CHAPTER 11 - DANGER AHEAD
"s**t! Wrong timing naman oh." Marco mumbled. Tumayo kami pareho. Inayos lang namin ang mga damit namin at nagtungo na si Marco sa pintuan.
"Dranreb?" Gulat na sambit ni Marco ng makita niya ito pagbukas ng pinto.
"Pre!" Narinig kong tugon nito. Sumilip ako sa gilid ni Marco. "Althea? Nandyan ka pala.."
Nagbigay siya ng makahulugang tingin sa aming dalawa ni Marco. Natawa na lang ako.
"P-paano mo nalaman na nandito ako?" Pag-iiba ng topic ni Marco.
Ngumisi si Dranreb at may hinila mula sa kaliwa niya. Namilog ang mata ko ng makita kung sino ang kasama niya.
"E-emily?"
“H-hi!” She greets us awkwardly.
Pinakiramdam muna ni Marco ang paligid. “Pumasok na muna kayo.”
Dali-daling pumasok ang dalawa at umupo sa sahig. Nang maisara ni Marco ang pinto ay magkatabi kaming umupo kaharap sila.
“So, bakit magkasama kayong dalawa?” pambungad na usisa ni Dranreb.
“Is it not obvious?” sabat naman ni Emily at umirap. In fairness, they can be a pretty good couple.
Bumaling naman sa kanya si Dranreb. “Alam mo, ang init ng dugo mo sa akin. Kanina pa kita napapansin na naiirita ka na. Bigyan kita ng isang matamis na halik dyan, eh.”
“Yuck! No, thank you! Ibigay mo na lang yan sa iba, hindi ko kailangan.” she rolled her eyes.
Tumikhim naman si Marco dahilan para tumigil ang dalawa sa pagtatalo. “Are you going to keep on arguing or there is something you want to report to us?”
Umupo naman ng tuwid ang dalawa.
“Sorry.” sambit ni Emily. I just smiled and nodded.
“It’s about Florence.” panimula ni Dranreb. Nagkatinginan kami ni Marco then he signaled him to continue. “He’s a traitor. He has been working with Arminda ever since the start of the King’s order.” Bumaling siya sa akin. “He is spying in your place and pretending to be good in order to collect news about a Moroi possessing a spiritual ability.”
Nagulat ako sa pinahayag niya. “D-Does his father know about this?”
“It’s for us to find out.” Emily answered.
Nakaramdam ako ng kaba, nilaro ko ang mga daliri dahil hindi na ako mapakali. I guess Marco saw what I was doing so he held my hands. He gave it a squeeze and we intertwined our hands.
“Pre, hinay hinay lang naman sa pagpapa mukha sa akin na single ako.”
“Pag inggit, pikit! Dami pang satsat.” ani ni Emily.
Umiling na lang ako, hindi pa pala sila tapos.
“Hanggang ngayon ba kahit tinigil muna ng Hari ang utos niya ay patuloy parin sa paghahanap ng palihim ang mga Strigoi sa Moroi na may espirituwal na kakayahan?” kuryoso kong tanong.
Tumango si Emily. “They are suspecting Janella to be that Moroi having that special ability, Thea.”
“No, imposible!” pagtanggi ko agad.
“It’s possible! After that mess, she’s the only Moroi who was not examined by Arminda’s group. I know she is your best friend, Thea, and it is too early for you to know the truth—”
Kumunot ang aking noo. “What truth?”
“I see.. Your mother didn’t tell you yet.” Nakikinig lang yung dalawang lalaki.
“W-we’re not on good terms. Nagkaroon kami ng 'di pagkakaintindihan kanina. But never mind about that, what truth are you talking about?” Bumibilis na ang t***k ng puso ko.
“The reason why your mother and Tito Claudio bring Janella somewhere else is because she is starting to develop her ability and for her safety hinayaan na muna nilang lumabas ng buo ang kakayahan niya at matutunang i-handle ito bago sila umuwi dito. And with your mother coming home already means malapit na ring bumalik sina Janella.”
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bakit sa lahat ng Moroi dito sa La Sangrienta, ang best friend ko pa ang nabigyan ng ganoong kakayahan? Bakit tinago sa akin ni mama ang totoo? Kasama pala namin ang hinahanap ng mga Strigoi at ang rason kung bakit nangyari ang gulo noon.. Ang pagkamatay ni papa, siya rin ang dahilan.
A tear fell from my eyes, Marco immediately comforted me.
“Let’s talk again later. Magpahinga muna tayo.”
The two just nodded. I saw Emily laydown and close her eyes and Dranreb just went outside.
Humiga rin ako at ginawang unan ang legs ni Marco. Hindi ako makatulog, everytime na pumipikit ako ay naaalala ko ang nangyari noon. Muntik na kami matunton doon sa tinitirhan namin buti na lang at nakatakas kami agad. I really thought everything would be okay not until that day when Strigoi knew where we were hiding.
Perhaps mama and papa knew about Janella's ability all along.
Naramdaman kong dumampi ang palad ni Marco sa pisngi ko at parang may pinupunasan.
"Hey.. you're crying. What's wrong, love?"
Bumangon ako at umayos ng upo para matingnan si Marco.
"I was just thinking about the things I heard tonight. Then, naalala ko si papa." I started crying.
"Sshh.. come here."
Umusog ako at niyakap siya sa tagiliran. Umakbay naman siya sa akin.
"Everything happens for a reason, love. We may not see it right now but someday it will all make sense."
I looked up at him and smiled. "Thank you, love. For everything.."
He kissed my forehead and on my lips.
"I just remembered, nag away kayo ng mama mo? Dahil ba sa akin yon?"
"Yeah.. gusto niyang makipaghiwalay ako sayo but I said no. Nalaman niya rin na gusto kong maghiganti laban sa Strigoi and she is against my plan. Ngunit ayokong sumunod sa kanya, my decision is final. Alam ko naman na hindi mo ako pababayaan, as long as we're together mapagtagumpayan natin ito." Sumandal ako sa balikat niya. "Are you going to fight with me?"
Huminga siya ng malalim. "All I want for now is your safety pero ayoko rin maging hadlang sa pinaplano mo so I will fight with you but it doesn’t mean na tino-tolerate ko ang sitwasyon niyong dalawa ng mama mo, ah. Mag-usap kayo ulit at magka ayos.”
Inangat ko ulit ang ulo ko para matingnan siya. “I’ll do that but give me some time.”
He sweetly smiled at me. “And I want you to promise me one thing.”
“Ano po yon, mahal?” Nagpapacute pa ako sa kanya.
Natawa naman ako ng mahina ng makitang kinilig siya. Tanggal angas, eh!
He pinched my nose. “Gusto ko lang na mag-ingat ka. Lalo na kapag dumating ang araw na malaman ng mga kalaban natin o ng Hari ang tungkol sa bestfriend mo.”
Tumango ako. “I will, I promise.” Unconsciously, napahikab ako.
“Now you’re sleepy.”
Humiga na lang ulit ako and that time I really fall asleep.
**
“Gising na pala ang mga mahal na prinsesa.” tukso ni Dranreb ng makapasok muli sa maliit na kubo.
Ngumiti lang ako. Matalim naman ang pagtingin sa kanya ni Emily.
“Ito naman, kakagising mo lang nagsusungit ka na agad.” Inakbayan siya ni Dranreb pero agad naman niyang tinanggal ang pagkaka akbay nito.
Umupo naman sa tabi ko si Marco. “How was your sleep?”
“Good.” tipid kong sagot.
"Na kwento ni Dranreb sa akin kung paano nalaman ni Florence ang tungkol sa atin."
"Talaga? Paano daw?"
"He has a concealing bracelet. Just like me." May kinuha siya sa bulsa niya. "I have this concealing ring."
"That's why you're not afraid of doing that thing —"
Tinakpan niya yung bibig ko. "You naughty girl." Hinampas ko nga.
“By the way, I already told Dranreb about our relationship. He was shocked at first and he was like, how did it happen?” masayang kwento ni Marco.
"Then? Hindi ba siya tutol sa atin?"
"Kung tutol siya, bahala siya sa buhay niya."
"Sama mo naman." I grin. "I love you."
"I love you too, Thea." He claimed my lips.
"Ang tamis! Sakit sa mata!"
Marco just raised his middle finger. Nagtawanan kami.. It feel surreal, who would have thought na ang isang dhampir, isang witch at dalawang strigoi ay magsa sama-sama.
"What time is it?" Tanong ni Emily.
"I guess it's already three in the morning. Why? Hatid na kita sa inyo?" pag-aaya naman ni Dranreb. I bet this guy has a crush on Emily.
"Y-yes please.." Sagot ni Emily pero parang may mali, mukha siyang nanghihina.
Nakatungo na lang ang kanyang ulo. Nilapitan ko siya at hinawakan ang braso niya. "Are you okay, Emily?"
Nagulat ako ng marahas niya rin akong hawakan sa braso. Yung mga mata niya.. naging puti lahat. Mabilis ring nakalapit sa aking likuran si Marco at ganon din si Dranreb kay Emily.
"What's going on?" halata sa boses ni Dranreb ang pag-aalala.
"Panganib.. May panganib sa hinaharap. Isang nilalang, may sandata.." biglang lumakas ang hangin. Bumilis din ang t***k ng puso ko. "May matatamaan ng palaso.. Nakakamatay na lason ang nakahalo."
"Emily!" niyugyog ko siya. Ilang sandali lang ay napasandal siya kay Dranreb.
"K-kailangan ko ng umuwi." halata sa boses niya ang panghihina.
"Ihahatid na kita. Tara na." Inalalayan ni Dranreb si Emily sa pagtayo at lumabas kami sa kubo.
"Thea, take care of yourself."
"Don't worry, Emily. I'll protect her." sagot ni Marco at inakbayan ako.
They waved at us at umalis na. Napabuntong hininga ako.
Marco tapped my shoulder. "Hey, don't think about it too much. Walang manyayaring masama, okay?"
"Okay." I smiled and faced him. I entangled my right arm on his nape while I ran my left hand on his one arm. "Pasok na tayo?"
I saw his adam's apple move up and down, and I could already feel his thing poking at me. Idinikit ko lalo ang katawan ko sa katawan niya.
He groaned. "You're such a tease.. humanda ka."
Napatili ako ng buhatin niya ako at dinala sa loob ng kubo.
To be continued…