"tang nakita mo ba ito sa katawan ni nanay"?tanong ko kay tatang sabay pakita ng larawan.
matagal na tiningnan ni tatang ang mga larawan at malungkot itong tumingin sa akin at tumango.
"sa kaliwang dibdib ng nanay mo,noong pinagtapat nya na pinagsamantalahan sya ni Ramon Dulliente"malungkot na saad ni tatang.
"anu ba talaga yan tang number o initial"?tanong ko.
"yung sa nanay mo malinaw na initial yun ni Dulliente anak, dahil ang nakaukit sa balat ng nanay mo ay RD.saad ni tatang.
"bakit hindi mo nilaban tang"?naiiyak na tanong ko.
"Dani maliliit pa ang mga kuya mo noon at ayaw kong madamay sila sa gulo,nakiusap din ang nanay mo dahil ayaw nya ng iskandalo kaya nanahimik ako para sa kaligtasan ng buong pamilya"umiiyak na paliwanag ni tatang.
"kung sakaling ilaban ko ito ngayon tang susuportahan mo ba ako "? umiiyak din na tanong ko.
"wala na ang nanay mo anak,ang gusto ko lang buong pamilya at tahimik na buhay.pero kung yan ang paraan para magawa mong bisitahin ang puntod ng nanay mo susuportahan kita anak"lumuluhang turan ni tatang.
"salamat tang,at pangako pagkatapos nito bibitaw ako sa serbisyo at mamumuhay tayo ng tahimik".pangakong binitawan ko kay tatang.
pariho kaming luhaan,mahigpit na magkayakap,at nangangako sa isat isa na mamumuhay ng tahimik.
ng pariho na kami kalmado ni tatang bumitaw na ito sa pagkakayakap sa akin at pinunasan nya ang luhaan kong mukha.
"napaka iyakin pa rin natin tang ano"saad ko na tumatawa habang nakayakap pa ri ng mahigpit kay tatang.
"mahal na mahal kita anak kayo ng mga kuya mo,lahat kaya kong itaya para inyo mga anak" madamdaming turan ni tatang.
"ako rin tang mahal na maha kita pati sina kuya,babanggain ko rin ang lahat basta para sa pamilya natin"saad ko.
hindi na si tatang kumibo pa humigpit na lang ang kanyang pagkakayakap sa akin at ganoon din ako sa kanya.
"ang kuya Lito mo na lang ang kulang anak,babalik pa kaya sya sa atin"?malungkot na tanong ni tatang.
"hindi ko alam tang,pero gagawin ko ang lahat ng kaya ko para mapabalik sya sa atin,isa lang ang pakiusap ko sayo tang hangga't maaari wag ka munang magpapakita kay kuya Lito,"saad ko.
"kahit anu anak gagawin ko "ani tatang sabay halik sa noo ko.
ang totoo hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung paano ko maibabalik si kuya sa amin.
dahil nakikita ko sa kanya ngayon ang pagiging ganid sa kapangyarihan na nakukuha nya kay Ramon Dulliente.
kailangan gumawa ako ng paraan para matauhan si kuya Lito.
naagaw ang malalim kong pag iisip ng tumunog ang cellphone ko at si Garrett ang tumatawag.
"Garrett"bungad ko.
"ma'am nandito sa clinic si sir Lito at maraming kasama"pagbabalita ni Garrett.
"si kuya mike"?tanong ko.
"nasa loob ma'am may pasyente pa".saad ni Garrett.
"wag kang magpapahalata Garrett maging alerto ka papunta na ako diyan"madiing saad ko.
nagmadali akong naghanda para pumunta sa clinic ni kuya mike.
bago ako sumakay ng aking Ducati ay tinawagan ko muna si kuya mike.
"kuya mike may pasyente ka pa ba"?nag aalalang tanong ko.
"meron pa pero patapos na,b-bakit dani"?kinakabahang tanong ni kuya mike.
"wag mo munang palalabasin ang pasyente mo at ilock mo ang pinto ngayon na kuya papunta na ako diyan"saad ko sabay patay ng tawag.
halos paliparin ko ang aking Ducati sa pagmamadaling makarating kaagad sa clinic ni kuya mike.
sa labas ng clinic nagkalat ang ilang police ni kuya Lito at ilan pang mga armadong kalalakihan na alam kong hindi sila police.
pumasok ako sa loob at nakita ko si Garrett na nasa malapit sa pintuan kung saan chinicheck up ang mga pasyente ni kuya mike at may dalawa pang nakapilang pasyente.
