CHAPTER 5 - MOLNIJA MARK
"I have warned you." madiin ang pagkasabi ni Emily sa katagang 'yon. Pinagmamasdan ko ang Morois na nagbubungkal ng lupa sa malawak na farm ng biglang sumulpot tong babae na to.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
Lumipat siya sa harapan ko na kanina ay nakatayo sa gilid. "Sinabihan na kita na huwag mo na ituloy ang binabalak mo pero ano? Tinuloy mo pa rin!"
I look at her intently. "You don't know how much it hurts to lose a person who is so important in your life. Kaya wala kang karapatan sabihan ako kung ano ang dapat at hindi gawin."
She was taken aback. "H-hindi sa ganon, Thea. I can relate with your situation, pero hindi 'to tama. Marami ang mapapahamak sa binabalak mo."
Tumayo na ako at tinalikuran siya. "My decision is final. Wala ka ng magagawa don."
Lumakad na ako at iniwan siya. Dinala ako ng mga paa ko sa silid-aklatan, wala na talaga akong ibang lugar na mapupuntahan. Matagal pa ang balik nila mama.. Habang seryoso ako sa pagbabasa ay may narinig akong sigaw na nagmula sa labas.
Nagmadali akong lumabas upang tingnan kung ano ang nangyari. Nilapitan ko ang mga Moroi na nagkukumpulan, naroon na pala si Florence at sinusuri ang isang kahon.
Pagbukas niya nito ay maraming mga paniki ang lumabas. Nagsitakbuhan ang mga Moroi at nagtago sa kanilang mga silid.
"Sa tingin mo sino ang may pakana nito?" Tanong ko kay Florence ng tumayo na siya at nilapitan ako.
"Sino pa, edi mga galamay ni Arminda."
"Arminda?"
Tumango siya. "Siya ang pinuno ng mga Strigoi.. anak niya si Mara. Sa kanya nakipag sabwatan ang Hari upang hanapin ang isang Moroi na may kakayahan bumuhay ulit ng isang patay na."
"I see.. Paano mo nalaman ang tungkol diyan? Nung time na yon, wala pa naman kayo rito.."
Tumikhim siya at umiwas ng tingin. "N-na kwento lang ni ama."
"Ah, okay. Sige, maiwan na kita. May kailangan lang akong gawin." Ngumiti ako sa kanya.
**
Dumidilim na ang paligid, kailangan ko na puntahan ang lugar na pinag-usapan namin ni Marco. Sinigurado ko muna na walang makakakita sa akin bago magtungo doon.
Nakikita ko na ang b****a ng gubat, nasisilayan ko na rin ang sapa. I never thought na may ganito kagandang tanawin pala ang nakatago sa La Sangrienta.
Namamangha pa ako sa paligid ng biglang may humawak sa leeg ko at inihagis ako na parang bato sa mga damuhan.
Pinalis ko ang dugo sa gilid ng labi ko. "s**t!" Panigurado akong maaamoy ako ng mga Strigoi.
"Tsk! Presence of mind, Althea. Hindi ba itinuro sa inyo yan? Kung ganyan ka lagi, wala pang isang segundo naubos na dugo mo." May halong inis sa boses niya ng sabihin ang mga yon.
Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. "Binigla mo ako, alam mo ba 'yon? Hindi kita inaasahan na sumulpot."
"Reasons." He crossed his arms. Tumalikod siya, and now his sexy back is facing me.
It's my turn to take revenge. Pag nagkikita kami, lagi niya akong sinasaktan, maka isa nga sa kanya.
Sumugod ako ngunit hindi pa ako nakabwelo ay naunahan na niya ako. Bakit ganon? Feel ko mahina lang naman ang pagsuntok niya sa sikmura ko pero napakalakas ng impact. Naubo ako ng dugo.
"Sinasadya mo ba ito? Baka any minute may darating na lang na kasamahan mo at gawin na lang akong hapunan." umubo pa ulit ako ng dugo.
"Walang nakakaalam ng lugar na ito kahit si Dranreb." Wala man lang ka emosyon ang mukha nito.
Hinawakan ko yung part na sinuntok niya. Nilapitan naman niya ako at inilahad ang kanyang kanang kamay. Got you!
Inabot ko iyon at tumayo, agad kong sinipa ang hita niya dahilan para lumuhod siya. I grab that opportunity to kick his face, sa sobrang lakas ng pagsipa ko ay tumilapon siya.
"I didn't expect that." saad niya. He suddenly appeared quickly in front of me.
We continue our training with a little bickering. Hanggang sa na-corner na naman niya ako, he grips his hands around my neck.
"Hey!"
Nilapitan kami ni Florence, hinawakan niya ang magkabilang braso ni Marco at dinala ito sa likod niya.
"Bago mo siya saktan, ako muna kalabanin mo!"
Sinuntok niya sa tagiliran si Marco at sinikmuraan. Napa ubo rin siya ng dugo, dahan - dahan siyang tumayo at hinarap si Florence. Buong akala ko ay gaganti siya ngunit hindi man lang siya sumubok tanging ngisi lang ang pinakita niya. What the hell?
Nakita kong nakahanda na naman ang kamao niya ngunit bago pa man siya gumawa ng aksyon ay humarang na ako sa gitna nila.
"What are you doing?" Marco asked. "Let him be. Hindi naman ako nasaktan sa ginawa niya."
"Masyado ka ring mayabang, ano?" I heard him chuckle a little.
"Anong ginagawa mo, Althea? Hindi mo siya dapat kinakampihan. He's our enemy!" bulyaw naman ni Florence.
"Shut up! Wala siyang ginagawa na masama."
"You don't have to do this." bulong niya sa akin. Halata ang pagtataka sa mukha ni Florence.
"What did you do to her?!" He yelled and got ready to attack but I immediately stopped him.
"Rence, ano ba! He's a friend!"
"Seriously, Thea?! Pinagkakatiwalaan mo yan?"
Hindi ko na siya pinansin, I faced Marco instead.
"I'm sorry for what happen, sa susunod na araw na lang ulit."
Tumango siya at tinignan ng masama si Florence bago umalis.
***
"Thea, wait!" tawag sa akin ni Florence ng makarating ako sa tapat ng bahay namin.
I looked at him and arched my right eyebrow. "What?"
"Okay, look.. What do you expect of me to react? Sinasaktan ka niya.."
"It's not what you think, Florence."
"Then, ano?"
"Do I owe you an explanation?"
Natigilan siya sa sinabi ko. I rolled my eyes at tinalikuran siya.
"O-of course, k-kaibigan mo rin naman ako."
Hindi ko na siya sinagot, bago pa man ako pumasok ng bahay ay nagsalita siya ulit.
"Pinapatawag ka pala ni ama."
"Bakit?"
"Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang dahilan ng pagtawag niya."
"I'll be there in a while.. huwag mo na ako hintayin."
Naligo lang ako at nagpalit ng damit pagkatapos ay tinungo ko na ang maliit na kubo na tinutuluyan ni Pinunong Romulo.
Yumuko ako ng makita ang matanda. "Magandang gabi po. Pinapatawag niyo raw po ako?"
"Hija, umupo ka muna." Tinuro niya ang maliit na upuan na nasa harapan niya.
Tinignan ko muna si Florence na nasa gilid niya nakatayo, tumango lang siya kaya naman ay umupo na lang din ako.
Nakita kong may hinahalo ang Pinuno sa isang mangkok at dinadasalan.
"Maaari ko po bang malaman kung ano po yan?"
"Isa itong espesyal na tinta para sa tatu na ilalagay sa batok mo."
I'm confused. Nahalata niya ata ito kaya nagsalita siya ulit.
"Dahil sa katapangan mo nung nakaraang araw, nakapatay ka ng Strigoi at dahil sa ginawa mo ay ginagawaran kita ng Molnija mark."
"M-molni-ja?"
"It's a mark that is tattooed on our neck to mark how many Strigoi we have killed. It looked like this." Pinakita ni Florence yung marka sa batok niya.
"I see.."
Mabilis lang ang paglagay ni Pinunong Romulo sa tattoo. Hindi man lang ako nakaramdam ng hapdi.
"Maraming salamat po, Pinuno. Alis na po ako." He just nodded, I bowed my head and walked outside that small house.
"Althea, pwede ba tayong mag-usap?" Hindi ko napansin na nakasunod pala siya.
"I'm sorry, Rence.. some other time na lang. I need to rest." sabi ko at umalis na.
To be continued..