaw na niyang mag-usap kami gamit ang bibig! Magugulat na lang ako, lilitaw na ang boses niya sa isipan ko.
Kung hindi pa nga ako aware sa bond na sinasabi nila, baka aakalain ko na kaagad na may multo rito sa paligid. Magmumukha akong tanga kapag ganoon.
‘Tigilan mo nga ako, Louvent! Litaw ka nang litaw sa isip ko,’ sita ko sa kaniya.
Sinubukan kong umakto na parang normal, dahil nasa hapag kami. Minsan ay nagsasalita pa ang ibang kapatid niya, tapos siya ay tahimik. Ngunit imbis na makakain ako nang maayos, ako ang ginugulo niya.
‘Ano bang masama sa ginagawa ko? Nagkomento lang naman ako iniisip mo,’ rason niya na nagpahugot sa akin nang malalim na hininga. ‘Kung sabagay, ang talaga na nating hindi nagagawa ’yon. Kailan nga ba ang huli? Noong nasa tree house tayo.’
Kinagat ko naman nang pasimple ang aking dila. Kahit gusto kong kumain, tumigil ako dahil sa mga sinasabi ni Louvent. Aaminin ko naman na nadadamay ako, at nagre-react ang puso ko. Ngunit masisisi ba niya ako? Hindi. Siya rin naman kasi ang nauna. Ngunit hindi naman rason ’yon para madala ako.
Oo nga at iisa na kami ng nararamdaman, saka naririnig ngayon. Ngunit hindi ibig sabihin no’n ay magpapadala na ako sa mga sinasabi niya. Unang-una sa lahat, nasa hapag kami. Pangalawa ay nasa harapan namin ang mga kapatid niya. Imposible namang wala silang maramdaman na kakaiba kung ipagpapatuloy ko ang pakikipag-usap ko kay Louvent?
‘Louvent, kumain na tayo. Inuubos mo na naman ang pasensya ko,’ mahinahon kong pahayag sa kaniya.
Ngunit imbis na tumigil siya, narinig ko pa ang hagikgik ni Louvent sa isip ko. Iniisip na naman yata niyang nakikipagbiruan ako sa kaniya. Kahit ang totoo naman ay hindi! f*****g hell!
‘Busog na ako. Puwede naman na sigurong kainin ko ang panghimagas ko?’ tanong niya sa akin.
Nang mapuno na talaga ako, nabitawan ko ang kutsara. Naglikha iyon ng tunog ngunit hindi naman nawala ang pikon at hiya sa aking puso. Gustong-gusto kasi akong inaasar ni Louvent, pero sana ay hindi naman sa public places. Alam ko naman na hindi nila kami naririnig, ngunit hindi naman ibig sabihin no’n ay aabusuhin na ni Louvent ang lahat.
Lumabas na kasi ang pagkapilyo ng lalaking ’to. Noong una ay wala pa akong ideya na ganito pala siya sa akin. Buong akala ko ay seryosong nilalang ito, pero nagkamali ako. Saka lang siya seryoso kapag ibang tao na ang nasa harapan niya. Kung ako ang nasa paligid niya o ako ang naiisip niya, nag-iiba ang ihip ng hangin.
“Louvent, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na tigil-tigilan mo ang panggugulo sa isipan ko?” bulalas ko bigla na nagpatahimik sa paligid.
Nangunot naman ang aking noo nang walang nagsalita sa isip ko, pero ramdam ko ang pagdampi nang malaki at mainit niyang palad sa aking hita. Kaya tinapunan ko siya nang masamang tingin. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa kaniyang kanan. Nang sundan ko ’yon, nakatingin sa aming gawi ang kaniyang kapatid—ang mahal na hari.
Shit!
Dahil sa nangyari, bigla akong tinamaan nang hiya. Alam kong nag-uusap kanina ang mga magkakapatid, at kaming dalawa ni Louvent ay tahimik lamang na kumakain. Ngunit ginugulo talaga ako ni Louvent sa isip ko magmula pa kanina.
Ngayon, nagawa kong kunin ang atensyon nang lahat. Dapat ay si Louvent lang, ngunit bigla akong nagsalita. Nakahihiya!
“Paumanhin, mahal na hari,” hinging paumanhin kaagad ni Louvent.
Mabilis naman akong napayuko, at pilit pinaglaruan ang aking mga daliri. Gulat na gulat ako sa nangyari. Hindi ko rin naman kasi makontrol ang sarili ko. Hindi rin ako sanay sa bond namin ni Louvent. Kaya lahat ay nakapaninibago.
“Hindi naman problema ’yon, Nikolai,” wika ng hari. “Nais ko lamang malaman kung tama ba ang hinala ko. Kung nagawa niyo na ang ritwal nang hindi nawawalan ng malay ang iyong kapares.”
‘Nawalan siya ng malay nang ilang beses, mahal na hari. Pinagod ko ba naman.’
Nanglaki ang aking mga mata dahil sa isinagot ni Louvent. Hindi naman niya sinabi iyon sa hari. Ngunit sinabi niya iyon sa aming isipan. Sinadya niya pang lakasan para asarin ako.
Kaya mabilis kong hinampas nang pasimple ang hita dahil sa inis sa lalaking ’to. Alam kong gusto niya lamang akong asarin, ngunit totoo iyon. Nawalan ako ng malay dahil pinagod ako ni Louvent. Ngunit mabilis ko rin namang nababawi ang lakas ko. Sadyang hindi ko lang talaga kaya ang sensasyon sa tuwing ginagawa namin ni Louvent iyon.
“Hindi naman, mahal kong hari. Nakapagtataka nga dahil nagagawa niyang bawiin kaagad ang kaniyang lakas. Mukhang tuluyan na niyang nalalabanan ang paghigop ko ng kaniyang lakas habang wala pa siyang naaalala.”
“Mabuti kung ganoon,” sagot ng hari na parang nabunutan nang tinik. Ngunit nanatiling malamig pa rin ang kaniyang mukha, maging ang kaniyang mga mata. “Iyon lang naman ang gusto kong marinig.”
Dahil sa sinabi ng mahal na hari, biglang bumalik ang lahat sa normal. Nagpatuloy sila sa kanilang agahan na parang hindi ko nagawang sirain ang lahat.
‘Huwag mo na kasi akong guguluhin sa isip ko, kung alam mo naman na may mga kasama tayo,’ paalala ko sa kaniya sa kaniyang isipan.
Ngumisi naman siya. ‘Hindi mo ako mapapasunod sa kagustuhan mo, Hyacinth. Mabuti nga at hindi kita inangkin ngayon mismo. Doon ka magpasalamat.’
Laglag panga naman akong napasulyap sa gawi ni Louvent, at napansing nakatingin siya sa akin habang kumakain. Nang magtama ang mga mata namin, kumindat siya sa akin. Nagawa pa niyang ngumisi na para bang may nakatutuwa sa sinabi ko.
‘Mabait pa ako sa lagay na ’to, Hyacinth. Mabuti nga at napipigilan ko ang sarili ko. Nakababaliw pa man din ang amoy mo.’ Lumunok naman siya at binasa ang kaniyang ibabang labi. ‘Sobrang tamis.’