"pasyente ka rin ba kuya Lito o may iba kang sadya"? deretsong tanong ko.
"at anong pakialam mo sa sadya ko dito"galit na saad ni kuya Lito.
"wag si kuya mike o si tatang kuya Lito,dahil putang ina makakapatay ako"galit na saad ko.
"tinatakot mo ba ako Dani"?galit na tanong ni kuya Lito.
"hindi ko ugaling manakot kuya Lito,ginagawa ko alam mo yan,"galit ding sagot ko.
"wag kang masyadong mayabang Dani,dahil hindi mo ako kaya".saad ni kuya Lito na nakangisi pa.
"kung yabang ang dating para saiyo wala naman akong magagawa,umalis kana dito dahil agaw pansin na ang mga tauhan mo"matapang kong turan.
"for once Dani magkasundo na tayo,para matapos na ang bangayan natin"gigil na saad ni kuya Lito.
"okay, sa isang kondisyon"saad ko.
"sabihin mo na para matapos na!"pasigaw na saad ni kuya Lito.
"isa lang naman,wag na wag mong pakikialaman sina tatang at kuya mike"saad ko.
"pumunta ka sa opisina ko ngayon na"saad nito sabay talikod at lumabas na ng clinic ni kuya mike at umalis na.
napasampak ako ng upo sa coach malapit sa pasyenteng naghihintay para macheck up ni kuya mike.
hindi ko napigilan ang samot saring emosyong nararamdaman ko, nabuntong hininga ako para pigilan sana ang nag uumalpas kong luha
pero wala tumulo pa rin.
"kaya mo yan ma'am nandito lang ako para sayo"saad ni Garrett na hindi ko namalayang nasa likuran ko na.
"salamat sa pagiging tapat mo sa akin Garrett"saad ko.
tumayo na ako at kinatok ang pintuan kung saan naroon si kuya mike.
bumukas ang pinto at nag aalalang mukha ni kuya mike ang bumungad sa akin.
bigla itong yumakap sa akin ng mahigpit kaya lalo lang akong napaiyak.
"Dani are you okay"nag aalalang tanong ni kuya mike habang hinahagod ang aking likod.
halos hindi ako makahinga sa pagpipigil kong umiyak kaya lalong nag alala si kuya mike sa akin.
"maupo ka muna Dani ikukuha kitang tubig"natatarantang saad pa ni kuya mike.
inabutan akong bottled water ni kuya mike na ininom ko kaagad dahil lalong sumisikip ang dibdib ko sa inis,sa panghihinayang at tuwa.
tuwa dahil sa pag aalala at pag aasikaso sa akin ni kuya mike na ngayon nya lang ginawa sa akin.
Inis dahil lalong lumalayo ang agwat namin ni kuya lito at hindi ko alam kung magagawa ko pa syang pabalikin sa pamilya kasama namin nina tatang at kuya mike.
panghihinayang na sana noon pa pinaramdam ni kuya mike sa akin na kapatid nya ako.
"okay kana Dani sinaktan ka ba ni kuya Lito"?tanong ni kuya mike habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.
"hindi nya ako sinaktan kuya mike,at hindi rin ako okay"saad ko at naiiyak na naman.
kaya pati si Garrett ay hinahagod na rin ang likod ko para kumalma.
naiiyak ako dahil anytime pwede akong mamatay at naiiyak ako dahil ngayon pa nagpakita ng malasakit at pag aalala sa akin si kuya mike.lalo akong naiiyak sa isiping anytime pweding ako o sila ang mawala sa akin.
"pwede ba lumayo ka sa kapatid ko at sino ka ba para humagod ng likod nya ha"! sigaw ni kuya mike.
bigla tuloy umurong ang mga luha kong patulo na sana dahil sa biglang sigaw ni kuya mike.
"Dani sino ba itong tarantadong ito,ang lakas naman ng loob mong humagod ng likod ng kapatid ko"sigaw pa nito.
"I'm sorry sir,its my fault"saad ni Garrett.
"gago ka pala eh"muling sigaw ni kuya mike sabay hablot ng kwelyo ni Garrett.
"kuya,!si Garrett tauhan ko at siya rin ang nagbabantay sayo"saad ko at dahan dahan nyang binitawan ang kwelyo ni Garrett.
"wag ka kasing hagod ng hagod ng likod ng may likod,dahil may boyfriend na ang kapatid ko kaya umayos ka lalaki"pagalit pa ni kuya kay Garrett.
"kuya mike alam niya"natatawang saad ko.
"I'm sorry talaga sir nag alala lang ako kay ma'am Dani,sa lahat ng pagkakataon kasi subrang tapang nya at hindi sya pinanghihinaan ng loob, ngayon ko lang din sya nakitang bumigay ng tudo iyak pasinsya na po"paliwanag ni Garrett kay kuya mike.
"oo na tama na, pasinsya na rin at salamat sa concern mo"saad ni kuya mike at nakipag kamay pa kay Garrett.
"kailangan ko ng umalis kuya mike, Garrett ikaw ng bahala dito"saad ko at naglakad na ako palabas ng clinic ni kuya mike.
"ingat ka ma'am Dani"saad ni Garrett.
tango lang ang naging tugon ko at naglakad na ako palabas para pumunta sa opisina ni kuya Lito.
"Dani mag iingat ka bunso ha"saad ni kuya mike na ikinahinto ko.
itinaas ko na lang ang kamay ko bilang sagot sa sinabi ni kuya mike,hindi ko na kayang lumingon pa dahil nag uunahan na naman ang mga kuha ko sa pagtulo.
pinakalma ko ang aking sarili bago ako sumakay sa aking Ducati at dahil kailangan kong mag focus sa bagay na makabubuti para lahat kaya pinilit kong alisin sa isip ko ang mga pag aalala sa akin kuya mike.
habang nasa byahe papunta sa opisina ni kuya Lito nag iisip ako ng mga pweding paraan kung paano ko maibabalik sa pamilya namin si kuya Lito.
pero parang malabo na sa nakikita ko sa kanya kung paano sya maging isang Dulliente,
parang kami na lang ni Cedric ang walang planong magpasakop sa pagiging Dulliente.
pagdating ko sa presinto uno ay agad akong pumasok sa opisina ni kuya Lito ngunit mabilis akong napigilan ng kanyang secretary.
"tumabi ka kung ayaw mong sayo ko ibuhos ang galit ko"galit kong saad at tiningnan ko ng masama ang secretary ni kuya Lito.
kaya mabilis naman syang umalis sa may pintuan,pabalang kong binuksan ang pinto at pagkapasok ko ay binalibag ko ulit pasara.
"kung galit ka Dani wag mong idamay ang pintuan ng opisina ko dahil wala yan kinalaman sa galit mo"!pasigaw na turan ni kuya Lito.
"deretsahin mo na ako kuya Lito, kung anu pag uusapan natin dahil hindi ko kayang tumagal sa impyernong lugar mo"galit na singhal ko.
"mag hintay ka!dahil hindi lang ikaw ang kakausapin ko".inis na saad nito at dinuro pa ako.
tahimik akong umupo sa coach,at iniikot ko ang paningin ko sa buong opisina ni kuya Lito.
may nakita akong jhonnie walker na black label kaya tumayo ako at nagsalin sa baso halos mapuno ito pero inisang lagok ko lang.
naramdaman kong gumuhit sa lalamunan ko ang pait ng alak na ininom ko ngunit hindi ko pinansin nagsalin ulit ako ng isang puno sa baso at bitbit ko papunta sa coach kung saan ako nakaupo.
sa halo halong nararamdaman ko hindi ko na napansin na nandito na rin pala si Cedric.
"akin na nga yan"agaw ni Cedric sa alak na iinumin ko na sana.
"ayun oh marami pa kumuha ka doon libre lang yun wag kang nang aagaw ng hindi sayo"inis na saad ko at binawi ang alak na iniinom ko.
alam kong aagawin ulit ni Cedric kaya inisang lagok ko na bago nya pa maagaw sa akin.
naramdaman ko na ang tama ng alak sa systema ko pero gumagana pa ng maayos ang utak kaya ayos lang.
