CHAPTER 8 - SEALED
We just stayed there for an hour or two without doing anything. He kept on embracing me while he shared his life before being a moroi, nakalimutan na niyang i-train ako. But I’m not complaining though, I feel safe when I’m wrapped around in his arms.
“Kailangan ko ng umuwi..” sabi ko at humiwalay na sa kanya. I looked at him and he sighs. “Hey, magkikita pa naman tayo.”
He touched my hand and squeezed it. “Iwasan mo si Florence, ha.”
Mahina ko siyang hinampas sa braso. “Umayos ka nga, sabi ko ako ng bahala.”
“I trust you.” nasabi niya na lang.
I nodded and flashed a smile. Nagsimula na kaming maglakad pauwi, parang ang lapit lang ng nilakad namin at malapit na kami sa bario.
“Same time tomorrow?” I asked when I faced him.
Tumango siya. “I’ll just wait here.” He caressed my cheeks and kissed my forehead. “I love you.”
Libo-libong boltahe and dumaloy sa katawan ko ng marinig ko ‘yon. Nabigla ako sa sinabi niya at ang tanging sagot ko sa kanya ay ngiti.
Hindi na rin siya nagtagal at umalis na. Naglakad na ako papunta sa bahay, pagpasok ko ay naisipan kong maligo muna. Nang matapos ay umupo ako sa kama at nagpapatuyo ng buhok, may kumatok naman sa pinto at ramdam kong isang witch ito, perhaps it’s Emily.
When I opened the door, my guess was right, it was Emily. Pinapasok ko siya at naupo siya sa sofa.
“Ahm, wala akong mai-offer na juice or meryenda sayo tanging tubig lang.” sabi ko matapos kong isara ang pinto.
“It’s okay, you don’t have to offer me anything.”
Umupo na ako sa isang sofa na kaharap sa kanya. “So, what is it now? Are you going to warn me again? Well, you already know my answer.”
“It’s about Florence and your affair with that Strigoi man.”
“What about them?”
“Alam kong may napapansin ka na kay Florence, at nakakaduda nga ang mga kinikilos niya. But it’s just strange, since he came here hindi ko talaga nababasa ang mangyayari sa kanya. It feels like there’s someone who is blocking it.”
“Do you have someone in mind? Kung sino ang gumagawa nito?”
“Strigoi.” I got chills when she said that.
“A-anong kinalaman ni Marco rito? Iniisip mo ba na siya ang may gawa?”
“No, Thea. Pero dahil sa ugnayan niyo, lalong gugulo lang ang sitwasyon. But it seems that whatever I say, hindi na mababago ang desisyon mo at ang mas lumalalim na connection niyo.”
Huminga ako ng malalim, she is right. No matter what she says, gagawin ko pa rin ang pinaplano ko ngunit ngayon hindi na ako mag-isa sa laban dahil may kasama na ako. At kung mangyari man ang gulo na sinasabi ni Emily, I’m ready for it.
“Good night, Thea. Mag-iingat ka palagi.”
“I will, ikaw din”
Sinara ko na ang pinto ng makaalis na si Emily, I didn't expect that this time our conversation went well.
**
Naghanda na ako para makipag-kita kay Marco. It’s been two days, our training is getting intense day by day. Hindi rin nagpatalo ang pagiging extra caring niya, I didn’t really expect that a Strigoi like him can love me and is willing to sacrifice his life for me. Unti-unti na rin akong nahuhulog sa kanya, kung isa sa mga araw na ito tatanungin na niya ako to be his girlfriend, o-oo na ako, eh.
I can already feel the presence of Marco, I can’t wait to be with him again. I already miss his scent, his warmth.. It’s addicting,
I’m about to walk past the ward when Florence suddenly appeared.
“Where are you going?”
Humalukipkip ako. “I’m going to train.”
“Bakit ba sa kanya ka nakikipag train? Nandito naman ako, I can help you. Anything you want to know.” He touched both of my elbows.
“Well, since I’m after his kind, I might as well take the advantage to train with him and know the strength and weaknesses of his group. Bakit? He’s harmless naman, wala ka dapat ipag-alala.” sabi ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso at nilampasan siya pero hinawakan niya ulit ito.
“He is not harmless. Mapapahamak ka lang kapag ipagpapatuloy mo pa rin ang pagkikita sa kanya.” mas hinihigpitan pa niya ang hawak sa braso ko. The presence of Marco is getting stronger, nasa malapit na lang siya. Sinasadya ba to ni Florence?
“Alam mo kung sino ang hindi harmless dito? Ikaw ‘yon, simula ng nakikipagkita na ako kay Marco ay palagi mo na akong pinipigilan, I get it your concern pero nakakapagduda na minsan. May tinatago ka ba?” diretso kong saad.
“What are you talking about? I told you I like you and I’m jealous.”
I smirked. “You’re ridiculous.”
Tuluyan ko na siyang iniwan doon mag-isa at nagmadaling puntahan si Marco. I could tell by the look on his face, he is angry. His eyes are dark red at nakita ko rin ang kamao niya na handa ng manuntok anumang oras.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at ibinaling sa akin ang kanyang atensyon.
“I’m here, Marco..” Tinignan niya ako at dahan dahang bumabalik sa dati ang kulay ng kanyang mga mata. Hinila ko na siya at nagtungo na kami sa aming usual place.
“May araw din sa akin yung lalaking ‘yon.”
“Huwag mo na patulan.” Tinanggal ko yung sapatos ko at binasa ang aking paa. Winisikan ko siya ng tubig.
“Hey, stop it! Pag ako gumanti, makikita mo.”
“Para lumamig ang ulo mo.” Inulit ko pa ang pagwisik sa kanya pero ngayon ay hindi na siya nagpatalo at gumanti siya ng bongga.
“Nababasa na ako!”
Tumawa siya. Tinanggal ko yung jacket ko at tanging ang white blouse at pants na lang ang suot ko at dahil basang basa na ako ay lumangoy na ako sa sapa. Nakita kong nagtanggal ng shirt si Marco at sumisid na rin papunta sa akin.
Napatili pa ako ng hawakan niya ang bewang ko at inilapit niya ang katawan niya sa akin. Pinulupot ko rin ang mga braso ko sa batok niya.
“I hate the way he holds you like that.. he’s hurting you.” Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko. “Ang lakas din ng loob niyang sabihin na nagseselos siya, gago ba siya?!”
I pinched his nose. “Aray! Parang wala lang sayo yung nangyari, ah. Iniisip ko pa lang na baka maagaw ka niya sa akin natatakot na ako pero ikaw chill lang.”
“Wala ka naman talagang dapat ipag-alala. Hindi niya ako makukuha sayo dahil I’m all yours! Hanggang tingin na lang siya.” ngumiti ako, he looked confused. Cute!
“W-what do you mean?”
Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at nginitian siya. The next thing I did was to make him sure that I am his already. He kissed me back and deepened it. That was our first kiss ever.
“Sealed, Marco.”
“Damn! Thea, I love you!”
“I love you, too”
To be continued…