Cedric's POV.....
pag apak ko pa lang sa lugar ng totoong tatay ko iba na ang naramdaman ko yung pakiramdam ko na may panganib sa paligid at bigla na lang magkakaputukan at makikita kong hostage nila ang nanay ko.
"pag aralan mo ang paligid kung saan may pwedeng labasan at pasukan na hindi nila napapansin" mahinang saad ni Dani.
lalo akong kinabahan sa sinabi ni Dani kaya mas lalong naglumikot ang mga mata ko na alam kong hindi mapapansin ng nakamata sa amin.
naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni Dani nakangiti akong tumingin sa kanya,at alam ko ang mga sinyas ng tingin nya sa akin kaya sinundan ko ang tinitingnan nya sa ikalawang palapag ng malaking bahay na kinaroroonan namin.
wala akong nakita sa tinitingnan nya pero may naramdaman akong kakaiba.
lalo at nakikita kong umiilaw ilaw ang hikaw ni Dani katulad ng singsing ko kung paanong umiilaw sa tuwing nasa panganib kami.
isa itong device na gamit naming mga secret agent na hawak ni general Alano.
na pag umiilaw ang device na nasa amin ibig sabihin ay alerto na ang kalaban at sukol na kami lingid sa kaalaman namin.
kahit alam kong nakahanda ako subrang kinakabahan pa rin lalo at uminom si Dani at halata sa kanyang nahihilo na.
"oras na para kayo ang maging ulo ng organization ko mga anak,ipinapasa ko na sa inyong tatlo ang pamumuno sa organization"saad ng tatay namin na si Ramon Dulliente.
nakangisi itong parang baliw sa hilatcha ng pagmumukha nya ay alam kong may mangyayari na hindi maganda.
"bukas ng hating gabi magsisimula ang pamumuno ng tatlong ulo sa organization.sa ngayon kailangan ninyong tanggapin ang tanda ng pagiging pinuno ninyo mga anak ko"ani Ramon Dulliente.
nagulat ako ng makita ko ang nagbabagang bakal na hawak ng kanyang tauhan.
" wag mong sabihin Dulliente na yan ang tanda na sinasabi mo" nakangising saad ni Dani.
hindi ako nakakilos sa nakikita kong bakal na nagbabaga.
"kalabaw yata ang tingin sa anin ni Dulliente hindi anak"saad ko sa isipan.
"napakatalino mo anak!dahil hindi ka nagkakamali"sagot ni Ramon Dulliente.
"anung tingin mo sa amin kalabaw!"singhal ni Dani.
"huminahon ka Dani,wag kang pabigla bigla dadalawa lang tayong magkakampi pag nagkagulo pupulbusin tayo rito" bulong ko kay Dani.
"anak yan lang ang tanda wala ng iba pa,parang kagat lamang ng langgam yan pagkatapos wala na" pagkukumbinsi pa nito kay Dani.
"kung gusto mo talaga mauna ka,dahil wala akong planong maging kalabaw sa oras na ito"singhal ni Dani.
biglang bumangis ang mukha ni Ramon Dulliente habang nakangisi naman ang kakambal nito.
nagulat ako ng umupo si kuya Lito sa upuan katapat ng maglalagay ng tanda at walang pakundangan na idiniin sa kanang dibdib ni kuya Lito ang nagbabagang bakal.
ang tapang nya ni hindi sya dumaing sa sakit.
"putang ina isa sa amin ni Dani ang maaaring isunod nila"pagmumura ko sa isip.
"next!" sigaw ng kakambal ng hayop kong ama.
"si Dani!"sigaw ko.
parang isang mabangis na leon si Dani ng tumingin sa akin.kinausap ko sya gamit ang isip at galaw ng mata,alam kong naiintindihan nya kaya para itong baliw na ngumisi sa akin.
ng humarap ito kay Ramon Dulliente ay nagulat ako sa pinag sasabi nito.
"daddy di ba sabi mo bukas ng gabi pa magsisimula ang pamumuno naming tatlo"?tanong ni Dani.
lumiwanag ang mukha ni Ramon Dulliente sa sinabi ni Dani kaya kahit nagulat ako ng tinawag nyang daddy ito ay napangiti ako dahil parang mapapasunod ni Dani ang demonyo naming ama.
"yes my baby girl,"saad ni Dulliente.
"putang ina hayop,lakas ng tama sa ulo ng demonyong ito"mahinang bulong ko kay Dani.
"sumakay ka gago!"pabulong na singhal ni Dani sa akin.
nakita kong namumutla si kuya Lito sa kinauupuan nito at masamang nakatingin sa amin ni Dani.
pero hindi ko na sya pingtuunan ng pansin.
"bukas ng gabi rin kami ni Cedric magpapalagay ng tanda sabay kami para mas masaya "baliw na saad ni Dani.
"noted, my baby girl tomorrow night"nakangiting saad nito.
"thank you daddy we love you, cheers!"baliw na saad ni Dani sabay taas ng alak na hawak nya.
nakangisi itong lumingon sa akin at kumindat pa kaya napangiti na lang din ako.
isa pang nakakagulat ang ginawang panghahamon ni Dani sa demonyo naming ama.
"i have a request daddy yow,?"biglang saad ni Dani.
"what is it my baby girl"nakangiting baling muli ni Dulliente.
"ngayon na pala ako magpapalagay ng tanda daddy yow kung matatalo ako ng butanding mong katabi sa isang dwelo"baliw na saad ni Dani.
"nababaliw kana dani!"singhal ko.
"matagal na Cedric at ngayon ko lang ipapakita ang pagkabaliw ko".saad nito.
"baka nakakalimutan mong nakainom ka"paalala ko.
ngunit ngumisi lang ito sa akin habang tinatanghal ang nakasabit na baril sa kanyang beywang at ibinigay sa akin.
"barilin mo silang lahat pag dehado ako" bilin nito bago pumunta sa gitna kung saan naghihintay ang kakambal ng tatay namin.
"daddy yow pag natalo ko ang butanding na ito hindi mo ako tatatakan,pag ako ang natalo papatayin ko ang sarili ko sa harapan mo para wala kang magiging kahihiyan sa organization mo"saad ni Dani.
walang kibo si Dulliente ngunit mabangis ang mukha nitong nakatingin kay dani.
"DEAL?"nakangising tanong ni dani sabay thumbs up sa daddy yow nya.
napilitan mag thumbs up si Dulliente kaya doble ang kabang naramdaman ko lalo na ng bigla syang sugurin ng kanyang kalaban.
alam kong magaling si Dani sa kahit na anong laban,hindi sya magiging number one agent kung hindi, padalos dalos nga lang magdesisyon kung minsan.
tumalikod ako para hindi ko makita ang pagtutunggali nila dahil baka hindi ako makapagpigil lalo na pag nakita kong binubogbog na si Dani.
nagpalinga linga ako sa paligid at nakita ko si Patrick na lumabas sa isang pintuan.
gulat itong tumingin sa akin,palipat lipat ang tingin nya sa akin at sa likuran ko.
kaya lumingo ako sa likod ko at nakita ko Gin kasamahan namin sya bilang secret agent at kasalukuyan syang SPO2 police at tauhan ni kuya Lito.
nakaramdam ako ng pansamantalang kapanatagan dahil sa presinsya nila ni Patrick.
pero hindi ganoon kapanatag lalo na sa pagtatrahedor ni Patrick.
"sakaling pumalpak ang plano ni ma'am Dani tumbikin nyo ang pintuan sa likuran ni Patrick papuntang kusina iyon at paglabas ng kusina may sekretong daanan sa tabi ng puno,walang nakakaalam ng lagusan na iyon,pagkalabas nyo nandoon yung motor ko ingatan mo please".bulong ni Gin sa akin sabay pasekretong abot ng susi.
"salamat Gin"pasalamat ko.
"maliit na bagay sir"
nang tumingin ako sa gawi ni Patrick ay wala ito,ngunit ang ikinagulat ko ng makita kong nakatutok kay Dani ang baril ni Ramon Dulliente.
"enough baby girl!"sigaw nito.
tulog ang kakambal ng tatay namin ng bitawan ito ni Dani.
"daddy yow panalo ako"baliw na saad ni Dani.
walang kibong ibinaba ni Dulliente ang hawak nyang baril at naglakad ito sa palapit kay Dani.
"bilang dating ulo ng organization may isa akong salita anak,bukas ng hating gabi isa ka na sa tatlong ulo ng organization ko."saad nito at bumaling ng tingin sa akin.
naglakad ito palapit sa akin at hindi ako nilubayan ng kanyang tingin.
"anak may tanda na ang kuya Lito mo bilang ulo ng organization ko na ipapasa ko sa inyo".saad nito habang matiim na nakatingin sa akin.
"hindi sa tanda nasusukat ang pagiging isang puno ng organization daddy yow,kahit tadtarin mo pa ng tanda ang buong katawan ko,o ilang beses akong makipag makipag dwelo sa mga tauhan mo wala pa rin kwenta". nakangising litanya ko.
"anong ibig mong sabihin anak"?maang na tanong ni daddy yow.
"respeto daddy yow,"saad ko.
tahimik itong nakatingin lamang sa akin ng mata sa mata hanggang sa sa bigla ako nitong yakapin.
"that's my boy"saad nitong halata ang pagiging masaya.
inakbayan ako nito at naglakad palapit kay Dani at sabay na itinaas ang kamay namin.
"buo na ang tatlong ulo sa aking organization sa pamumuno ng tatlo kong mga anak,ikaw ang magiging unang ulo Lito,ikaw Cedric ang pangalawa at ikaw Dani ang pangatlo bilang alas at ako ang mananatiling hari ng organization". saad ni daddy yow.
umalingaw ngaw ang malakas na palakpakan at nakakabinging sigawan ng mga tauhan na nakapaligid sa amin.
binuhat ng mga tauhan ni daddy yow ang kanyang kakambal para dalhin sa hospital kasama si kuya Lito.
"feel at home mga anak, welcome kayo sa mansion ko kahit anung oras"saad ni daddy yow.
"thank You daddy yow! cheers!"biglang singit ni Dani na may dala dalang inumin na alak.
"Dani lasing kana! daddy yow pwede ko bang iuwi muna si Dani baka masubrahan sa alak"may pag aalalang saad ko.
"ang OA mo nagsasaya ang tao pipigilan mo"singhal ni Dani sa akin at pinanlakihan pa ako ng mga mata.
"anak hayaan mo na magsaya ang kapatid mo,alalayan mo na lang maaga pa naman"saad ni daddy yow.
hinayaan ko na lang at nakisaya na lang din ako,iniwan na ako ni daddy yow kasi may biglang tumawag sa phone nya.
sinagot nya ito at napakunot noong naglakad papunta sa isang sulok.
hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na makinig kaya pasimple akong sumunod kay daddy yow sa isang sulok.
masyadong itong busy sa kausap nya sa phone kaya hindi nila ako napansin na nakikinig.
" anung listahan ang nawawala Patrick"?tanong ni daddy yow sa kanyang kausap.
"hanapin nyo nasa opisina lang yun ni Lito!"galit na saad ni daddy yow.
bago pa ako mapansin ay mabilis akong nakihalo sa mga tauhan nyang nagsasaya habang walang tigil sa alak.
nakita ko si Dani na nakaupo sa isang sulok na may hawak na alak habang ang isang kamay ay nakasabunot sa kanyang buhok na parang lasing na lasing na kaya nilapitan ko ito.
"okay ka lang ba Dani"tanong ko at umupo ako sa kanyang tabi.
"gawan mo ng paraan ang blueprint ng mansion na ito Cedric, kailangan ko bukas ng umaga first thing in the morning,as in pagmulat ng mga mata ko blueprint ng mansion na ito ang makikita ko"saad ni Dani na parang baliw na nakangisi.
"ihahatid na ba kita pauwi o dito ka na titira sa daddy yow natin"?baliw ko rin na tanong.
nang humarap ito sa akin ay biglang bumunghalit ng tawa.
napilitan akong tumawa dahil iyon ang sinasabi ng mga tingin nya sa akin.
para kaming baliw na tumatawa hindi ko alam kung anung pinaplano ni Dani pero sinakyan ko ang kabaliwan nya.
"gawin mo na ang inuutos ko Cedric,alam ni Gin kung saan makukuha ang kailangan ko".saad ni Dani habang tumatawa.
"ihahatid muna kita lasing kana"sabi ko.
"hindi ako lasing Cedric at lalong hindi ako umiinom,may halong drugs ang alak kaya wag kang titikim"sagot ni Dani.
na ikinagulat ko ng subra dahil kung lumakad ito ay susuray suray na at nabubulol na rin kung magsalita.
" sa entrance tayo dadaan para hindi magduda si daddy yow,siguraduhin mong ibibigay mo sa akin bukas ang kailangan ko,dahil buhay at kamatayan ang katumbas ng blueprint na iyon"madiing saad ni Dani bago ako talikuran.
hindi ako nagaksaya ng oras at inalam ko kay Gin kung saan makukuha ang blueprint na kailangan ni Dani.
na agad ko namang nakuha, hawak ko na ang blueprint ng makarinig akong malalakas na kalabog sa kabilang kwarto at hindi ko na pinansin pa.
nagmadali akong lumabas sa kwarto pagkatapos kong makuha ang kailangan ko at relax na naglakad palabas ng mansion ni daddy yow.
pagkalabas ko ng malaking gate ay sinalubong ako ng isang tauhan ni daddy yow,at sinabing bilin sa kanya ay ihatid ako.
nagpahatid na ako sa bahay na tinitirahan namin ni nanay dati para wala ng mahabang usapan pa.
ilang oras akong nanatili sa bahay namin ni nanay,nakakalungkot dahil hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan sya.
pero gagawin ko ang lahat para mahanap ko kung saan sya itinatago ni daddy yow at mananagot sya sa akin pag may mangyaring hindi maganda sa nanay ko.
madaling araw na ng dumating ako sa safe house at deretso ako sa kwarto ni Dani dala ang kailangan nya.
ngunit walang Dani sa kwarto nya kundi si Raynold at naghihilik pa.
pumasok ako sa opisina ni Dani at doon ko sya nakitang nakahilata at tulog na tulog sa mahabang sopa.
umupo ako sa tabi nya para makita nya agad pagmulat ng kanyang mga mata ang kailangan nya sa akin.
"dala mo"?biglang tanong ni Dani.
"oo naman ako pa ba, anung gagawin mo dito?"tanong ko.
"tawagan mo si Patrick kailangan natin ang expertise nya sa mga CCTVs control alas otso mamayang gabi.magpahinga kana para may lakas ka mamaya".saad ni Dani.
"mamayang gabi din magsisimula ang pamumuno natin sa organization ni daddy yow di ba"?tanong ko kay Dani.
"alam ko Cedric kaya nga magpahinga ka na dahil kailangan mo ng lakas para mamaya"inis na saad ni Dani.
"nagtatanong lang naman po ate Dani,"inis na saad ko sabay talikod sa kanya.
ngunit bago pa ako makalabas ng kanyang opisina ay nagsalita ito.
"para sayo ang ginagawa ko tol,mahal kita bilang best friend ko at lalong mahal kita bilang kapatid ko" nakangiting saad nito bago nagtalukbong ng kumot.
mula ng magkakilala kami ni Dani mahal ko na sya bilang best friend ko.
at hindi nagbago iyon nadagdagan pa ang pagmamahal ko sa Kanya ng malaman kong magkapatid kami sa ama.