"alam mong wala kang kakampi sa lugar na ito umiinom ka pa talaga,paano kong may inilagay sila sa alak na yan"mahinang saad ni Cedric.
"eh di swerte nila at malas ako"baliw kong saad.
masamang tingin ang pinukol sa akin ni Cedric dahil sa mga pinagsasabi ko.
kaya tumahimik na lang ako,tama naman sya dahil alam ko na hindi ko magiging kakampi si kuya Lito kahit kailan.
kay Cedric may tiwalang nararamdaman pa ang isip ko pero hindi umaabot sa puso ko kaya sarili ko lang talaga ang aasahan ko na magiging kakampi ko.
pero ako kahit anong mangyari kakampi nila ako dahil minahal ko sila bago pa kami dumating sa ganitong kalagayan.
"hello daddy, yes dad nandito na sila,okay papunta na kami dyan "saad ni kuya Lito at nagmamadali itong tumayo.
"let's go,hinihintay na nila tayo"anitong nagmamadali.
"sandali!dito mo ako pinapunta kuya Lito at dito tayo mag uusap sabi mo,naturingan kang chief of police ng lugar na ito wala kang isang salita"!galit na saad ko.
" wag mong ubusin ang pasinsya ko Dani,tatamaan ka sa akin"galit na singhal ni kuya Lito.
"tatamaa...."naputol ang sasabihin ko ng takpan ni Cedric ang bibig ko gamit ang kamay nya.
kaya sa inis ko ay hindi ako nagdalawang isip na kagatin ang kamay nya.
"araayy!"malakas na sigaw ni Cedric.
"let's go"sigaw ulit ni kuya Lito bago ito naunang lumabas ng kanyang opisina.
"susunod kami"maagap na sagot ni Cedric.
"umayos ka nga Dani,dahil pag ganyan ang pinairal mo malalagot tayo pariho sa kuya mo"inis na saad ni Cedric.
"una sa lahat maayos ako Cedric at nakahanda ako sa lahat na pweding mangyari nasa plano ko man o wala nakahanda ako.
pangalawa kapatid palala lang ha, kapatid mo rin ang demonyong iyon baka nakakalimutan mo"nakangising saad ko.
"alam ko, at wag mo rin kakalimutan na mas matanda ako sayo kaya pwede kitang pagsabihan,"saad nito sabay kurot sa pisngi ko at nauna ng lumakad pasunod kay kuya Lito.
"aray punyeta!"sigaw ko.
sumunod na ako palabas pero hindi ko maabutan si Cedric dahil ramdam ko ang ininom kong alak at medyo nahihilo na ang pakiramdam ko.
pagdating ko sa parking lot kung saan ko nakapark ang motor ay nandoon na si Cedric at nakasakay na sa motor ko.
"angkas na baka hindi natin abutan ang kapatid mo"ani Cedric habang sinusuutan ako ng helmet.
"alis!"sigaw ko at tinabig ko ang kamay nya.
"wag na mag inarte angkas na!"sigaw din nito.
"sarili kong motor tapos ako ang aangkas gago!wag mo akong subukan Cedric galit na singhal ko.
"at sa tingin mo hahayaan kitang magdrive ng motor mo na nakainom"galit din na singhal ni Cedric.
"mas may tiwala ako sa motor ko kaysa sayo alam mo yan,kaya aalis ka sa ayaw at sa gusto mo"saad ko at nanlilisik ko itong tiningnan.
"angkas na please,wala akong dalang sasakyan"anito sa mahinahong boses.
"putang ina mo!dami mo pang sinabi hayop ka!!!ikaw ang umangkas gago!"pagmumura ko kay Cedric dahil sa subrang inis ko.
sa huli ay pumayag din si Cedric na sya ang umangkas.
"Dani nakainom ka ha"paalala pa ni Cedric bago ko patakbuhin ang motor ko.
nahihilo nga talaga ako pero kaya ko pa magdrive ng motor at saka complete gear naman kami pariho ni Cedric kaya ayos lang.
pagdating sa lugar kung saan kami dinadala ni kuya Lito,ay iba ang naramdaman ko.kaya iginala ko kaagad ang aking mga mata at isang rekwang private army ang nakapaligid sa lugar.
"Cedric,kakampi pa ba kita" tanong ko kay Cedric na parang nahintakutan sa kanyang nakikita.
