chapter 17

2080 Words
pagod na pagod ang pakiramdam ko kaya pagdating ko sa safe house ay agad akong natulog sa silid ko. wala ng ligo ligo dahil talagang agad akong natulog.kailangan ko ng lakas para sa gagawin ko kinabukasan. nasa kasarapan ako ng tulog ng bigla may dumantay na mabigat sa tiyan ko. agad akong bumalikwas at hinawakan ang mabigat na dumantay sa tiyan ko at binalibag ko ito kaagad. mabilisang kilos ang ginawa ko para buksan ang ilaw. nagulat ako ng makita ko si Raynold sa tabi at namimilipit ito sa sakit. hindi ko man lang naalalang pinagamit ko pala kay Raynold ang silid ko. "sorry, sorry, pasinsya na nawala talaga sa isip ko na pinagamit ko nga pala sayo ang silid ko"pag hingi ko ng paumanhin. "ayos lang ate Dani, sorry din po sanay lang talaga akong yumakap sa unan pag natutulog ako. diyan kana ate sa kama dito na lang ako sa sahig matutulog mukhang pagod na pagod ka po"saad ni Raynold. "okay lang sayo? pasinsya ka na pero kailangan ko talagang magpahinga"saad ko. "okay lang po ate".ani Raynold. "bahala kana may extrang higaan naman diyan ayusin mo na lang"saad ko. "ako ng bahala ate Dani,matulog kana"anito habang nagaayos ng hihigaan. natulog na ako ulit at hinayaan ko na si Raynold na mag ayos ng hihigaan nya. maaga akong nagising para ifollow up kay general Alano ang plano ko kung approved sa kanya. at ayon nga kay general hawak na nya ang papeles ko para sa position kong police major ng presinto uno kung saan namumuno si kuya Lito. "ngayon nyo ako subukan, makikilala nyo ang totoong ako" saad ko sa isip. pagkatapos kong maligo,magbihis at maghanda sa pagpunta sa presinto ay lumabas na ako ng kwarto ko. nakita ko si Raynold na paalis na kasama ang isang agent para ihatid sya sa hospital. "Dani kailangan kong pumunta sa clinic ngayon pwede mo ba akong ihatid".?tanong ni kuya mike. "oo naman kuya ikaw pa ba,malakas ka sa akin eh"saad ko. "ako anak pwede ba akong pumunta sa store ngayon"?tanong naman ni tatang. "tang pwede bang wag muna mahirap na hindi ko kayo masasamahan,ngayon kasi ang first day ko bilang police major ng presinto uno".saad ko. "anak baka lalong magalit ang kuya Lito mo"nag aalalang saad ni tatang. "tang wala naman akong magagawa mga superior ko naman ang nagdesisyon hindi ako".saad ko pero deep inside guilty ako kay tatang. "basta wag kang gagawa ng labag sa batas Dani sa tama ka lang laging sayo ang suporta ko"saad ni kuya mike. "salamat kuya mike". pasalamat ko. "mag iingat ka Dani anak"malungkot na saad ni tatang. "palagi tang"saad ko. alam kong alam ni tatang na nagsisinungaling ako,ngunit nanahimik lang sya at hindi na nagtanong pa. paalis na ako ng makasalubong ko si Cedric papasok ng safe house,nasa mukha nito ang subrang pagod at wala pang tulog. "maayos na si Rachel at si Ronnie pati ang bodyguard na si sunny.sa makati sila ngayon sa condo ni Ronnie may tauhan na akong nagbabantay sa kanila"mahinang saad ni Cedric. " magpahinga ka,may plano na ako" saad ko sabay tapik sa balikat nito. tumango lamang ito at tipid na ngumiti,at tumuloy na sa loob. pagkahatid ko kay kuya mike sa clinic tinawagan ko si Gareth para bantayan ito. at dumiretso na ako sa presinto uno pagpasok ko pa lang ay iba na ang tingin ng lahat sa akin, pagtataka ang nasa mata nila. dahil nakauniform ako na pang sundalo kaya siguro sila nagtataka. maaga pa para ipakita ko ang pagka askal ko kaya chillax lang muna ako.pumasok ako at umupo malapit sa information desk. ramdam kong maraming matang nakatingin sa akin,at alam ko rin na nakarating na kay kuya Lito na nandito na ako sa presinto uno. at iniisip ko na sa loob ng isa o dalawang oras pa ay dadating ito at susugurin ako panigurado. at bago nga ako mainip sa kinauupuan ko ay dumating na si kuya Lito at galit na galit sa akin. tumayo ako at sumaludo sa kanya,hindi nya tinugon ang pag saludo ko bagkos ay dinuraan nya ako sa mukha. "relax lang Dani hindi mo pa moment ngayon"kausap ko sa sarili ko. pinunas ko ang dura ni kuya Lito sa mukha ko gamit ang kamay ko saka ako lumapit sa kanya at