CHAPTER 6 - CONFESSION
"You're early. Tirik na tirik pa ang araw, you know that sunlight is our weakness.” tumingala ako sa ibabaw ng puno at tinignan ang lalaking kararating lang na nakatayo sa sanga. He is looking at me intently, he is wearing a gray hoodie jacket and his hands are both on the side of his pocket.
Alas nueve pa ng umaga at naparito na ako sa lugar kung saan kami nag train ni Marco kahapon. Nawalan na ako ng gana na mag stay pa doon sa tinitirhan ko kaya naisipan kong pumunta dito, though I wanted to talk to Florence about what happened yesterday pero saka na lang. Ang importante ngayon ay makapag train ako ng husto dahil gusto ko nang tapusin ang paghihiganti ko para kay papa.
Naupo ako sa isang malaking bato na nasa gilid ng sapa at nilublob ang paa sa tubig. Iniisip ko ang mga bagay na dapat gawin para maisakatuparan ang plano ko, dumating naman asungot na ‘to.
“Paano mo naman nalaman na nandito ako? May tracking device ka bang ikinabit sa akin? Sa tuwing may nangyayaring masama dumadating ka. Aminin mo nga, bukod sa offer na tulong may iba ka pa bang dahilan kung bakit mo ako tinutulungan?” Ang assuming ko sa part na ito ngunit talagang nakakapagtaka na everytime nasa kagipitan ako, sumusulpot siya.
Tumalon siya pababa galing sa punong iyon. “Dito ako naglalagi so malamang pupunta ako dito kung kailan ko gusto, malay ko ba na nandito ka rin. At anong tracking device ang pinagsasabi mo? Malakas lang talaga ang amoy mo kaya ko nalalaman kung nasaan ka.”
Tumayo na ako at kinuha ang sapatos ko, pinuntahan ko ang isang parte ng lugar na hindi masyadong nasisinagan ng araw at doon umupo. Mabilis naman akong nalapitan ni Marco at umupo rin ngunit may isang metro ang pagitan namin sa isa’t isa.
“Hindi pa rin ako convince.. it’s like there is something else. But anyways, gusto ko rin magpasalamat sa mga tulong mo. Kung hindi mo ako naaabutan siguro magka uri na tayo ngayon.”
“At pag nangyari yon, hindi mo na maipaghihiganti ang tatay mo.”
Natigilan ako at bumaling sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin. “P-paano mo nalaman?”
“As a Strigoi, we have superior senses. Nasa paligid lang ako nung time na nag-usap kayo ni Emily.”
“At narinig mo ang lahat?” Tumango siya. “Ibig sabihin ba ay — “
“Oo, Thea. Kaya kita inalok na makipag train sa akin. Hindi birong maging kalaban ang mga kasamahan ko. I want you to know every detail para kapag dumating na ang panahon ay handa ka na.” I saw how genuine his eyes were when he said that.
“Tignan mo ‘to, nakuha mo pang mag deny kanina sa mga tanong ko then yung totoo pala ay may alam ka.”
He smiled slightly at me. Huy! First time kong makita ang soft side niya kahit sa pamamagitan lang ng pag ngiti niya.
“Well, naisip ko nga na kaya ka pumayag sa offer ko ay dahil gusto mo akong gamitin sa paghihiganti mo.”
Napayuko ako. “Sorry, yun lang ang naisip kong paraan.” Tinignan ko ulit siya. “Pero bakit nagpagamit ka rin? Sabihin mo nga ang rason..”
“Hindi mo ba talaga ako naaalala?”
He looked straight into my eyes with that serious face. I am confused now.
“What do you mean?”
“Sa bagay hindi din naman ako lumalapit sayo noon. Pinagmamasdan lang kita sa malayo.”
“Okay, naguguluhan na ako sa mga sinasabi mo. Pwede diretsahan mo na ako?
“I was once a Moroi, Althea. Sa La Sangrienta rin ako nakatira noon. Nung nangyari ang gulo ay naiwan ako mag-isa sa kubo namin. Hindi ko alam kung saan na napunta si mama, natagpuan ako ni Arminda at ginawa akong ka-uri nila.”
Namilog ang aking mga mata sa nalamang impormasyon. “So, ibig bang sabihin ay naggagamitan lang tayong dalawa? You’re helping me so that you will know if there is still Moroi that specializes the spirit ability at sasabihin mo ito sa lider niyo at hudyat na naman yon para mabuhay ang utos na ginawa ng hari noon.”
Tumayo na ako at naghanda ng umalis, pumunta naman siya sa harapan ko. Nagkataon naman na tumama sa kanyang mukha ang sinag ng araw. “Ah!” napasigaw siya. Hinila ko naman siya sa may lilim na parte.
“It is not what you think.. I’m not on their side. Never. I don’t know why this is happening to me, I should be against you. Pero mas lalo pa akong napapalapit sayo, as if may humihila sa akin papunta sayo. Siguro nagtataka ka kung bakit alam ko na galing ka sa isang academy, binabantayan kita doon, Althea.”
I am lost for words. “What a-are you trying to say…”
Huminga siya ng malalim. “I like you. Noon pa hinahangaan na kita.”
I think my jaw just dropped when I heard his confession, I was not even ready for that.
“Are you serious? Ginu-good time mo lang ata ako, to fall on your trap."
"I am serious, Thea. Hindi naman ako nag-e-expect na paniwalaan mo ako. I just wanted you to know my feelings for you."
Hindi na ako nakipagtalo pa, bago ang lahat ng 'to sa akin and I don't know what to react. "I-I should go now. Babalik na lang ako mamaya for the training."
"Okay, pero pwede ba kita ihatid?"
Uminit yung pisngi ko sa tanong ni Marco, bwisit! Yung totoo, imortal ba talaga 'to? Nagdadalawang isip pa ako dahil baka ma-sense siya ng ibang dhampir doon lalo na si Florence ngunit hinayaan ko na lang at ngumiti ako sa kanya.
Natatanaw ko na ang mga bahay sa di kalayuan kaya tumigil na ako sa paglalakad.
"We should stop here, panigurado na se-sense ka na ng ibang guardians." Tumango lamang siya.
"I'll see you later. Dito ka na lang maghintay, susunduin kita mamaya." He smiled awkwardly. Bakit ang cute? Hoy, Thea! Umayos ka!
"Sige.."
Kumaway siya sa akin bago umalis, nang tuluyan na siyang maka alis ay naglakad na ulit ako patungo sa bahay namin.
"Magkasama na naman ba kayo?" salubong sa akin ni Florence na kanina pa ata naghihintay sa labas ng bahay.
"And so? Alam mo, we should talk." I grab his hand at dinala siya sa silid kung saan kami nag salu-salo nung unang gabi namin dito.
To be continued…