"sa maniwala ka o hindi kakampi mo ako Dani"matatag na sagot ni Cedric.
"nakahanda ka ba?muling tanong ko habang nagtatanggal ng aking helmet.
"ikaw lang naman ang inaalala ko dahil may painom inom ka pang nalalaman"paninisi nito sa akin.
"oo na kasalanan ko na po KUYA "natatawang saad ko.
"tara na, ang sama na ng tingin ng kapatid mo sa atin,anytime bubuga na ng apoy"saad ni Cedric.
pumasok kami sa loob kasunod ni kuya Lito at nagulat ako sa dalawang lalaking magkamukha.
alam kong ganoon din si Cedric dahil pasimple nya akong siniko.
"welcome to the family"saad ng kamukha ni Ramon Dulliente.
naglakad ito palapit sa akin at mariin akong tinitigan sabay nagisi na parang asong nauulol.lalong inilapit nito ang mukha sa akin kaya sa inis ko ay sinamaan ko ito ng tingin.
pero ang gago ni hindi natinag,akmang hahalikan ako sa pisngi ng tuhurin ko ito ng walang pakundangan sabay hablot ko ng kanyang kwelyo.
"pasinsya ka na,pero hindi ako kabilang sa pamilyang weniwelcome mo kaya dumistansya ka sa akin"galit na singhal ko sa lalaking kamukha ni Ramon Dulliente.
"anak his my twin brother your uncle Rally"saad ni Ramon Dulliente.
patulak ko itong binitawan kaya sumadsad ito sa sahig.
masamang tingin ang pinukol sa akin ni kuya Lito samantalang si Cedric ay nakangisi sa akin nagtataas baba pa ng kanyang kilay.
kakampi ko talaga ang isang ito kahit papaano.
"ibang klasi rin mag welcome itong pamangkin ko,i like her Ramon.saad ng baliw kong tiyuhin.
"she is my daughter Rally,keep that in your head"matigas na saad ni Ramon Dulliente.
hindi na ako magtataka kung nagawa nyang gahasain ang nanay ko.
pariho lang sila ng kakambal nya na hindi pwedeng pagkatiwalaan ang hilatcha ng pagmumukha.
"you are so beautiful and sexy my pamangkin"baliw na saad ni Rally Dulliente.
hindi ko ito pinansin pa pero patuloy lang ito sa pagpapapansin.
matino naman tingnan pero daig pa ang sinto sinto na kulang sa pansin kung umasta.
mas naging malikot ang mga mata ko at nag focus ako sa mga bagay na pwedeng maging ebidensya.
nahagip ng malikot kong mga mata ang salaming bintana sa ikalawang palapag at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko.
ang nanay ni Cedric at isang batang babae,minsan ko lang nakita ang anak ni Patrick at sigurado ako na sya ang batang nakita ko.
siniko ko si Cedric kaya napatingin sya sa akin sininyasan ko syang tumingin sa itaas gamit ang mga mata ko,ngunit wala na doon ang nanay nya ng sabay kaming tumingin sa salaming bintana sa ikalawang palapag.
"pag aralan mo ang paligid kung saan may pwedeng pasukan at labasan na hindi nila napapansin".mahinang saad ko na sapat lang para marinig ni Cedric.
"wag kang magpahalata,bukod sa umiilaw ang hikaw mo maraming mga tauhan ang nakamata sa atin"mahinang saad ni Cedric.
"oras na para kayo ang maging ulo ng organization ko mga anak,ipinapasa ko na sa inyong tatlo ang pamumuno sa organization"agaw ni Ramon Dulliente sa pagbubulungan namin ni Cedric.
lumingon sa kinatatayuan namin si kuya Lito bago ito lumakad palapit kay Ramon Dulliente.
niyakap nito si kuya Lito bago tumingin sa amin ni Cedric.
si kuya Lito lang ang nakikita kong masyadong malapit sa biological father namin.
ako wala akong makapang tiwala, pagmamahal o kahit ang sinasabing lukso ng dugo.
hindi ko alam kung anu ang tawag sa nararamdaman ko na sa tuwing nakikita ko sya subrang kaba na parang nasa hukay na ang isa kong paa.
pakiramdam na nararamdaman ko lang tuwing nasa mission ako o kaya ay nasa mindanao at nakikipag geyra.