Chapter 7

1142 Words
CHAPTER 7 - SUSPICION AND JEALOUSY Kumuha ako ng dalawang baso at isang bote ng alak. Inilapag ko ito sa mesa at umupo sa bakanteng upuan. Naupo naman sa aking harapan si Florence. Isinalin ko ang dalawang baso ng alak at binigay ko sa kanya yung isa. "Drink!" utos ko sa kanya. Nilagok niya naman agad ang laman at ganun na rin ako. "Akala ko ba mag-uusap tayo? Di ako na inform na drinking sesh pala 'to." "Nag bi-build up lang ako ng self confidence." I rolled my eyes. "So, are you going to answer my question? Magkasama na naman ba kayo kanina?" Siya na ngayon ang nagsalin ng alak sa mga baso namin. "To answer it, yes. Magkasama kami kanina. Why? Dahil may kailangan ako sa kanya. Why do you even care?" Ininom ko yung alak na sinalin niya. "Maybe because he's an enemy? Lumuwag na ba turnilyo ng utak mo? O baka dahil sa compulsion, kaya ka niya napapasunod at nakikipagkita ka sa kanya?" Nagtaas ako ng kilay. Kung makapagsalita 'to akala mo very close kami. Si Janella lang ang may karapatan na magsabi sa akin ng ganyan. Kumusta na kaya ‘yon? "Alam kong kalaban ko ang kagaya niya at FYI lang hindi lumuwag ang turnilyo ng utak ko. How dare you to say that to me?" Nagbago ang expression ng mukha niya. Kung kanina ay halata sa kanya ang pagka inis, ngayon ay guilt na ang nakikita ko. "I-I'm sorry. My bad. It's just that.. Concern lang ako sayo, lalo na yung nakita kong sinasaktan ka niya." Napatawa ako. "It's part of my plan, Florence. Di ba nga sabi ko sayo may kailangan ako sa kanya?" "Whatever you say basta be careful lang." Naglagay ulit ako ng alak sa mga baso namin. "Bakit ba ayaw mo akong maging malapit sa kanya? Kung hindi lang kita itinuturing na kaibigan, iisipin kong may gusto ka sa akin, eh" "What if kung meron nga?" Napatitig ako sa kanya. Seryoso ba siya? After si Marco mag confess, siya naman ang sunod? Ito na ba ang bagong trend ngayon? Bakit hindi ako updated sa mga uso now a days? Bago ko siya sagutin ay ininom ko ulit yung alak. "U-umayos ka nga. Huwag mo na akong pinag ti-tripan.." I cannot look at him straight in the eye. "I'm not. Hindi ako nakikipag biruan, Thea. I'll do my best para ilayo kita sa kanya." Inilalapit niya ang kanyang kamay sa kamay ko na nakapatong sa mesa, agad ko naman itong inilayo sa kanya. "Kaya ko ang sarili ko, okay. Thank you sa concern mo sa akin." Magsasalita pa sana siya ngunit hindi ko na siya hinayaan. "We're done talking. Aalis na ako." Pagtayo ko ay medyo umikot ang paligid kaya napatukod ako sa mesa. Nilapitan naman ako ni Florence para sana alalayan. I raised my hand. "No, I'm okay." Dahan dahan akong naglakad palabas, mabuti at hindi na ako hinabol ni Florence. Anong klaseng alak ba ang nakuha ko at ang lakas ng tama sa akin. Hinawakan ko ang ulo ko habang palapit sa mga kakahuyan. Dumidilim na pala, ramdam ko na ang presence ni Marco sa di kalayuan. Shit! Umiikot talaga ang paligid ko, biglang may humapit sa bewang ko and I smelled that familiar scent. "I heard everything." Sabi niya. Hindi ko alam kung may pagbabanta noon pero natakot ako. Lagot! Dinala niya ulit ako sa may sapa. Naghilamos ako para mahimasmasan ng kaunti at naupo doon sa dati naming inupuan. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Tumikhim ako, "I'm alright now, Marco." Tahimik lang siya at binitawan na ang kamay ko. Nakakabingi ang katahimikan, problema nito? “A-are we going to train tonight? Nawala na yung hilo ko so pwede na tayo magsimula.” I slightly smiled at him pero walang epek, seryoso pa rin siya. Huminga ako ng malalim. “Galit ka ba? Bakit ayaw mong magsalita?” “About what I heard earlier.. Totoo ba ‘yon?” “Alin dun?” Inisip ko naman kung ano ang mga pinag-usapan namin ni Florence kanina. “Tungkol ba doon sa sinabi kong may kailangan ako sayo? Totoo naman di ba? I need you to train me.” Binalingan niya ang sapa, kitang kita ang liwanag ng buwan at repleksyon nito sa tubig. “Don’t tell me, na misinterpret mo yung sinabi ko? Ginawan ko na lang ng alibi para hindi na siya magtanong ng kung anu-ano. I trust you, you know.. It’s him I couldn’t trust. I feel na may tinatago siya, nakakapaghinala. Una, yong tungkol sa mga impormasyon na kinukwento niya sa akin then ang pagpunta niya dito. Sabi mo nga ‘di ba walang nakakaalam sa lugar na ‘to? Sinigurado ko naman na walang nakakita sa akin bago ako umalis.” “Hindi tungkol dyan ang ibig kong sabihin.” “Eh, ano?” Sumagi naman agad sa aking isipan ang pag amin din ni Florence na may gusto siya sa akin. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at ngumisi. “Are you jealous?” He turned his head in my direction. “Yes, and I won't let him take you away from me.” Nawala yung ngisi ko. “Possessive yarn?” bulong ko. “You said that he’s suspicious and I agree, so simula ngayon ayoko nang makita o malaman na kinakausap mo pa siya.” “What? Eh, lalo siyang magtataka kung ganon. Hmm.. ako nang bahala. Trust me.” Para namang sumang-ayon siya sa sinabi ko at hindi na siya kumontra pa. “Ayoko lang dumating sa point na angkinin niya ang hindi naman sa kanya.” Naku, ibang klase rin pala ito mag selos nagiging possessive. Pero in fairness, kinikilig ako. Uy, iba na ‘to! Tumayo ako at hinila ang kamay niya. “Dali na, mag training na tayo.” As I pull his arm, he immediately stand and pulled my arm instead. Sumubsob naman yung mukha ko sa matigas niyang dibdib at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Para-paraan naman, Marco, pero ginantihan ko naman siya ng mahigpit din na yakap. Bakit ganito? Whenever I’m with him, I feel more safe. I love to be near him; his scent is drowning me out. I heard him sigh. “Hindi na ata kita matutulungan sa pag t-train.” Nagtaka ako at tumingala sa kanya. I even raised my right eyebrows. “At bakit?” He cupped my face. “Di ko na ata kayang makita kang nasasaktan.” I felt a tight knot in my stomach. Bwisit na Strigoi ‘to! Lakas magpakilig! “You’re blushing.” Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko. “I love it when I see you blush—the kind of shade I’d always want to see. My own kind of red..” Wala na.. mahuhulog na ako nito. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD