chapter 11

2560 Words
Pagkaalis ni Cedric ay pumasok na ako sa loob para makapagpahinga na kaya lang nabungaran ko ang magkapatid na nagbabangayan na naman. "Sa room ko na matutulog si Dani kuya dahil bisita ko sya at inayos ko na ang tutulugan nya".ani Rachel. "Sa room ko sya mag stay Rachel kaya manahimik kana".turan naman ni kapitan na naiinis na kay Rachel. Ang sarap nilang panuurin mag usap abnoy vs abnoy.kaya nalibang ako kakapanuod ng away nila. "No! ako ang kaibigan nya, at isa pa ako ang pinuntahan nya dito hindi naman ikaw,saka di ba sabi mo kanina aalis kana bago pa dumating si Dani".nakangising saad ni Rachel. "Ang dami mong dada Rachel!ang ingay mo,umakyat kana nga sa kwarto mo at matulog kana".sigaw ni kapitan. Nagkakainitan na ang dalawa kaya nilapitan ko na sila para matapos na ang kanilang bangayan. "Dani let's go tabi tayo matulog sa room ko". excited na turan ni Rachel ng makita akong palapit sa kanila. "Okay",sagot ko naman. Akmang lalakad na ako pasunod kay Rachel ng buhatin ako bigla ni kapitan na parang bagong kasal. huli na kung magpumiglas pa ako sa bilis niyang maglakad namalayan ko na lang na nasa banyo na ako at nakita kong ready na ang maligamgam na tubig sa bathtub na pampaligo ko.nagulat ito ng lumabas ako ng banyo na hindi pa ako nakakaligo. "Sweet Heart bakit hindi ka pa naligo?kumplito na ang gagamitin mo doon pati bihisan mo".ani kapitan. "Kakausapin ko lang si Rachel"saad ko habang naglalakad palabas ng kanyang kwarto. "Stay here tatawagin ko na lang"ani kapitan sa mahinang boses. "Ako na mag aaway na naman kayo eh"saad ko. "Dito ka matulog ha, promise hindi kita rerape in"saad nito na nagpataas ng kilay ko. "Seriously kapitan? Natatawang saad ko. Hindi ito kumibo nakatitig lang sa akin kaya tinalikuran ko na ito at pinuntahan ko Rachel sa kabilang kwarto.hindi ako kumatok basta lang ako pumasok sa kwarto nya at nakita ko syang nakadapa sa kama.hindi ako napansin dahil sa ingay ng speaker nya.nagsa sountrip ang lukaret nakalapit na ako sa kanya pero hindi pa rin ako napapansin kaya naman pinalo ko sya sa pwet gamit ang kamay ko. "Ay bulate!..."sigaw nito sabay balekwas sa pagkakadapa "Papatayin mo ba ako?doon kana nga sa kwarto ni kuya wag ka dito".saad nito at pinagtulakan pa ako palabas. "Tatabi lang naman ako sayo matulog,hindi kita papatayin,saka kung papatayin kita hindi kamay ang ihahampas ko sayo"saad ko at nagpapaawa . "nakakainis ka pumasok ka na nga!"sigaw ni Rachel sa akin at pinapasok ulit ako sa kwarto nya. "Naiinis din ako sa epal mong kuya noh,papansin masyado".kunyaring inis na saad ko. Nakita kong lumiwanag ang mukha ng abnoy kaya sinamantala ko na para paamuhin ang lukaret kong kaibigan. "Kaya nga naiinis ako eh,kasi akala ko sa kanya ka sasama at tatabi matulog". anitong nakairap pa sa akin. "Okay lang din naman sa akin na katabi ang kurimaw mong kapatid ,wala naman akong choice,ayaw mo naman akong patulugin dito sa kwarto mo".saad ko na may paawa sa boses. "Gaga!binawi ko na nga di ba,ikaw itong may pabuhat pang nalalaman dyan".gigil na turan ni Rachel. Nagkatinginan kami at nagtawanan ng biglang namatay ang music sa speaker ni Rachel.gulat kami parihong napalingon sa speaker at nakita ang galit na pagmumukha ng kurimaw nyang kuya "Kurimaw pala ha".saad nito na galit na galit. Natameme kami pariho ni Rachel lalo na ng lumapit ito sa amin na kunot na kunot pa rin ang noo. "Ahmm,kailangan ko ng maligo hindi ko na gusto ang naaamoy ko eh".saad ko sabay tayo para sana pumunta sa banyo ni Rachel. "Where do you think your going sweet heart?saad nito na magkadugtong pa rin ang kilay. Nakangiti akong humarap sa kanya at nagkuwaring parang nag iisip. "Sa banyo maliligo,sama ka"?pilyang tanong ko. "Baliw".pabulong na saad nito. Naglakad na ito papunta sa kama ni Rachel kaya pumasok na ako sa banyo para maligo.ilang araw akong hindi nakaligo kaya nagbabad ako ng matagal halos gusto ko na nga matulog sa bathtub ni Rachel kung pwede nga lang. Ngunit bago pa ako makaidlip ay kinakatok na ako. "Sweet Heart wag ka na magbabad malalamigan ka"saad ng kurimaw. Hindi ko pinansin ang pangangatok kaya naman subrang nagulat ako ng bumukas ang pinto at pumasok ito ng basta na lang. "Kuya ang bastos mo"sigaw ni Rachel sabay hila kay kapitan palabas ng banyo. "Dani bilisan mo na nga dyan mababaliw ako sainyo."sigaw ni Rachel sa labas ng pinto. Nagbihis na lang ako para matigil na sila.paglabas ko nakita kong galit na galit talaga si Rachel sa kuya nya. "Pag ako ba pumupunta sa place mo kuya binabastos ba kita o ang bisita mo"!sigaw ni Rachel kay kapitan. "She's a family not a visitor put that in your mind Rachel".ganting sigaw rin ni kapitan. "Hey!kung mag aaway kayo ng dahil sa akin aalis ako ngayon din"!saad ko "No!" Sabay na turan pa ng dalawa,tiningnan ko sila ng masama kaya pariho silang natahimik. "Pasinsya na kayo sa pang aabala ko sa inyo,wala lang talaga akong choice kaya dito ako pumunta.at saka ang pagkakaalam ko kasi mag isa lang dito si Rachel na nakatira h... "Yes Dani mag isa lang naman talaga ako dito pumunta lang dito si kuya para ihatid ang kotse ko na ginamit nya."agaw ni Rachel sa sasabihin ko. "So ibig sabihin bisita mo ako hindi ng kuya mo"taas kilay kong tanong. "Yes"sagot ni Rachel. "Then I'll stay with you".saad ko. Masamang tingin ang pinukol sa akin ni kapitan,ngumiti lang ako at kinindatan ko sya.pero nabigla ako ng hawakan ako sa kamay at hilahin palabas ng kwarto ni Rachel. "Wait lang naman!"sigaw ko sabay hablot ng kanay ko. "Mag usap tayo bago pa ako mabaliw".gigil na saad nito. "Sabihin mo ng maayos hindi yung basta ka na lang manghihila"saad ko sa mahinahon ngunit gigil na boses. "Pagkatapos nyo mag usap kuya sa kwarto ko matutulog si Dani"ani Rachel na nakasunod din pala sa amin. "Ihahatid ko sya sa kwarto mo Rachel". sagot nito. Pumasok na si Rachel sa kwarto nya,naiwan kami sa labas ng pinto.sinabi ni kapitan na sa kwarto nya kami mag usap hindi ako nag isip ng kahit anu at sumama nga ako.umupo agad ako sa coach pagkapasok namin at nakita kong natigilan ito. "Anu ba ang pag uusapan natin kapitan"?tanong ko pagkaupo ko. "Ronnie na lang,"anito. "okay Ronnie".turan ko. "Im sorry sa mga kinikilos ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko,baliw na nga yata talaga ako tulad ng sabi ni Rachel. hindi ko na naiintindihan ang sarili ko,simula ng una kitang makita ginulo mo na ang mundo ko, lately lagi kitang namimis na ewan.araw araw kita pinupuntahan sa inyo ngunit hindi masabi ng tatang mo kung nasaan ka. at ngayon na nakita na kita parang hindi ko na kayang mawala ka pa sa paningin ko,hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko kung anu ba ito, at hindi ko maintindihan ang sarili ko first time kong makaramdam ng ganito na parang mababaliw ako sweet heart,mahal na yata kita."saad ni kapitan na maluha luha pa. "Aray naman"tanging nasambit ko. "Im serious sweet heart". anitong seryosong nakatingin sa akin. "Ahh-ehh a-anu ba wag mo nga akong ginugulo"nauutal na sabi ko. "Hindi kita ginugulo sweet heart sinasabi ko lang ang nararamdaman ko". anitong tuluyan ng tumulo ang luha. "Anu ba"singhal ko ng lumuhod ito sa harapan ko at yumakap sa beywang ko. Pilit kong inaalis ang kamay nya ngunit lalo nya naman hinigpitan ang pagkakayakap sa beywang ko.lalo itong naiyak ng sabihin kong may boyfriend ako na nasa America lang dahil sa business. "Bitaw na please hindi ako makahinga"saad ko. "Pag na confirm kong mahal nga kita pumayag ka man o hindi liligawan kita at kung kinakailangan na kidnapin kita gagawin ko".saad nito at binitawan na ako. "Depende sa dalawang bagay"seryosong sagot ko. "Anu naman ang dalawang bagay nayon"?tanong nito. "Una,after two years pa ako mag momove on na sa tingin ko ay 50/50.pangalawa,kung buhay pa ako why not".sagot ko at walang lingon na naglakad palabas ng pintuan ng kanyang kwarto. "wait sweet heart isang tanong na lang please"habol pa nito sa akin. "anu yun"?tanong ko. anu yun 50/50 at bakit 50/50"? tanong nito. natawa ako sa mga tanong nito na parang bata lang,ang hina ng iq. "kaya 50/50 dahil pwedeng mag move on, pwede rin namang hindi gets? hindi na ito kumibo kaya iniwan ko na at pumasok na ako sa kwarto ni Rachel. Pagod na pagod pa rin ang pakiramdam ko ng magising ako kinaumagahan,wala na akong katabi sa kama pero ayaw ko pang bumangon mas gusto ko pang matulog.kaya naman tinakip ko sa mukha ko ang unan ko. maya maya naramdaman kong may pumasok sa kwarto pero hindi ako nagpahalatang gising na papalapit sa akin ang yabag kakaiba kaya sigurado akong hindi ito si Rachel at hindi rin si kapitan.naramdaman kong nakatayo ito malapit sa akin. at naamoy ko rin ang pabango nya amoy babae pero hindi sya si Rachel. "may lalaking dumating papasok na dito,tara na bago tayo makita"!. mahinang sigaw ng isa pang tao na pumasok sa kwarto. Ngunit bago pa man makapasok ang sinasabing dumating ay mabilis akong gumulong papunta sa kinatatayuan ng taong amoy babae. ubod lakas ko itong sinipa,dahil hindi nya inaasahan ang ginawa ko ay tumilapon ito sa sahig at nabitawan ang hawak na baril.gumulong ako ulit papunta sa tumilapon na baril at hindi ako nagdalawang isip na iputok sa isa pang tao na tatakbo na sana palabas ng terrace. tinamaan ko ito sa hita kaya ng bumagsak ay naunang nahulog sa terrace ang hawak nyang baril. nakita kong nakabangon na ang amoy babae akmang sisipain nya ang hawak kong baril pero naunahan ko syang barilin sa hita at sa kanang balikat. "Dani!"sigaw ni kapitan kasabay ng pagliwanag ng buong kwarto. binuksan nito ang ilaw kaya malinaw kong nakita ang kaharap ko malaking tao,nakasuot syang bonet pero alam kong lalaki sya at may tattoo syang itim na butterfly sa kanang kamay malapit sa pulsuhan. "Dyan ka lang!"sigaw ko ng palapit sa akin si kapitan. "Si Rachel nasaan"?tanong ko na hindi inaalis ang tingin sa kalaban. "K-ayo ang magk-kasama di ba"?utal na sagot nito. "Wala sya pag gising ko,itong mga ito ang namulatan ko,tawagan mo nga please,saad ko. Ginawa naman nya ang sinabi ko habang tinatalian ko ang dalawang lalaki na parehong amoy babae.yung tali sa bathrobe ni Rachel ang ginawa kong panali bahala na kung ngumawa mamaya ang lukaret. Lumapit sa akin si kapitan at sinabi na umalis si Rachel para mag grocery.hiniram ko ulit ang cellphone nya at tinawagan ko si Cedric para ipaalam ang nangyari sa skin.ilang minuto lang ang lumipas at dumating kaagad si Cedric. Syempre hindi maipinta ang pagmumukha ni kapitan lalo na kung nagkakadikit kami ni Cedric talagang gumagawa sya ng eksina para magpapansin. Nakaalis na si Cedric kasama ang dalawang lalaki para dalhin sila sa safe house at syempre si general Alano na ang bahala sa kanila at ang mga taga NBI na tauhan ni general Alano. Maayos na ang bahay ng dumating si Rachel at hindi ko na rin sinabi pa sa kanya ang nangyari baka lalo pa syang mag panic pariho pa naman silang abnoy ng kapatid nya kung mag panic wagas. Mga bandang alas singko ng hapon ng dumating si Cedric dala ang mga hinihingi ko at pagkakuha ko ng mga kailangan ko ay umalis din kaagad si Cedric. Alas otso ng gabi naghahanda na ako para umalis ng apartment ni Rachel ng may mapansin akong anino sa terrace ng kwarto ni Rachel.kaya naalarma ako tamang tama lang dahil nakabihis na ako para umalis at handa na sa anumang laban. dalawang pistol ang nakasukbit sa beywang ko sa bandang likod para hindi mapansin ni Rachel at may isa pang handgun na maliit ang nakasuksok sa boots ko. ang kaninang isang anino ay naging dalawa,tatlo,apat na ngayon. Akmang bubunutin ko ang baril ng bumukas ang pintuan ng kwarto ni Rachel. "Cge!bumunot ka ng sumabog ang utak ng babaeng ito!"sigaw ng nakabonet na lalaking may hawak kay Rachel. "s**t!"gigil na saad ko sa isip. "Hindi mo ako kayang takasan Dani at lalong hindi mo ako kayang sirain"!.sigaw nito "Wag kang pakasiguro kuya Lito,dahil wala pa akong nabalitan na demonyong naging successful,hindi man ko man masira ang itinatayo mong bulok na eskalawag mo meron pa rin isang isisilang at tatayo para durugin ka chief inspector Lito Cordero". nakangising saad ko. "Bilib na bilib ako sa tapang mo Dani,tingnan natin ang tapang mo pag patay na kaibigan mo"!.turan ni kuya Lito. "Alam kong sanay kang pumatay ng mga taong walang laban,Dalawa lang ang dasal ko sa oras na ito kuya Lito ,una,sanay ay hindi pumalpak ang kamay ko para kay Rachel,at ang pangalawa,sana ay hindi ako pahintulutan ng diyos na mapatay kita ngayon".inis na saad ko at kasabay rin ng pagtulo ng luha ko. "Wag kang magpatawa Dani nag iisa ka lang lima kami"saad ni kuya Lito sabay tawa ng malakas. hindi na sya ang kuya Lito na kilala ko masahol pa sya sa demonyong inakala ko. "May kasama ako kuya at dalawa kami,sa lahat ng laban ko dalawa kami,malalaman nyo rin mamaya kung sino sya". seryosong turan ko. Tawa sila ng tawa na parang nababaliw na kaya sinamantala ko ang pagtawa nila.alam kong hindi nila bubuhayin si Rachel dahil nakita ko kung paano sila pumatay ng mga taong walang laban sa kanila. Agad kong pinaputukan ang magkabilaang balikat ng apat na kasama ni kuya Lito.at sinigurado kong hindi na sila makakalaban pa.at ngayon kaming dalawa na ni kuya Lito ang makatapat nakatutok ang baril nya sa ulo ni Rachel at nakatutok rin sa kanya ang baril ko. "Salamat sa diyos dahil hindi pumalya ang pulso ko,buhay pa ang mga tauhan mo"saad ko habang nakatutok ang baril. "Isusugal mo talaga ang buhay ng kaibigan mo Dani".nakangising turan ni kuya Lito. "Kung kinakailangan mawasak ko lang ang eskalawag mo".sagot kong nakangisi din. "Anung gusto mo kuya Lito sabayan tayo o mauuna ak...." "s**t ka Dani!pababayaan mo talaga akong patayin ng kuya mo ha!".umiiyak na sigaw ni Rachel. "Okay lang Rachel ipagtitirik naman kita ng kandila"baliw na sagot ko. "Baliw!!pariho kayo ng kapatid mo!"sigaw ulit ni Rachel. Kahit namumutla na si Rachel sa takot ay nagawa pa rin nyang magpumiglas sa pagkakahawak sa kanya ni kuya Lito.kaya ng medyo lumihis ang baril nito sa ulo ni Rachel ay sinipa ko ng subrang lakas ang kanyang siko kaya nabitawan nya ang hawak nyang baril ang hindi ko napaghandaan ay ang kanyang jungle knife. Bigla nyang sinaksak si Rachel sa gilid ng balikat.sa gulat ko ay binaril ko sa balikat si kuya Lito kaya napasigaw ito nabitawan nya si Rachel pero nakita kong hahabulin pa nya saksak kaya binaril ko ulit sya sa dalawang hita at sa isa pang balikat. "Sabi ko sayo kuya Lito may kasama ako,ang diyos kaya buhay ka pa ngayon kahit na gustong gusto ko ng sa kamay ko magtapos ang buhay mo".saad ko at tinalikuran ko na sya. Buhat buhat ko si Rachel pababa ng hagdan ng masalubong ko si kapitan,namutla ito bigla pagkakitang duguan si Rachel. "W-w-what happen?"utal na tanong nito. "sasakyan please dalian mo"sigaw ko. nagpapanic itong tumakbo palabas namumutla ito sa takot. "sakay na,hawakan mo si Rachel,ako na magdrive".utos ko ng hindi na ito kumikilos. sumunod naman sya sa mga utos ko kaya ako na ang nagmaniho papuntang hospital.habang nasa byahe tinawagan ko si Cedric para puntahan si kuya Lito sa apartment ni Rachel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD