CHAPTER 3 - SHE'S MINE
Sa mundong ito, hindi maaaring mag padalos-dalos ka.
You should know when to attack.
This is just our first encounter.
Be sure na matatalo mo na ako sa susunod nating pagkikita.
You never cease to amaze me, Althea.
Ilang araw na akong hindi tinitigilan ng mga katagang binitawan ni Marco. May point naman siya, ang pinagtataka ko lang bakit hindi nila ako sinugod at pinatay? Well at some point, malapit na akong makagat ng kaibigan niya kung hindi niya lang 'yon pinigilan. I know Strigoi is thought to have no worry or care and they are evil and murderous, so why would they spare my life?
"Baka naman binigyan lang nila ako ng chance.. o baka hindi nila bet yung dugo ko? Pero sabi nung kasama niya mabango naman daw.." I sigh. Nasapo ko ang aking noo. Malala na 'to, kinakausap ko na ang sarili ko. Perhaps it's better to go to the library and unwind myself and calm my mind.
Ganito na lang ba ang gagawin ko sa isang buwan since mag-isa lang ako dito sa La Sangrienta? Bakit pa kasi pinasama ni Tito at Mama si Janella sa isang lugar na hindi naman nila nabanggit sa akin kung saan.
Sa dulong bahagi ako umupo pagkarating sa library. Wala pa masyadong estudyante ang nandito, siguro nasa klase pa ang iba.
Dalawang libro agad ang natapos ko, sisimulan ko na sanang basahin ang pangatlo ngunit hapon na pala at hindi ko namalayan ang oras. Isinerado ko ang libro at tumayo na, bukas na lang ulit, nagugutom na ako.
Paglabas ko ng library ay nakasalubong ko si Emily. She's pretty, though natatakpan nga lang ang mukha niya ng mahabang bangs and as usual kahit na nakasalamin ay pansin ko pa rin na sumeryoso siya ng makita ako.
"Hi.." tipid ko siyang binati.
She stared at me for a second and I got no response from her. Ilang beses ko bang ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya? Mukhang wala naman siyang balak na kaibiganin ako. Nilagpasan ko na lang siya.
"Althea..."
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Althea, right?" sabi niya sabay tingin sa akin.
Tumango ako, seryoso pa rin ang mukha niya.
"Meet me here, tomorrow at 6pm."
After she said that, she entered the library leaving me confused.
Malapit na ako sa tirahan namin ng nakasalubong ko si Florence, ngunit hindi ko na siya pinansin at dumiretso na akong pumasok.
**
Maaga akong nagising, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kinakabahan ako sa gagawin o sasabihin ni Emily. Magkukulong na lang muna ako dito, mamaya na ako lalabas bago mag-alas sais.
Maya't maya ang pagtingin ko sa orasan, mapapraning na ata ako dito. Mas mainam pa siguro na lumabas na lang.
Tinungo ko ang bench na inupuan ko kahapon. Nakaharap ito sa farm kaya maganda rin itong lugar para makapag relax.
Naramdaman kong may presensya sa likuran ko.
"Kahapon pa kita napapansin na parang may gumugulo sa isip mo." umupo siya sa tabi ko. "Dahil ba 'don sa nangyari noong nakaraang araw? Hindi mo na rin kasi ako kinakausap magmula 'non."
"I'm sorry, Florence. Hindi ko sinasadyang hindi ka kausapin. Nagkataon lang siguro na gusto ko lang magkaroon ng oras para mag-isip ng mga bagay bagay." sagot ko na hindi man lang tumitingin sa kanya.
"I understand but may I know what or... who is bothering you? Maybe I can help you fix your problem."
That time, I look at him. May alam ba siya sa nangyayari recently? I don't think so, nagkataon lang siguro 'yon. Nagkakamali lang ako ng hinala at nag-o-overthink.
"Althea?"
He snapped his fingers in front of me.
"S-sorry.." Umupo ako ng tuwid, tinignan ko kung anong oras na. s**t! It's almost 6PM! "Uhm.. Florence, pwede ba sa ibang araw na lang tayo mag-usap? M-may gagawin lang ako sa library.."
Tumango siya at ngumiti. "Yeah, it's okay."
Tumayo na ako at tumakbo patungo sa pupuntahan ko. Pagkarating ko ay naupo ako sa pwesto ko kahapon, buti na lang at wala pa si Emily.
Kinuha ko ulit ang librong babasahin ko. Ilang sandali lang at nakita ko na si Emily na palapit sa akin. Umupo siya sa harapan ko at nilapag ang mga gamit niya sa mesa.
"Dideretsahan na kita, Althea. Huwag mo na ituloy ang binabalak mo."
Kumunot ang noo ko, what does she mean?
"Huh?" pagtataka ko. "Wala naman akong binabalak, ah. Maaari mo bang ipaliwanag kung saan galing yang sinasabi mo?"
She looked at me like she was saying that I know what she is talking about. That's when I realized something. I got preoccupied lately but the main reason why I am here is to seek answers and for me to seek revenge against Strigoi.
Umupo ako ng tuwid and though I already feel uncomfortable, I still managed to face her.
"Mapapahamak lang kayo.. tayo. Maraming magbubuwis ng buhay." seryoso niyang sagot.
I tittered and crossed my arms. "Emily, kung ano man ang nasa isip mo, nagkakamali ka. Don't tell me, it's just your excuse so that we have to leave and you will never see us again. Tama ako 'di ba? The way you treat us, halatang ayaw mo sa amin. Kaya gumagawa ka ng rason para umalis kami."
Her jaw dropped ng marinig ang mga 'yon. Tinignan niya muna ang paligid bago ituon muli ang pansin sa akin. "You got it all wrong, hindi ako gumagawa ng rason para umalis kayo. I just want to avoid what's gonna happen in the future."
"We do not know what will happen in the future, Emily. I get it, witch ka and you have visions but we'll never know, it may change in due time."
She looked straight into my eyes. "I hate to say this but so far my visions are accurate and it will happen soon. When that day comes, I hope you can choose the right decisions and will never regret it. Life and death is at stake, Thea.."
Nanigas ako sa kinauupuan ko, sinubukan kong i-proseso lahat ng sinabi niya. Hindi pa naman ako nakakabawi sa sitwasyon ay agad naman siyang tumayo, kinuha niya ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng library.
"Teka, sandali.." dali-dali rin akong tumayo, isinara ang librong binabasa at sinundan siya.
Nakita kong palayo na siya kaya tumakbo na ako para sana mahabol siya ngunit may nakabangga akong estudyante at nalaglag ang mga papel na hawak niya.
"I'm sorry." sabi ko habang tinutulungan siyang pulutin ang mga 'yon na nakakalat sa sahig.
"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" mataray niyang tugon sa akin.
Psh! Inabot ko sa kanya ang mga papel at iniwan na siya. Tinuloy ko ang paghahanap kay Emily hanggang sa napadpad ako sa may liblib na parte ng kagubatan, palinga-linga ako sa paligid. s**t! Naliligaw na ata ako.
Nagtaasan lahat ng balahibo ko nang lumakas ang ihip ng hangin, hindi na ito nakakatuwa. Nakaramdam ako na may nagmamasid sa akin, bigla akong kinabahan.
Sila na naman ba ito? Ngunit nag-iisa lang siya ngayon. Nagkibit balikat na lang ako at 'di pinahalata ang kaba.
Teka, bakit ba ako kinakabahan? I have trained for this…
I just shrug and continue looking for Emily.
"E-Emily! Magpakita ka na!"
"Ang babaeng hinahanap mo ay wala na rito."
Napaatras ako nang may sumulpot na babae sa aking harapan. She looked straight at me, one side of her lip curled upward while raising her eyebrow. Her eyes were black.
Hinanda ko ang sarili ko para sugurin siya, ngunit naalala ko ang mga sinabi ni Marco.
.. Sa mundong ito, hindi maaaring mag padalos-dalos ka. You should know when to attack.
I knew encountering a Strigoi would happen sooner or later, just like our encounter with Marco, but I didn't expect that I would be fighting this soon.
Ano na ang gagawin ko? Baka isang galaw ko lang ay makagat na niya ako. Think, Althea!
There's no choice but to run ngunit mabilis siyang nakalapit sa akin, hahawakan niya sana ang magkabila kong braso ngunit agad akong kumilos at lumayo sa kanya.
She smirked. "You're fast, but I'm faster than you!"
Umamba siyang lapitan ako ulit ngunit tumakbo na ako, ayoko muna magtake ng risk. Kaya ko naman lumaban, eh, pero paano kung may kasama pa siya tiyak na katapusan ko na. Kasalanan talaga 'to ni Emily, eh!
Nahinto ako sa pagtakbo ng sumulpot ulit siya sa harapan ko.
"You're funny." she giggled. Humalukipkip siya. "I thought you're different from the others, pero katulad ka rin pala nila, mahina." May pagdiin sa huling salita na lumabas sa bibig niya. "Paano mo ipagtatanggol ang kaibigan mo kung ganyan ka?" Gumuhit sa kanya ang kakaibang ngiti, there's no way she will let me go, she's on to something.
Pinoproseso ko pa ang lahat ng mga sinabi niya ng madali niya akong nahawakan sa leeg. She pinned me on the tree and exposed her razor-sharp fangs.
With one wrong move, katapusan ko na. If only Marco would appear and save me here.. but it's just impossible! Naisip ko pa talaga na siya ang sasagip sa akin? As if he cares!
There's no way to go, I guess it's over?
Napako na lang ako sa kinatatayuan ko at natulala nang akmang kakagatin na niya ang aking leeg.
Handa na ako sa mangyayari ngunit biglang may humila sa akin palayo sa kanya.
He smirks. "I'm just on time.." he said while looking at that Strigoi lady.
"What are you doing, Marco?! She's our enemy, let me drink her blood and let's turn her into Strigoi!" She's frustrated now.
"Stop it, Mara!" ma-awtoridad niyang utos. "You're thirsty? Go ahead and hunt for a new victim. Don't touch her because she's mine!"
I arch my eyebrows, 'she's mine'? I'm, what?! Bumaling siya sa akin. Diretso niya akong tinitigan sa mata, "And you, you better go back to your place bago ka pa sugurin ng mga kasamahan namin."
And just like the other day, with just a snap ay naglaho na silang dalawa....
To be continued..