CHAPTER 2 - FIRST ENCOUNTER
Lumalalim na ang gabi at hindi pa rin natatapos ang usapan at kainan. Nadagdagan pa ang mga dumalo sa munting salu-salo, may ilang taga silbi pa ang labas-masok sa silid at inihanda ang mga alak.
Gusto ko pa sanang uminom ngunit puno na ang aking tiyan, 'di rin naman ako maka-relate sa mga pinag-uusapan ng mga nandirito.
Kinalabit ko si Janella na busy sa paghalo ng yelo sa alak niya.
"Yes?" sambit niya ng lingunin ako.
Sinenyasan ko siya na lumabas. "Samahan mo kong magpahangin? Di naman tayo kasali sa usapan nila."
"Nah, dito na lang ako. I'm enjoying my drink here." pinakita pa niya ang basong nangangalahati na ang laman. "Kung gusto mo, yayain mo na lang si Florence mukhang type ka ng lalakeng 'yon." ngumisi siya.
Pinanliitan ko siya ng mata. "'Di na kailangan, kaya ko na mag-isa."
Dahan dahan na akong tumayo, muli namang itinuon ni Janella ang atensyon sa iniinom.
Malapit na ako sa pintuan nang mahagip ng aking mga mata si Emily na seryosong nakatingin sa akin. I smiled but I didn't get a response from her, now that is really weird. Umiling na lang ako at lumabas na sa silid na 'yon.
Napakatahimik ng paligid, siguro natutulog na yung ibang nakatira dito. So, saan na ako pupunta ngayon? Hindi na ako ganon ka pamilyar dito.
Pinuntahan ko na lang ang kotse namin, mag-s-soundtrip na lang ako. Sa passengers seat ako umupo at in-on agad ang radyo. Inihilig ko ang ulo sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata.
Do you remember
When we were young you were always with your friends
Wanted to grab your hand and run away from them
I knew that it was time to tell you how I feel—
Iminulat ko ang aking mga mata, may naramdaman akong presensya. Strigoi... Mag-isa lang siya.. No scratch that, there's another one. May kasama siya.. Kung kanina ay feel na feel ko pa ang pagkanta, ngayon ay napalitan na ng pangamba.
Pinatay ko na ang radyo, kinakabahan man ay bumaba ako sa sasakyan at tumayo sa gilid nito. Luminga-linga pa ako sa paligid. Malakas ang kutob ko na nasa loob lang sila ng kakahuyan.
Lumunok ako at dahan-dahang lumakad patungo sa gubat. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko, itutuloy ko pa ba 'to?
Huminga ako ng malalim. "Kaya ko 'to. Isa akong guardian 'di ba?"
"Saan ka pupunta, Althea?"
Napahinto ako sa paghakbang at bumaling sa nagsalita.
"Florence.. i-ikaw pala. Kanina ka pa ba dyan?"
Nilapitan niya ako. "Anong ginagawa mo dito sa labas?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"H-ha? Uhm.." tumikhim ako. Tinignan ko ang direksyon kung saan sana ako pupunta, hindi ko na maramdaman ang presensya nila. Binalik ko ang atensyon kay Florence, nakatingin din pala siya sa direksyon na 'yon. Naramdaman din ba niya na may umaaligid na Strigoi?
"N-nagpapahangin lang.. at naglakad-lakad para matunawan, naparami kasi ako ng kain." Pagdadahilan ko. Pinilit kong tumawa at umiwas ng tingin.
Tumango-tango siya. "Samahan na kita dito, delikado na kasi pag ganitong oras." seryoso niyang sambit.
I guess this place is not yet safe after all. Well, if that is, I have all the opportunity to take revenge for my father. "S-sige, ikaw ang bahala." Sagot ko na lang at ngumiti.
"Kung okay lang sayo, ililibot kita dito bukas. I know, you already live here since birth pero may mga nabago na sa lugar na ‘to so I thought na alukin ka para naman maging pamilyar ka ulit."
"Pwede naman. Sige, I’ll see you tomorrow." masaya kong sagot.
'Di nagtagal ay natapos na ang munting salu-salo na inihanda para sa amin. Umuwi na sa kanya-kanyang bahay ang mga dumalo, nagpaalam na rin sina Pinunong Romulo at Ginang Rosa sa amin.
"See you tomorrow Ms. Beautiful!" agap pa ni Florence. Nagbalik ulit yung pagtawag niya sa akin ng 'beautiful', kanina lang ang seryoso niya. Tango na lang ang nasagot ko at sumunod na siya sa ama niya.
Iginiya kami ni Tito Claudio sa aming dating tinitirhan. Hindi naman ito malayo sa silid kung saan kami nanggaling kanina. Sandaling nag-usap sina Mama at Tito at pagkatapos ay umalis na rin siya.
