Prologue

597 Words
PROLOGUE Isang kalmadong hapon, mga huni ng ibon at ilang tunog ng mga hayop ang tanging naririnig sa paligid ng gubat. Masaya kami ni Janella na tumutulong kay mama sa paghahanda ng mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto ng hapunan. Habang si papa naman ay abala sa pagsisiga ng kahoy. Matapos mangyari ang pwersahang pagpaslang o pagpalit ng uri sa mga kasamahan naming Moroi noong nakalipas na limang buwan ay nabuhay kami ulit ng tahimik at matiwasay nina papa. Hindi na namin natulungan ang iba pang kasamahan dahil sa dami ng kalaban. Kung hindi kami nagmadaling tumakas ay may posibilidad na mapaslang kami at ang best friend ko. Mabuti at nasa malayo na kami.. wala nang manggugulo. "Aurora.. mga anak, pumasok na muna kayo sa kubo." Seryoso si papa ng sabihin niya iyon, may problema kaya? Napansin kong tumahimik ang paligid, nagkatinginan si mama at papa na ipinag taka ko ng husto. "Ma, bakit nagpa iwan si papa sa labas?" Tanong ko matapos isara ni mama ang pinto. "Tita, bakit po kayo umiiyak?" Napa iling lang si mama sa tanong naming dalawa ni Janella. "Dito na muna tayo, m-may aasikasuhin lang ang papa mo, Thea." Hinaplos ni mama ang pisngi ko at niyakap kaming dalawa. Ilang minuto lang ang dumaan ngunit pakiramdam ko'y mahigit isang oras na ang lumipas, may kumatok ng ilang beses sa pintuan namin. Napapitlag ako at ramdam ko ang takot at kaba ni mama. Lalapitan na sana ni mama ang pinto ngunit pinigilan ko siya. Agad namang nagsalita ang kanina pang kumakatok sa labas na tila pamilyar sa amin ang boses. "Aurora, ako ito si Claudio. Itatakas ko kayo!" Mabilis na umaksyon si mama at pinapasok si tito sa maliit naming kubo. "Papa, naabutan mo ba si tito Danilo sa labas?" usisa ni Janella sa papa niya. Bumaling si tito kay mama at umiling. "Hindi! Hindi maaari! Buhay ang asawa ko! Claudio, buhay ang asawa ko! Buhay si Danilo!" naluhod si mama at humagulgol ng iyak. Naguguluhan man ay nagawa ko pang tanungin kung ano talaga ang nangyayari. Nilapitan ako ni tito Claudio at hinawakan ang aking balikat. "Patawarin mo ako, Thea.. hindi ko nagawang tulungan ang papa mo sa labanan. Huli na akong dumating sa pinangyarihan ng laban at nakita kong naliligo na sa sariling dugo si Danilo. Mag-isa niyang hinarap ang mga Strigoi upang hindi sumugod rito ang mga kalaban." Strigoi.. kasalanan nila kung bakit namatay ang papa ko. Unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng aking mga mata. Ngayon ay hinawakan na ako ni tito sa magkabila kong balikat. "Althea, huminahon ka, hija. Hindi pa sapat ang lakas mo para harapin ang mga Strigoi. Ang dapat nating gawin ngayon ay tumakas palayo sa lugar na ito." Tutol man ay pumayag kami ni mama, sinigurado muna ni tito na walang kalaban sa paligid bago kami lumabas sa kubo na yon. Nang nasa b****a na kami ng gubat ay hindi na sumama si tito Claudio sa amin. "Papa, bakit magpapa iwan ka?" Naiiyak na sambit ni Janella sa kanyang ama. "Huwag mo na akong problemahin anak. Kaya ko na ang sarili ko, ang importante ngayon ay makalabas kayo ng ligtas sa lugar na ito." Niyakap ng mahigpit ni Janella si tito Claudio at di kalaunan ay agad itong nawala. Hindi na rin nagpatumpik si mama at madali niya kaming nadala sa ibang lugar kung saan namin sisimulan muli ang mabuhay ng maayos. Ngunit hindi ako makakapayag na hindi mabigyan ng hustisya si papa. Pagdating ng araw na maging guardian ako, babalikan ko ang lugar na 'yon at ang mga pumaslang kay papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD