Chapter 1

1870 Words
CHAPTER 1 - LA SANGRIENTA It’s been almost a year since that chaos happened just because of that stupid order of the King, and it’s been half a year since Papa passed away, sacrificing himself just to protect us from danger. Kung hindi lang nangyari ang lahat ng ‘yon, kasama pa sana namin siya ngayon. I breathe out a heavy sigh. Nilibot ko ang paningin sa buong campus habang nagpapahangin sa may rooftop, maaga pa naman, hindi pa ako mahuhuli sa aking graduation. Nakaramdam ako ng presensya. "A penny for your thoughts, Ms. Valderrama?" Napatingin ako sa nagsalita na ngayo'y nasa aking tabi na. She giggled and I jokingly rolled my eyes, binalik ko ang tingin sa paligid. "Malalim ata ang iniisip natin diyan, Thea." sabi niya at kumapit sa braso ko. "I'm just going to miss this place." Pagdadahilan ko. "I've spent my whole time training here, hindi madaling kalimutan ang akademyang ito. Bukod pa 'don, mami-miss ko yung mga kaklase natin at yung feeling na maging normal." dugtong ko pa. "Yeah, right. Kung ayaw mo naman umalis dito, pwede naman akong maghanap na lang ng bagong guardian." Napalingon ako sa kanya, humalukipkip siya. May panunuya pa sa kanyang pagkasabi sabay taas ng kilay. "Seriously, Janella?" sabi ko na natatawa. "Eh, ang drama mo kasi. You know that it is time for us to leave this place, we don't belong here anyway, Althea. As much as we like to live here, mapapahamak lamang ang mga taong nakapaligid sa atin kung magtatagal pa tayo dito. At sabi naman ni Papa, safe na don, so no need to stay here longer." Kita sa mukha niya ang pagka-inis, at halata nang wala na siya sa mood dahil buong pangalan ko na ang kanyang binabanggit. Pinipigilan kong tumawa ngunit nabigo lang ako and she looked confused. "Chill, Ella. Alam ko naman 'yon, eh. Na hindi talaga tayo pwedeng makisalamuha sa mga tao dahil hindi natin sila ka-uri. Well, I guess since may part pa rin sa akin na lahing tao, exempted ako dyan sa sinasabi mo." It's her time now to roll her eyes, "ewan ko sayo!" Muli akong tumawa, "Bakit ba ang seryoso mo? Hindi mo naman ako masisisi, napalapit na rin ako sa iba. Pero hindi ibig sabihin na nakalimutan ko na ang obligasyon ko sayo at ang lugar na 'yon." Pinaghandaan ko ang araw na ito, ang pagtatapos ko sa akademya ay ang pagsisimula ko sa paghihiganti para kay Papa. Hindi na namin naituloy ang pag-uusap ng may tumikhim. "Ms. Valderrama and Ms. Tingzon, pinapatawag na po kayo ni Miss C." she bowed a little. Nagtinginan na lang kaming dalawa ni Janella at tumango bilang pagtugon sa sekretarya. Janella flipped her hair at naunang maglakad. Eh? Umiling na lang ako. Lingid sa mga estudyante rito ang tunay na pagkatao namin ni Janella at ni Miss C, ang tangi lang nilang alam ay isa lang kaming hamak na normal na tao. Noong nawala si Papa, hindi namin alam kung paano kami magsisimula muli. Napadpad kami sa Darmelington City na walang ideya kung saan pupunta, wala kaming kakilala. Nilibot namin ang syudad hanggang sa mapunta kami sa harapan ng isang akademya, nagkataon na dumating ang sasakyan na lulan si Miss C. Na-sense niya siguro na mga Dhampir at Moroi kami kaya pinatawag niya kami. Nalaman namin na isa rin siyang Dhampir ngunit hindi na aktibo sa pagiging guardian, namuhay siya na parang isang normal na tao. Nakikisalamuha sa mga tao without knowing kung ano talaga siya. Dhampirs live generally undetected among human society, they can belong to any class, and may be found working in any profession, kaya siguro ganon siya ka-confident pag nakaharap sa mga tao, wala siyang pangamba. Buti na lang at kaya namin kumain ng normal na pagkain like what other normal people used to eat pero syempre hindi pa rin mawawala sa sistema namin ang pag inom ng dugo. As per Miss C., dugo ng hayop ang iniinom niya. Tinulungan niya kaming makabangon ulit, pinag-aral kami at inihanda na rin ako sa pagiging guardian ni Janella. Nakikipagkita lang ako kay Miss C at sa iba pang guardians para mag training sa 'di kalayuang gymnasium upang hindi kami mahalata ng iba. ** Pagkarating namin sa opisina ng Academy Head ay naroon na si Mama. May kasama pa silang isang lalaki na hula ko ay isang guardian din. Matikas siya, gwapo at matangkad, pero masyadong seryoso ang mukha niya. Nakaka-intimidate ang presence niya. Nakakatakot. Nakatayo lang ang lalaki sa side ni Miss Carmela, first time ko siyang makita dito. Sino kaya siya? Binati kami ni Mama at pinaupo na ako sa upuang nasa harap ng mesa ni Miss C. Sila namang dalawa ni Janella ay magkasamang umupo sa may sofa. "Hey, are you okay?" narinig kong tanong ni mama kay Janella. Tipid na ngiti lang ang sinagot nito base sa aking peripheral vision. I sigh. "So hindi ko na papatagalin ang munting seremonya na ito dahil may meeting pa akong aasikasuhin. Ms Valderrama, I would like you to meet Carlos. A dhampir, a guardian and currently holds the Blood Master Level 7. Siya ang maglalagay sayo ng promise mark." Tumayo ako at bumaling sa kanya, manghang-mangha. Ilang segundo rin akong natulala. Gayunman ay gaya nga ng sabi ni Miss Carmela ay si Carlos ang naglagay ng marka sa aking batok. Pagkatapos ng simpleng seremonya ay hindi na kami nagtagal at umalis na. Papunta na kami ngayon sa parking lot, hindi ko mapigilang ngumiti habang hawak ang batok ko. Finally, I've got to received my promise mark. A tattoo that upholds their promise to their guardianship to the Moroi. Bago pa buksan ni Mama ang pintuan sa driver's seat ay bumaling siya sa amin ni Janella. "May problema ba kayong dalawa?" I just shrugged and looked at Janella. "Wala po tita, sinumpong lang po ata ako. But we're good, you don't have to worry." Ngumiti siya. Sinumpong? Ng alin? May regla ba siya para mag iba-iba ng mood? Makahulugan ang tinginan nilang dalawa ni mama ngunit hindi ko na muna sila inusisa. Nilapitan ko siya at inakbayan, "Ito namang bestfriend ko napaka sumpungin. You know I'm just being sentimental, pa kiss nga!" "Yuck!" ngumiwi siya at tinanggal ang pagkakaakbay ko. Hindi ko napigilang tumawa ng malakas. "O siya at tama na yan, sumakay na kayo. Kailangan na nating umuwi, naghihintay na sila sa ating pagbabalik." ani ni Mama. ** It was such a long ride, almost 8 hours na kaming bumabyahe. Mga alas diyes ng umaga kami umalis at ngayo'y mag-a-alas sais na. Lumubog na ang araw, ni wala pa kaming kain at 'di pa nakakainom ng dugo. Nanunuyo na ang lalamunan ko, for sure si Mama rin. Janella is lucky 'cause she can go without feeding for about two days, nakatulog na nga siya sa byahe, eh. "Ma, tama ba 'tong tinatahak natin? Hindi ba tayo naliligaw?" tanong ko habang tinitignan ang paligid. "Y-yeah.. tama naman anak." sagot niya na diretso lang ang tingin sa daan. Halatang kabado siya. Napapalibutan na ang lugar na 'ito ng mga nagtataasang mga puno. Kung buhay lang sana si Papa, eh, hindi sana kami ganito katakot. Alam kong na-se-sense ni mama ang mga kalaban, she's just trying to keep calm. Yes, we are both guardians but for now we are outnumbered. Hindi namin makakayang kalabanin sila. Nakapa ko ang kwintas na bigay sa akin ni Miss Carmela bilang regalo, maybe I can already remove this concealing necklace? Para naman aware ang mga strigoi na hindi lang si Mama ang nag-iisang dhampir sa amin at para ma-sense ko na rin kung nasaan ang mga kalaban. Akmang huhubarin ko na ang kwintas ay hinawakan niya ako sa braso. "Don't do it, Thea. It's more dangerous for us kung huhubarin mo na 'yan ngayon, you can remove it when we arrive." "Pero ma, —" "Nagmamanman lang sila." she cut me off. "Malapit na tayo, gisingin mo na si Janella." Hindi na ako kumontra pa kay Mama at sinunod na lang siya. Dinaanan na namin ang arko, I guess we're here? Nakahinga ako ng maluwag ng ma-i-park na ni mama ang kotse. Nag-iba na ang itsura ng baryo, naging maaliwalas ang paligid. Yung ibang mga bahay ay gawa na sa mga concrete materials pero meron paring gawa sa kawayan at nipa. After what happened, paano na kaya nababantayan ang mga Moroi na nandirito? Bumaba na kami sa sasakyan at sinalubong kami ni tito, medyo ka-height lang siya ni mama. Matikas din at hindi ka maiilang kausapin dahil ang bait niya. Nilapitan niya si mama at niyakap. "Maligayang pagbabalik, Aurora." "It's nice to see you again, Claudio." Di nagtagal ay kumalas na sila sa pagkakayakap at binalingan kami ni tito. "Maligayang pagbabalik din sa inyong dalawa mga binibini." ngumiti siya. "Welcome to La Sangrienta." Ngumiti rin ako bilang pagtugon. Lumapit naman sa kanya si Janella at yumakap. "Papa." Pinulupot ko ang aking braso sa bewang ni mama na ngayo'y nasa tabi ko na at isinandal ang ulo sa kanyang balikat. "We're finally back mom." she just patted my shoulder. "Halina kayo sa loob, nakahanda na ang mga pagkain." Tito Claudio lead us the way. Pumasok kami sa isang silid na sa tingin ko ay ang lugar kung saan ginaganap ang isang salu-salo. Nasa harapan namin ang mahabang mesa na pangwaluhan at puno ng mga pagkain. Pinaupo na kami ni tito, magkatabi kami ni Janella at sa harap namin ay magkatabi naman sila ni mama. Bakit hindi pa nila ginagalaw ang mga pagkain? May inaasahan pa bang bisita? Gutom na ako at nauuhaw. "Tito, may hinihintay pa po ba tayo?" hindi ko na napigilang tanungin. Siniko ako ni Janella. "Thea, mahiya ka naman." "Eh, kumakalam na ang sikmura ko." "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Claudio." sinamaan ako ng tingin ni mama dahilan para matawa si tito. "Here they are." Agad na tumayo si tito at sinalubong ang mga bisita. Nilapitan din sila ni mama, nakita kong yumakap siya sa isang lalaki na isang moroi at sa isang babae na isang witch. Pareho silang may ka-edaran na. May mga kasama pa silang dalawa. Tinawag kami ni mama at pinalapit sa kanila. "Pinunong Romulo at Ginang Rosa, anak ko po si Althea at siya naman po si Janella ang anak ni Claudio." pagpapakilala ni mama sa amin. "Hello po." sabay naming bati ni Janella at nahihiyang nakipagkamayan. "Kinalulugod ko kayong makilala." tipid na ngiti ang sumilay sa mukha ni Pinunong Romulo. "Kasama ko rin si Florence, ang aking anak at siya naman si Emily, ang anak ni Rosa." "Hi there Ms. beautiful!" bati ni Florence sa akin at inilahad ang kamay. Tinanggap ko naman 'yon at ngumiti. Isa rin pala itong dhampir, nakipag kamayan din siya kay Janella. Bumati rin kami kay Emily na isa ring witch ngunit hindi niya kami pinansin. Masama pa ang tingin sa amin… or sa akin? Siguro ay nakikiramdam pa siya.. "Weird." bulong ni Janella. Tango na lang ang sinagot ko sa kanya. Nagsimula na kaming kumain, napuno ng usapan ang kaninang tahimik na silid. So far so good.. But this is just the beginning.. For sure there's so much more to go through here in La Sangrienta. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD