chapter 20

2730 Words
DANI'S POV...... Alasyete ng gabi ang usapan namin ni Cedric dito sa opisina ko pero walang Patrick,kaya naghanda na ako para sa lakad namin. alam na ni Cedric ang kanyang gagawin pero hindi nya alam na ang nanay nya at ang mag ina ni Patrick ang ipoposlit namin sa mansion ni daddy yow. ayaw kong mawala sa focus si Cedric kaya sinadya kong hindi ipaalam sa kanya. kasado na rin ang warrant of arrest kay kuya Lito at kay daddy yow bilang pinuno ng illegal na organization. kasama lahat ng matataas na opisyal ng PNP at gobyerno.malaking tulong ang maliit na kulay pulang librong nakuha ko sa opisina ni kuya Lito. ngunit bago mangyari ang operations ng mga NBI ay kailangan naming makuha ang nanay ni Cedric at ang mag ina ni Patrick hindi sila pweding maipit sa gagawing operations ng mga NBI. "wala na ba talagang halaga sayo ang tamang Patrick?" tanong ko ng bigla itong pumasok sa opisina ko na humahangos pa. "sorry ma'am, kailangan ko kasing siguraduhin bawat kilos ko".sagot nitong nakayuko. "okay,wala naman kaming magagawa kundi mag adjust sayo di ba,by the way kailangan ko ang expertise mo sa mga CCTVs control.gawan mo ng paraan ang mga cctv sa mansion ni Dulliente alas otso ngayong gabi buhay at kamatayan ang nakasalalay dito Patrick for once gumawa ka ng tama."madiing saad ko. tumango lamang ito bilang sagot sa mga pinagsasabi ko. kaya ng okay na ang lahat ayon sa aking plano ay pumunta na kami sa mansion ni Dulliente. may kalayuan pa sa mansion ng tumigil ako at hintayin ang tawag ni Patrick para masigurong hindi kami makikita sa CCT ng mansion. hindi ako mapakali habang naghihintay ng oras ng biglang magtext si Patrick at sinabing ayos na. dalawa lang kami Cedric kaya ingat na ingat kaming kumilos at sigurado ang bawat galaw. "ako ang aakyat sa ikalawang palapag Cedric,wag kang aalis dito at abangan mo ang pagbaba ko"mahigpit kong bilin. "anu ba kasi ang kailangan mo doon,sabihin mo na sa akin at ako na ang aakyat"saad ni Cedric. "ako na, plano ko ito kaya ako ang aakyat"saad ko at inumpisahan ko ng umakyat. ng marating ko ang sadya ko sa ikalawang palapag ay gulat na napatingin sa akin si nanay caring,ang ina ni Cedric. seninyasan ko itong wag maingay kaya tahimik itong lumuluha at napayakap sa batang katabi. "nay caring ayos lang po kayo"?pabulong kong tanong ng makalapit na ako. "ayos lang anak pero gusto ko na talagang umuwi,kasama mo ba ang anak ko Dani"? "nasa ibaba si Cedric nay hinihintay ka" nakangiting saad ko. nakarinig akong mga yabag kaya nagmadali akong nagtago sa ilalim ng kama. bumukas ang pinto at pumasok si daddy yow. "honey dinalhan kitang pagkain paborito mo lahat yan,kumain ka ng marami,mamaya magkikita na kayo ng anak natin"saad ni daddy yow at hinalikan pa sa labi si nanay caring. "pagkalabas ni daddy yow agad kong inilock ang pintuan. inumpisan ko ng talian si nanay caring at dahan dahan ko itong ibinaba kung saan naghihintay si Cedric. ganoon din ang ginawa ko sa mag ina ni Patrick ng makababa na ako ay bigla na lang ako niyakap ng mahigpit ng luhaang si Cedric. "anu ba!hindi tayo talo tol,wag ako!" singhal ko kay Cedric. "ang arte mo!yakap kapatid lang naman iyon".saad ng luhaang si Cedric. "kilos na hindi tayo namamasyal dito"saad ko pa. akmang aalis na kami ng tumambad sa harapan namin ang humahangos na si Patrick. mabilis kong itong tinutukan ng baril kaya napaatras ito. "salamat sa tulong mo Patrick,pero makakaalis kana tapos na ang role mo"madiing saad ko. "ma'am Dani parang awa mo na wag mong idamay ang mag ina ko".umiiyak na saad ni Patrick. "wag mo ako akong itulad sayo Patrick,dahil ako haharapin ko kahit kamatayan ko wag lang madamay ang mga inosinting tao"saad ko. "ma'am maawa ka sa mag ina ko,wag mo silang idamay sa gulo natin"hagulhol pa ni Patrick. "alam mo Patrick kung gusto ko silang idamay sa gulo natin na ikaw ang may kagagawan hindi mo sana sila makikita ngayon. at wag kang haharang sa daraanan namin dahil hindi ako magdadalawang isip na sagasaan