CHAPTER 10 - TRUE COLOR
“Stop lying, Althea! Bistado ka na nagsisinungaling ka pa! So what now huh? Are you trying to harm us? Hindi mo ba iniisip ang magiging epekto niyang ginagawa mo?!”
Umiling ako. “Ma, I’m not trying to harm us here. Believe me.”
“Believe you? Naririnig mo ba sarili mo?! You are coupling with a Strigoi, anak! Hindi tama ito, you’re digging your own grave sa ginagawa mo!”
Namumuo na ang aking luha. “Mahal ko siya, ma! Mahal namin ang isa’t isa. He is not like the other Strigoi we know. Mabuti siyang nilalang. Everytime I encounter an enemy, he is always there protecting me. He is ready to fight with me.”
“Bullshit! Nilalason na niya ang utak mo. Imposibleng maging mabuti ang isang imortal na kagaya niya! Pare-pareho lang sila ng dugong nananalaytay ng mga Strigoi na pumatay sa papa mo! Baka nga kasama pa siya nung nangyari yon!”
“Nagkakamali —” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sampalin niya ulit ako.
“Tama na! From now on hindi ka na magpapakita sa lalaking yon! Tigilan mo na rin ang binabalak mong paghihiganti laban sa kanila.”
I wonder how she knows everything, sinekreto ko ito sa abot ng makakaya ko pero.. wait..
“Who said this to you, ma? Si Florence ba? Siya ba ang nagbalita ng lahat?”
Tahimik lang si mama. Great! Talagang hindi mapagkakatiwalaan ang Dhampir na yon.
“I’m not going to break up with him at hindi ako titigil hangga’t hindi ko nagagawa ang plano ko.” walang pag-aalinlangan kong sabi.
“Sinusuway mo talaga ako! Hindi mo ba talaga maintindihan lahat ng sinabi ko?!”
“Ma, naiintindihan ko. Pero gusto ko tong gawin para kay papa! Marco is willing to help me with this plan.”
She approached me and held both of hands. “Mapapahamak ka lang, anak. Hindi ko na kakayanin na baka pati ikaw mawala.” She is starting to cry.
“Hindi mangyayari yon, ma. Mag-iingat naman ako.”
“No! My decision is final!”
“I’m sorry, Ma.. gagawin ko iyon sa ayaw mo't sa gusto.” I said and left her. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon pa.
Nang makalabas na ako ng bahay ay nakita ko si Florence sa di kalayuan. Sibukan pa niyang mag kunwaring hindi ako nakita ngunit mabilis akong nakalapit sa kanya at sinampal siya.
“You betrayed me! Anong klase kang kaibigan?! Pinagkatiwalaan kita, Florence..” I’m starting to cry.
“I’m sorry if I told your mother about your plan, you’re playing with fire, Thea. Ginawa ko lang ang nararapat para hindi na ulit mapahamak ang lugar na ito.”
I smirked. “You sounded like a hero but little did they know you are totally a villain here!”
“Alam kong nasasaktan ka lang kaya mo nasasabi yan. I’m just thinking about our safety here.”
“No, you’re not! You are just thinking about your own personal interest! Balang araw malalantad rin kung ano man yang tinatago mo!”
He suddenly grabbed both of my arms. Hinawakan niya ito ng mahigpit. “If only you have chosen me, hindi malalaman ng mama mo ang plano mong paghihiganti.” He smirked.
Sinusubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya ngunit lalo niya pa itong hinihigpitan. Ayoko na ring gumawa ng ingay dahil lalo pang magiging komplikado ang lahat. Wala na siguro akong ibang paraan, kailangan ko siyang labanan.
I hold both of his arms and kick his balls, lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at yun ang hudyat para tumakas sa kanya. Ang buong akala ko ay nakalayo na ako sa kanya ngunit nasa kalagitnaan pa ako ng gubat ay nahabol niya ako.
He pinned me on the trunk of the tree then he caressed my cheek but I avoided my face instantly.
“Talagang sinusubukan mo ang pasensya ko, Thea.” Ngumisi siya, tinignan ko lang siya ng masama.
He tried to kiss me but then I avoided again. “Nababaliw ka na!”
“Oo, nababaliw sayo!” Matapos niyang sabihin yon ay sinuntok niya ako sa sikmura. Naupo ako ngunit nahawakan niya ang bewang ko at itinayo ako.
Mukhang kailangan kong ipain ang sarili ko. “B-bakit mo nagawa sa akin yon? Akala ko ba gusto mo ako? Bakit mo ko sinasaktan?”
He grinned. “‘Di mo ako makukuha sa pag ganyan mo.”
Inatake niya ako ulit buti at nakawala ako ngunit nahila niya ang buhok ko, napasigaw ako. Inihiga niya ako sa damuhan at hinawakan ang magkabila kong kamay. Nagpupumiglas ako.
“You’re playing hard to get.” Kitang kita sa mga mata niya ang pagnanasa. Now he is showing his true color. Simula nung una naming pagkikita ay iba na ang feeling ko ngunit binalewala ko lang ito. “Bago pa man ako umalis sa lugar na ito, makaka isa muna ako sayo.”
He is grabbing my shirt and trying to undress me. “Stop it, Florence!” Nilalabanan ko siya ngunit hindi ko nakakaya ang lakas niya parang mas dumoble ito. “Please, Florence! Don’t do this to me!” Umiiyak na ako.
He is harassing me until someone grabs him by his waist. Dahan dahan akong tumayo para tingnan kung sino ang lalaking yon. It was Marco, he is punching Florence in the face.
Nilapitan ko sila. “Marco, tama na! Umalis na tayo dito.”
Hindi niya ako narinig at patuloy pa rin sa pagsuntok. “Matagal na akong nagtitimpi sayo!”
I need to stop him before he kills Florence.
Hinawakan ko ang braso niya. “Tama na, Marco.. baka mapatay mo na siya.”
“Let him, Althea. Para makita mo na walang pinagkaiba ang lalaking minamahal mo sa lahat ng Strigoi.”
Biglang huminto si Marco sa pagsuntok at ginantihan siya ni Florence. Bago pa man siya makasuntok ulit ay pumagitna ako.
“Umalis ka na!”
Nanlilisik ang mga mata niya. “Talagang aalis na ako dito. Pero huwag kayong papakampante, we are just getting started, darling.” Ngumisi siya at biglang nawala.
Agad kong niyakap si Marco at humikbi. “Thank you for saving me, love.”
Mahigpit din niya akong niyakap. “I’m sorry I was late but I’m glad you are safe.”
Umiling ako. “You don’t have to say sorry. Let’s go.”
Tinungo namin ang kubo na tinutuluyan ni Marco pa minsan minsan. Umupo ako sa sahig at huminga ng malalim.
Inabutan niya ako ng isang baso ng alak na may nakahalong dugo. "Again, it's not Strigoi blood. You look exhausted, you need to drink."
Tumango ako. Kinuha ko ang baso at ininom ang laman non. "Thank you."
Nakatayo lang siya at tinitignan ako. "M-may problema ba?"
He squatted and held my hands. "I'm really sorry for arriving late, galing ako sa lugar na pinagtataguan ng grupo ni Arminda. Sumasagap ako ng balita pero tikom ang bibig ng iba, hindi ko rin nakita si Dranreb doon."
"You don't need to explain, love." Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa labi, tumugon naman siya at mas lumalim pa ang halik namin.
Nakapasok na ang mainit niyang palad sa blusa ko at hinahaplos na ang likod ko. We were getting drawn by the sensation we are feeling but we stop because someone is outside and knocking the door. I can sense that it's Strigoi.
Tumayo si Marco at unti unting binuksan ang pinto.
"Dranreb?"
To be continued…