Nagbago na rin ang itsura ng bahay namin, pinaghandaan talaga ang aming pagbabalik. Naupo muna kami ni mama sa sala..
"Bakit may pa 'see you tomorrow' sayo ang anak ng Pinuno, Thea?" kuryosong tanong ni mama.
"Baka po may date, Tita." sabat naman ni Janella sabay ngisi na kalalabas lang galing sa kwarto niya.
Hinagis ko ang isang unan na nasa sofa sa direksyon niya. "Magpatuyo ka na lang nga ng buhok diyan." Bumaling ako kay mama. "Ililibot niya daw ako sa La Sangrienta, ma. Pumayag na rin ako para hindi ako mabagot dito."
I looked at Janella. "Samahan mo ko bukas, ah."
"Ayokong maging third wheel no!" hinagis niya ulit sa akin ang unan na nasalo ko naman.
"Ah, basta!" tumayo na ako at tinungo ang kwarto ko. Narinig ko pang inaasar ako ni Janella kay mama pero hindi ko na lang ito pinansin.
**
Napabalikwas ako ng makita kung anong oras na, tinanghali na ako ng gising. Wala na si mama at Janella, naligo na lang ako at nagbihis. Nakita kong may nakahanda na pagkain sa mesa, para sa akin kaya 'to?
"Anak, kumain ka na. Kanina pa sayo naghihintay si Florence. Si Janella ay naroon sa Tito Claudio mo, puntahan mo na lang." sabi ni mama na hindi ko namalayang nakapasok na pala sa may kitchen.
Mabilis kong inubos ang pagkain na nakahain at pagkatapos ay lumabas na ng bahay. Kumaway sa akin si Florence nang magka salubong kami, I did the same thing and smiled shyly.
"Kanina ka pa raw naghihintay? Pasensya na, tinanghali na ako ng gising." napakamot ako sa batok.
"Wala 'yon. Tara na?" masaya niyang alok.
Dinaanan muna namin si Janella, syempre hindi ako papayag na hindi siya sumama. Baka isipin pa ng mga tagarito, eh, may namamagitan sa amin ng anak ng pinuno.
Nagsimula na kaming maglibot, naging tour guide namin si Florence. Natuwa ako ng malamang may mini library na silang itinayo at may two storey building na rin kung saan ang mga bagong Dhampir or Moroi ay pwedeng mag-aral. Yung first floor ay para daw sa mga bata at ang second ay para sa mga teen agers.
Huli naming pinuntahan ay ang farm kung saan nagtatanim sila ng iba't-ibang gulay at prutas. Hindi pa ito gaano ka lawak dati ngunit ngayon ay makikita talaga ang laki ng pagbabago.
Tinuro ni Florence ang isang lugar kung saan may pag-aaning nagaganap. "Doon tayo."
Tumango ako at hinila si Janella na halatang pagod na sa kakalakad.
"Bes, pwedeng mauna na akong umuwi? Sumasakit na 'yong paa ko." bulong ng kaibigan ko.
Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya. "Dito ka na muna, samahan mo ako. Promise pagkatapos nito ay babalik na tayo sa bahay."
Tanging buntong hininga lang ang sinagot ni Janella.
Nang makarating doon ay agad na may lumapit sa aming isang lalaki na walang damit pang-itaas. He offered some grapes to Janella, she didn't want to take it at first but she changes her mind after.
Hinila ako ni Florence palayo sa kanila.
"Wait, si Jan—" natigilan ako nang makita ang walang t-shirt na si Florence. Required bang mag topless kapag namimitas dito ng ubas? Biglang uminit ang pisngi ko, umiwas ako ng tingin.
"Here, taste mine."
Nanlaki ang mga mata ko nang tignan siya ulit. Tama ba yung narinig ko?
"C-come again?"
Na-realize niya atang may mali sa sinabi niya kaya napakamot siya sa noo niya.
"I'm sorry, Ms. Beautiful. What I mean is.." Pinakita niya ang ubas. "Here, tikman mo 'to. Ako mismo ang pumitas niyan."
"Ah...." tumango na lang ako, kumuha ako ng isa at tinikman ito. "Matamis!"
Pinilit kong ngumiti para hindi mahalata na na-o-awkward-an na ako sa sitwasyon.
"Let me go! Althea!"
Agad kong pinuntahan si Janella. Nadatnan ko ang lalaking nag-offer sa kanya ng ubas kanina na nakahawak sa magkabila niyang braso.
"Hey! What are you doing?! Don't touch her!" sumugod ako sa kanya at sinuntok ang kanyang pisngi.
Nabitawan niya si Janella at napa-upo siya sa lupa. Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko at dinala siya sa likuran ko.
Tinulungan naman ni Florence 'yong lalaki na itayo. "Pasensya na sa nangyari. Ako na ang bahala sa kanya, Thea."
Hindi na ako sumagot at tinalikuran na sila. "Tara na, bes."
**
Magdadalawang oras na akong nakahilata sa kama. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.. Bukod kay Emily, nawiwirduhan na din talaga ako kay Florence, may times na nagiging seryoso siya.. may times din naman na ang lakas ng trip niya.
Alam na rin nila Mama at Tito ang nangyari. Kakausapin daw nila bukas si Pinunong Romulo upang maiwasan na maulit pa iyon.
Hindi talaga ako dinadalaw ng antok, tumayo ako at kinuha ang jacket. Isinuot ko ito at naisipang lumabas, nilibot ko ang paningin sa paligid.
Nang makampante ako na walang moroi o dhampir ay tinungo ko ulit ang sasakyan namin, tanging mga sulo at liwanag ng buwan ang naging ilaw ko sa daan. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ay may naramdaman na naman akong presensya, again it's a strigoi.
Nagsimula akong humakbang papunta sa mga kakahuyan, luminga-linga pa ako dahil baka magpakita na naman si Florence.
Napabuga ako ng hangin at naglakad ulit. Lumalayo na ako sa amin, hindi na mapalagay ang puso ko dahil sa kaba. Mas lalong lumalakas ang presensya nila.
"You're brave, I'm impressed."
Nangilabot ako nang marinig ang boses niya. Hindi pa naman siya nagpapakita, eh, nabalot na ako ng takot.
Takot.. ito talaga weakness ko. Para saan pa at naging guardian ako kung papangunahan ako nito. I should not let fear overtake me, hindi ko dapat ipakita sa kanila ang kahinaan ko dahil isa ito sa pwede nilang gamitin laban sa akin.
"N-nasaan kayo? Magpakita kayong dalawa!"
Sa kanang bahagi ng mga puno ay may isang lalaking nakahalukipkip ang nagpakita.
"Should we give her a reward for being brave and for coming here, Marco?" gumuhit ang nakakaloko niyang ngiti at sumilay pa ang kanyang pangil.
"She's not worth your time, Dranreb. Hindi sapat ang lakas niya para kalabanin tayo." sagot nung Marco na wala akong ideya kung nasaan nakatago. May panunuya pa sa kanyang boses.
Ang lakas ko ay hindi sapat para sa kanila? How dare he! Anong akala nila, a-atras ako? Over my beautiful body! Sige lang, Thea.. i-motivate mo lang sarili mo..
Sinugod ko ang lalaking nasa harapan ko ngunit biglang may sumulpot mula sa itaas kaya napahinto ako. Kinuyom ko ang aking kanang kamao at nagtangkang suntukin siya ngunit agad niyang nahawakan ang kamay ko.
Ang higpit ng pagkakahawak niya, nasasaktan ako.
"Easy lang Marco, you're already hurting her." sabat nung isa na nasa likod niya.
Nagpupumiglas ako pero mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa akin. Sa pamamagitan ng liwanag galing sa buwan ay kitang-kita ang pula niyang mga mata. Gwapo pa naman sana siya kaso mapanakit!
"Let go of my hand!"
Inihanda ko ang kaliwang kamao ko ngunit bago ko pa siya magawang suntukin ay naitulak na niya ako palayo. Sa sobrang lakas ay tumilapon ako at natamaan ang likod ko sa isang puno.
Sumubsob ang mukha ko sa lupa nang bumagsak. Natamaan pa ng bato ang labi ko sanhi upang dumugo ito.
"s**t! Ang bango ng dugo niya." ani ni Dranreb na nakalapit na kay Marco. His eyes turn bloody red.
"Umalis ka na at sa iba mo na lang ituon ang pagkauhaw mo."
Napasabunot naman 'yung isa sa sarili niyang buhok. "KJ mo naman, pre!"
"Just follow what I said or else…"
"Ito na nga, aalis na po master." He laughed mockingly and disappeared.
Umupo ako at isinandal ang likod sa puno, mabilis niya akong nilapitan. Hinawakan niya ang baba ko at itinuon ang mukha ko sa kanya.
"Sa mundong ito, hindi maaaring magpadalos-dalos ka ng kilos. Mabilis kang mapatay or worst you will become one of us. You should know when to attack, madaling mabasa ang galaw mo. I know you are not empty-headed when it comes to us, masuwerte ka dahil kami ang nakaharap mo." He smirked. "This is just our first encounter, expect for more. Be sure na matatalo mo na ako sa susunod nating pagkikita."
"Are you threatening me?" seryoso kong saad sa kanya.
Pinunasan niya ang dugo na nasa gilid ng aking labi gamit ang kanyang hinlalaki.
"You never cease to amaze me, Althea."
Binitiwan na niya ang baba ko and just a second nawala na agad siya sa paningin ko.
To be continued..