ka. ngayon,kung kaligtasan ng mag ina mo ang concern mo, sinasabi ko sayo patrick hindi sila ligtas sa poder mo". madiing saad ko. pagdating sa safe house ay nagulat si tatang ng makita nyang pareho kaming armado ni Cedric at may mga kasama kami. "anak anong nangyayari"?tanong ni tatang sa akin. "tang saka na ako magpapaliwanag kailangan pa namin maghanda ni Cedric. si Raynold ho dumating na ba?"tanong ko kay tatang. "kadarating lang anak,nasa kwarto magbibihis lang daw,ito na pala si Raynold anak"sagot ni tatang sa akin. " Raynold paki asikaso sina nanay caring at ang mag ina ni Patrick ha.kayo ng bahala kailangan na naming umalis".saad ko habang inaayos ang mga kailangan namin. napagkasunduan namin ni Cedric na isang motor na lang gagamitin namin kaya naman pumayag sya na sya ang umangkas sa akin. walang alam si Cedric sa mangyayari ngayong gabi alam na nya yan basta sinabi kong humanda sya sa kahit na anong laban. habang nasa byahe kami papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni general Alano at ng mga NBI bigla akong napahinto dahil kalabit ng kalabit sa beywang ko si Cedric. " putang ina naman Cedric kung gusto mong magpakamatay wag mo akong idamay! "!singhal ko na halos sabay pa kaming bumaba ng motor ko. "sinasabi ko lang po na iba na ang tinatahak mong lugar masyado na tayong napapalayo"balik singhal nito. "may tiwala ka ba sa akin o wala"?tanong ko. "at paano nasama ang tiwala ko saiyo"?inis na tanong ni Cedric. "sakay!kung wala kang tiwala umalis kana" inis na saad ko. "sorry na"anito at umangkas na. mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng motor ko kaysa sa takbo ko kanina .minsan na akong naging racing dahil sa inimbistigahan kong kaso kaya nasanay na akong magmotor. hindi nagreklamo si Cedric kung paano ko patakbuhin ang motorcycle ko tahimik at mahigpit lang itong nakayakap sa akin. pagdating namin sa lugar ay pinag usapan na ang planong pagdampot kay daddy yow at kay kuya Lito. masakit sa akin dahil ama at kapatid ko sila ngunit ayaw ko sa landas na ipinipilit nila sa akin. at ayaw kong mamuno sa illegal na organization kaya buo na ang loob ko na ngayong gabi tatapusin ko lahat ang illegal na organization ni Ramon Dulliente. "kanina pa kami naghihintay akala ko bulilyaso tayo"saad ni sir Gary Tubias NBI head operations. "sir 15 minutes pa bago ang oras ng usapan natin,saka malinis ang plano ko sir maliban na lang kung may hudas sa ating tatlo,"seryosong saad ko. "tatlo"?maang na tanong ni sir Gary. "yes sir,ikaw,ako at si general Alano lang ang nakakaalam ng operations natin."saad ko. "Dani alam na ng mga tauhan ko, pinaliwanag ko na sa kanila para alam nila ang gagawin." "sir naman akala ko alam nyo ang ibig sabihin ng confidential"disappointed kong turan. "Dani paano kikilos ang mga tauhan ko kung walang alam sa mangyayari"naiinis pang saad ni sir Gary Tubias. "siguraduhin mo lang sir na walang hudas sa mga tauhan mo, dahil sa akin sila mananagot"madiing saad ko. tinalikuran ko na si sir Gary Tubias,at hinarap ko si general Alano para sa konkretong plano. ng maging maayos na ang plano at mga gagamitin naming devices ay umalis na kami ni Cedric para pumunta sa mansion ni daddy yow.gamit ang maliit na device na nasa tainga namin para sa komunikasyon maghihintay kami bago maghating gabi at bago pa kami hiranging bagong pinuno ng kanyang organization ay ikakasa ang paghuli sa kanila ni kuya Lito. "kinakabahan ako sa plano mo Dani paan....."naputol sa pagsasalita si Cedric ng pasimle ko syang sikmuraan. "kung wala kang tiwala sa akin,tol umalis kana,dahil ako ayokong mamuhay sa illegal na gawain kaya itataya ko lahat kahit kamatayan ko"inis at madiing saad ko. "Dani wala naman akong sinabing iiwanan kita,kaya nga ako nandito dahil may tiwala ako,ang akin lang kinakabahan ako dahil pakiramdam ko may mali kasi kahapon ng gabi narinig kong may kausap si daddy yow at pinag uusapan nila ang kulay pulang maliit na libro at picture frame. at galit na galit si daddy yow sa kausap nya sa phone".inis na saad ni Cedric. "kailangan natin maging handa,at wag na wag kang titikim ng kahit anong pagkain at alak".saad ko. "kahit anong mangyari ngayong gabi Dani, magkakampi tayo at tatapusin natin ito". seryosong saad ni Cedric. tumango lamang ako bilang sagot at tinapik ko ito sa balikat. nagmasid ako sa paligid at nakikita kong dumating na ang dalawang senador na nasa listahan ang mga pangalan. kasama sila sa aarestuhin mamaya dalawang tao pa ang hinihintay ko bago ko ibigay ang go signal kay general Alano. ngunit malapit na ang takdang oras pero wala pa rin ang hinihintay ko. "general malapit na maghating gabi pero wala pa ang dalawang tao na hinihintay natin"saad ko sa maliit na device na nasa tainga ko. "may tao na akong nakabantay sa kanila Dani.sa loob ng dalawang minuto papasukin na ng NBI ang lugar humanda na kayo".inporma ni general Alano. "copy general"saad ko bago tapusin ang usapan namin. mabilis kong hinanap si Cedric pagkatapos naming mag usap ni general Alano. pero ang gago kong kapatid nakikipag inuman kay kuya Lito. alam kong kaya nya ang sarili nya kaya hinayaan ko na ito. ng makita ko ang mga NBI ay agad akong lumapit kay daddy yow para hindi na sya makagawa pa ng kahit na ano. natulala ito ng makitang nakaposas ang dalawang senador na bisita nya nakita kong bubunot ito ng baril kaya inunahan ko ito. " wag ka ng magtangka daddy yow,"sabay tutok ko ng baril sa kanya. "trinahedor mo ako anak!"singhal ni daddy yow sa akin. "sumuko kana lang daddy yow,dahil ayaw ko ng ganitong buhay"malumanay kong turan. nakita kong lumambot ang mukha ni daddy yow kasabay ng pagbigay nya sa akin ng hawak nyang baril at pagtaas ng dalawang kamay. masakit sa akin ang tagpo na ito pero ito ang tamang gawin. samantalang sina kuya Lito at Cedric ay nag aagawan ng baril at pariho ang lakas nila walang nais na magpatalo. nakita kong kakalabitin na ni kuya Lito ang gatilyo ng baril ngunit mas mabilis ang kilos ni Cedric. iglap lang naglaglagan na ang bala ng baril na nakatutok sa kanya. nagulat si kuya Lito sa ginawa ni Cedric kaya nawala ito sa focus at sinamantala ito ni Cedric para malagyan ito ng posas. naging maayos ang lahat,at sapat ang mga ebidensya naipresenta namin sa korte kaya sa patong patong na kasong nakasampa kina daddy yow at kuya Lito nakakalungkot man pero parang himala na lang ang kailangan para makalabas pa sila. nahuli lahat ng sangkot sa organization ni daddy yow mga mayayaman na personalidad retired general mga opisyal ng gobyerno at mga ordinaryong tao sa lipunan. natahimik ang buhay namin bumalik sa dati at bumalik din ang lungkot na naramdaman ko ng umalis si Alvin. panandalian kong nalimutan dahil sa trabaho,pero ngayon bumabalik at parang mas masakit dahil bukod sa namimis ko sya hindi rin sya nagpaparamdam kahit tawag or text wala. at gitna ng pag iiyak ko dahil sa lungkot na naramdaman ko ng bigla akong bulabugin ni Rachel. si Rachel na pinanindigan ang pagiging magkapatid namin,pag uwi ko sa bahay namin dapat kasama siya lagi. kaya dito na sya nakatira sa amin pati ang kapatid nyang si Ronnie at ang bodyguard nito. okay lang naman kay tatang at kay kuya mike kaya pumayag na rin ako. "ate! general Alano hinahanap ka nasa baba,anu bang ginawa mo"?sunod sunod at nag aalalang turan ni Rachel. "bakit may nakita ka bang ginawa ko"?asar na tanong ko din. "wala akong nakita,bumaba kana lang wag mong pinaghihintay baka magalit general daw siya". nagmamadaling saad ni Rachel at hinila na ako palabas ng kwarto. hinatak ko ang kamay kong hawak nito kaya napahinto iti at humarap sa akin. "ano?! hatak ka ng hatak may sarili po akong paa at kaya kong bumaba mag isa!"singhal ko kay Rachel. "wag kana magalit ate,ayaw ko lang naman magalit sayo yung pangit mong bisita sa baba kaya pinamamadali kita"nakangusong saad ni Rachel. "sige iparinig mo ng makatikim ka doon"turan ko at nilampasan ko na ito. "sorry na ate Dani"ani Rachel habang humahabol sa akin. hindi ko na ito pinansin at deretso ako sa sala kung saan naghihintay si general Alano sa akin. "magandang umaga po general"nagdadalawang isip kong pagbati. natatawang umiling si general Alano sa akin kaya napatingin ako sa suot kong relo sabay tampal ko sa sarili kong noo ng makita kong 1:23pm na pala ng hapon. "wala ka yata sa sarili Cordero, I'll give you two minutes to fixed your self"saad nito sabay talikod sa akin. mabilis akong tumakbo paakyat ulit sa kwarto ko at pumasok sa banyo. at pagharap ko sa salamin ay nasabunutan ko ang sarili ko dahil bukod sa maga ang mata ko magulo rin ang buhok ko at wala pala akong suot na bra. wala pang dalawang minuto ay nakabalik na ako sa sala at nahihiyang humarap kay general Alano. "wala ka pa rin talagang kupas Cordero,"nakangiting saad ni general Alano sa akin. "ah...eh... general, 28 years old pa lang po ako,kaya medyo matagal pa ang pagkupas ko",saad ko na alanganin ang ngiti. biglang nangunot ang noo nito dahil sa sinabi ko napangiwi ako at umayos na lang ng upo. "wala kang kupas sa kalukohan Cordero"pag uulit ni general Alano. hindi ko alam kung naiinis si general Alano o nagbibiro lang ito. seryoso ang mukha tapos ang sinasabi biro na ewan. "a-aano po'ng sadya nyo s-sa akin"?nauutal na tanong ko. "kinakabahan ka Cordero, takot ka ba sa akin?"seryosong tanong ni general Alano sa akin. "kinakabahan lang po sa sasabihin ninyo,at hindi po ako takot sa inyo".saad ko. hindi nagsalita si general Alano nakatingin lang sa akin ng deretso st maya maya ay may folder na inabot sa akin. nag alangan pa akong kunin pero ng mahagip ng mata ko na nakangisi ito ay nainis ako at basta ko na lang kinuha ang folder at tiningnan kong ano ang laman. "ticket"? "ikaw ang personal bodyguard na nirequest ng pangulo para sa kanyang anak,three days from now ang flight nyo to US.kaya maghanda kana."saad ni general Alano. "general,may kaso pa akong inimbistigahan na hindi ko pwedeng iwanan lalo na ngayon na may lead na akong sinusundan,si Cedric na lang ang irecommend nyo."sagot ko. "Cordero pangulo ang nag request sayo hindi ako,magpalit muna kayo ni Mendoza,mag usap na lang kayo"kalmadong saad ni general Alano. "okay"simangot kong pagsang ayon. "ayaw mo yun pwede mo dalawin ang boyfriend mo sa US".saad pa ni general Alano sabay taas baba ng kilay. "ngayon ko lang po napatunayan na totoo pala ang tsismis tungkol sayo,akala ko fake news."saad ko sabay tayo. lalo akong lumayo dahil nakakunot na ang noo nito at handa ng manugod. "tsismis lang iyon,at kahit kailan hindi napatunayan na may ibang babae ako bukod sa asawa ko".inis na saad nito. "hindi naman po tungkol sa babae ang tsismis na nalaman ko". nakangising saad ko. "tungkol saan."muling tanong ni general Alano. "tungkol po sa pagiging tsismoso nyo, cge ho mag eempaki pa ako para madalaw ko na ang boyfriend ko sa US"saad ko sabay talikod ko at tatakbo na sana ako paakyat sa kwarto ko ngunit bumangga ako at tumilapon sa lakas ng pagkakabangga. nahilo ako sa pagkakabangga at muntik pang tumama ang ulo ko sa kanto ng center table. tinulungan ako ni general Alano na makaupo ng maayos sa couch,nakita ko rin na nag aalala si kuya mike habang hawak nito ang kaliwang balikat. " Dani! ayos ka lang?may problema ba?"nag aalalang tanong ni kuya mike. "ayos lang ako kuya, sorry hindi kita napansin"saad ko. "i need to go,daanan mo na lang sa opisina ko ang mga kakailanganin mo Cordero"ani general Alano. tumayo ako at sumaludo bilang pag galang at respeto kay general Alano,at ganoon din ang ginawa nito bilang tugon. pagkaalis ni general Alano ay may folder na binigay sa akin si kuya mike. alam ko na ito kaya hindi na ako nagtanong pa kaya binuksan ko na lang.katulad ng inaasahan ko na hindi tugma ang DNA test results namin ni tatang. ibig sabihin legit ang DNA na galing kay Raynold. ang kailangan ko na lang ay ang DNA namin ni Ramon Dulliente,gusto ko lang masiguro na sya nga ang tatay ko. at kailangan kong gawin ang DNA bago ako umalis papuntang US.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD