nagising ako dahil sa hiningang tumatama sa leeg ko at sa mabigat na nakapatong sa tiyan ko. hindi naman ganoon kabigat si Rachel at lalong hindi sumisiksik sa leeg ko ang babaeng yon. kaya kahit gusto ko pang matulog ay pinilit kong imulat ang mga mata ko at si Ronnie ang namulatan ko. tulog na tulog ito nakasandal ang isang hita sa tiyan ko at ang mukha ay sa leeg ko nakasiksik, nakapatong din ang isang kamay nito sa dibdib ko. hindi ako makakilos sa bigat kaya pinisil ko ang ilong nito para magising. umungol lang ito at lalong nagsumiksik sa akin kaya pinisil ko ulit ang ilong,hindi pa rin ito natinag, inulit ko pa ng ilang beses ang ginawa ko at wala pa rin. "Ronnie wala ako sa mood makipagkulitan sayo "gigil na saad ko na ikinabalikwas ni Ronnie. "sweet heart, subrang namiss ki