pinunas ko sa damit nya ang kamay ko. "chillax lang chief, puso mo iisa lang yan"baliw na saad ko sabay ngisi ng nakakainsulto. "anung ginagawa mo dito Dani!"galit na tanong ni kuya Lito. ngumisi lang ulit ako dahil nakikita ko na sa gilid ng mata ko na dumating na ang taong maglulukluk sa akin bilang isang police. "malalaman mo mamaya,kaya ihanda mo ang sarili mo chief inspector Lito Cordero ay mali Lito Dulliente pala".mapang uyam na saad ko. "walang nakakaalam ng tungkol sa akin dito Dani kaya wag kang gagawa ng kahihiyan dito sa presinto ko".saad nito sa mahinang ngunit may diin na boses. "pareho pala tayo kuya hindi proud sa pagiging Dulliente,lalo na ako na bunga lang ng kahayupan.kaya malaki laki rin ang sisingilin ko kay Ramon Dulliente"nakangising saad ko. "so pumapayag kana Dani"?tanong nito sabay ng pagliwanag ng mukha. "chief si general manzano nasa conference room pinapatawag ang lahat" agaw ng isang police sa pansin namin ni kuya Lito. akmang susunod ako sa kanila ng biglang humarap sa akin si kuya Lito at muntik pa akong sumubsub sa kanya. "diyan ka lang hintayin mo ako!mag uusap tayo mamaya"saad nito. "okay, hahabaan ko pa ang pasinsya ko sa pag hihintay para sayo kuya Lito"nakangiting saad ko. tumalikod na ito at naglakad na papunta sa sinasabing conference room ng kanyang tauhan. nagkibit balikat lang ako at relax na umupo sa coach. "babalik ka kuya at ikaw mismo ang makikiusap sa akin na sumama sayo sa conference room"saad ko sa aking sarili. habang naghihitay akong tawagin ay natatawa ako sa isip dahil nakikita ko ang reaction ni kuya Lito. siguradong maiinis ito sa akin at gagamitin ko yun para sa plano ko. "ma'am pinapatawag ka po ni sir Lito sa conference room"aning police na tauhan ni kuya Lito. "pasinsya ka na pero mahigpit ang bilin sa akin ni kuya Lito na hintayin ko sya dito"saad ko ngunit sa isip ko ay nagdidiwang ako sa tuwa. "Pero ma'am pinapatawag ka po talaga ni sir Lito"pagpipilit pa nito sa akin. "alam mo maikli ang pasinsya ko sa mga taong paulit ulit,kaya wag mong ubusin"inis na saad ko. nakita ko sa mukha nito na nahintakutan bago pa ito yumuko. "sumusunod lang po ako sa utos ma'am pasinsya na po".hinging paumanhin pa nito. "pasinsya na rin sumusunod lang din ako sa utos katulad mo umalis kana"saad ko pa. sumunod naman ito sa sinabi ko at umalis na rin ito,parang gusto kong maglupasay sa kakatawa ng makita ko si kuya Lito na papalapit sa akin na galit na galit at namumula ng tudo ang mukha. bigla ako nitong hinablot sa braso at kinaladkad papunta sa linabasan nitong pintuan. nakita ko sa loob si general Alfredo Manzano at general Celso Alano. sapilitan akong pinaupo ni kuya Lito sa bakanting upuan sa tabi nya. tahimik lang akong nakaupo at nakikinig sa mga sinasabi ng dalawang general na bisita ng presinto uno.ng biglang sabihin ni general Alfredo Manzano na ako ang sadya nila kaya sila napasugod dito. "t-tteka lang po,mawalang galang na po, dismissed na po ako serbisyo hindi na po ako sundalo ngayon. b-bbbakit ano po ang sadya ninyo sa skin".utal kong tanong. "maayos ang record mo Cordero at pwede ka ng bumalik,hindi sa pagiging sundalo.kundi sa pagiging police major.aasahan ko ang tama at matinong batas mula sayo Danielle Cordero.saad ni general Manzano at sabay pa silang tumayo ni general Alano. tumayo na rin ako at nagkuwaring hindi makapaniwala,sumaludo ako sa dalawang general at ganoon din sila sa akin at pagkatapos ay kinamayan ako. nakita ng malilikot kong mga mata si kuya Lito na galit na galit habang nakatingin sa akin. ng matapos ang meeting ay umalis na ang dalawang general na panauhin ng presinto uno. "anung ibig sabihin nito Dani"?galit na sita ni kuya Lito. kibit balikat lang ang naisagot ko,nakatuon lang sa kanya ang atensyon ko dahil galit na galit ito. simula ng makaalis ang mga general na bisita ay to the highest level na galit nito. alam kong nagagalit ito sa nangyari dahil ayaw na ayaw ni kuya Lito ng kakumpitensya sa career nya. kinabukasan ang unang araw ko bilang police,wala akong uniform na kagaya ng uniform ni kuya Lito kaya uniform na pang sundalo ang suot ko. una akong pumunta sa crame para mag report kay general Alano at kumuha na rin job order para sa bago kong assignment duty.papasok ako sa opisina ni general Alano ng harangin ako ng kanyang secretary. "ma'am may bisita pa po si general"saad ng napakagandang secretary ni general Alano. "kung si general Manzano ang bisita nya inaantay nila ako miss, pakisabi Dani Cordero"saad kong nakangiti. "ay sorry po ma'am,pasok ka na po",saad nitong nakangiti rin. "thank you miss,"pasalamat ko. "airyn po ma'am"pagpapakilala pa nito. "nice to meet you airyn"saad. "nice meeting you po ma'am Dani". anitong nakangiti. pumasok na ako sa opisina ni general Alano at nandoon nga si general Manzano. pinaupo agad ako at inabot na sa akin job order ko na kailangan kong papermahan kay kuya Lito bilang chief inspector kung saan ako naka assigned na presinto "tutukan mo lahat ng mga unsolved case major Cordero,alam kong kaya mo at buo ang tiwala ko sayo.i need the results immediately.turan ni general Alano. "specially this case Cordero lahat ng biktima ay pawang sa iisang lugar lamang"saad ni general Manzano sabay abot sa akin ng makapal na folder. kinuha ko ang folder at tumambad sa akin ang larawan ng isang babae na halos hindi na makilala dahil puro pasa ang katawan. "saamin ka lamang magrereport ni general Alano major Cordero alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng confidential"saad ni general Manzano. ********************* "ano to!"galit na tanong ni kuya Lito. "job order,basa basa di pag may time wag puro galit"saad ko habang nakahalukipkip sa harap ni kuya. napatayo ito bigla sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at galit na hinarap ako. "umalis ka sa presinto ko bago ko pa makalimutan na kapatid kita"sigaw nito habang nakaduro sa akin. "presinto mo pala ito?hindi ko alam yun ah,pinagawa mo?"pang iinis ko pa. sa galit nito ay basta na lang akong pinagsusuntok pero syempre ako si Dani Cordero tatama ba sya sa akin malamang hindi dahil hindi nya dinaanan ang training na dinaanan ko. kaya naman ng mapagod dahil hindi sya tumama ng suntok sa akin ay tinutukan na nya ako ng baril kaya naman galit ko rin syang tinitigan sa mata. "kung talagang matapang ka kuya Lito iputok mo,wag mo akong takutin dahil matagal ng ubos ang takot ko"saad ko. maya maya ay nakita kong nanginginig ang kamay nito at dahan dahan na ibinaba ang baril at isinukbit sa beywang nya. "ngayon pepermahan mo ba ang job order ko o hindi"?mahinahong saad ko. walang salita na pinermahan ni kuya Lito ang job order ko at pagkatapos ay pinaalis na ako sa opisina nya, ni hindi sya nag abalang bigyan ako ng sariling space or sariling opisina ko man lang. major ako pero walang sariling opisina sa presinto, wala kahit sino man sa mga tauhan nya ang nag aksaya ng oras para sabihin sa akin kung saan at alin ang magiging opisina ko. okay na rin malaki naman ang opisina ko sa safe house. pagkatapos ko mag report sa presinto ay bumalik ako sa opisina ko sa safe house para simulan ko ang mga kasong pinapaimbistigahan sa akin ni general Manzano. tiningnan ko isa isa ang mga larawan ng mga babaeng biktima ng rape.ayon sa report ng unang humawak ng kaso ay isang tao lang ang suspect. kaya pinag aralan kong mabuti ang bawat detalye mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit na detalye. tama ang unang report na iisa lang ang suspect. ilan sa mga biktima ay may paso pa ng sigarilyo sa katawan,ang iba ay parang number na 120 ang iba naman ay RD or RO na paripariho nakalagay sa kaliwang dibdib ng babae. malalaman ko rin kong talagang number o initial ng suspect ang nasa katawan ng mga biktima. tiningnan ko lahat ng larawan nasa edad na 16 years old pataas ang mga naging biktima. at ang huling tatlong larawan ang nagpagimbal sa buong pagkatao ko ang larawan ni nanay,ni karen at isa pang babae na pamilyar sa akin pero hindi ko matandaan kung saan kami nagkita o nagkakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD