ligtas at walang galos na naihatid ko si jR sa pamilya nya sa tulong nina Cedric at Garrett dahil iyon ang ipinangako ko sa kanya. kasaluyan akong nakaangkas kay Cedric pauwi sa amin habang ang bagahe ko ay nakaangkas din kay Garrett. napaka swerte ko naman sa mga ito lalo na kay Cedric,hindi namin akalain na magkapatid pala kami. hindi pa ako sigurado kung iisang tao lang ang ama namin pero kahit hindi, hindi na mababago ang pagiging magkapatid namin ni Cedric. siguro kung buhay ang nanay hindi kami magkakagalit galit na magkakapatid. at siguro hindi gagawa ng masama ang kuya Lito, baka nga sila ang dahilan kung bakit ako ipinagpalit ni Alvin sa ibang babae. nagulat ako ng pitikin ni Cedric ang kamay kong nakayakap sa kanya napahigpit na pala. "ang higpit bunso hindi ako makahinga"

