chapter 10

2035 Words
**********Dani*********** Nagising ako sa subrang pangangalay ng braso ko at hindi ko rin maigalaw maging ang mga paa ko,ng pilitin kong bumangon saka ko lang napagtantong nakagapos pala ang kamay at paa ko. nakidnap nga pala ako ng sarili kong kapatid. "Peste! Papatayin ko kayong lahat pag ako nakawala dito,lalo kana kuya lito"!galit na singhal ko sa isip. Ginawa ko lahat para makawala sa pagkakagapos,ng medyo lumuwag na ang tali sa kamay ko pinilit kong ilusot ang katawan ko para mapunta sa harapan ko ang nakagapos kong kamay.nanghihina na ako pero sa awa ng diyos nagawa ko.kaya mas napadali ang pagtanggal ko ng tali sa kamay. Hindi ako nagsayang ng kahit isang minuto kinuha ko kaagad ang knives na nakalagay sa boots ko kaya madali kong natanggal ang tali sa kamay at paa ko.sumilip ako sa bintana medyo dumidilim na sa labas tamang tama lang sa pagtakas ko.tahimik ang paligid kaya hindi ako nagsayang ng orsa agad akong tumalon sa bintana, na ang akala kong 2nd floor lang ay third floor pala. "Muntik na ako doon ah",saad ko ng muntik na akong sumabit sa kable ng kuryente. walang ingay akong bumagsak sa damuhan. akmang tatakbo na ako ng makarinig akong ingay ng mga sasakyang dumating kaya kumuble ako sa damuhan kung saan ako bumagsak. at hindi ako nagkamali dahil si kuya Lito nga ang dumating at maraming kasamang mga tauhan. "si Dani"?.tanong agad ni kuya Lito sa tauhan na sumalubong sa kanya. "Nasa itaas boss natutulog pa rin"saad ng tauhan ni kuya Lito. "Boss pumunta dito si Patrick kanina dinala ang mga DNA paternity test results nyo". turan ng isa pang tauhan ni kuya Lito. "Sinong Patrick at anong DNA ang pinag uusapan nila"tanong ko sa isipan. Pumasok na sila sa loob ng abandunadong building kaya kumilos na ako bago pa nila mapansin na nakatakas ako. Maingat kong tinulak ang isang motor para madali akong makasakay at nagawa ko naman.dali dali kong pinasibad kahit wala akong suot na helmet malayo na ang nababaybay ko ng mapansin kong masyado palang malayo ang pinagdalhan sa akin ni kuya Lito.humanda kayong lahat sa ganti ko dahil iisa isahin ko kayong lahat nagngingitngit talaga ako sa galit lalo na kay kuya Lito. Alam kong may tao si kuya lito sa grupo namin kaya kailangan kong mag doble ingat.lintik lang ang walang latay oras na malaman ko kung sino ang trahedor sa grupo. Magdadalawang oras bago ako nakarating sa bayan. at basta ko na lang iniwan ang motor na ginamit ko malapit sa police station kung saan si kuya Lito ang namumuno bilang chief inspector. Sayang lang ang pinaghirapan nya para maging isang police dahil sa kawalang hiyaan nya lang pala gagamitin.sa ginawa nyang pag kidnap sa akin pakiramdam ko naubos lahat ng takot sa katawan ko.pati ang pagtalon ko mula third floor ay wala akong naramdamang takot.maging ang mga pagbabanta sa akin ni kuya Lito ay parang balewala na rin sa akin. "inubos mo ang takot sa katawan ko kuya Lito,asahan mong handang handa ako sa paghaharap natin"usal ko sa isip bago ko itumba ang motor at basta na lang iniwan. Sa apartment ni Rachel ako dumiretso,kahit may pagka abnoy ang lukaret na yun sigurado na patutuluyin pa rin ako ng bruhang yun. Sa tapat ng mismong apartment ni Rachel huminto ang sinasakyan kong tricycle. Pagkababa ko ay nag doorbell agad ako at nagbukas din naman kaagad "Sweet Heart anung nangyari sayo,s-saan ka galing oh my god".natatarantang saad ni kapitan. "Bago ka magpanic pwedeng pahiram mo muna ako ng 500 "?saad ko. Hindi naman ito nagtanong at nagbigay kaagad ng 500.agad ko naman kinuha at binigay sa tricycle driver. "Salamat manong sayo na po ang sukli"pasalamat ko sa tricycle driver. Pagkaalis ng tricycle ay pumasok agad ako sa loob ng apartment ni Rachel.hindi pa rin umaalis sa may pintuan si kapitan kaya hindi ako makadaan "baka naman gusto mo akong papasukin sa loob"?tanong ko. tumabi naman sya at pinapasok ako sa loob ng apartment ni Rachel ngunit para akong magnanakaw na hindi nya nilulubayan ng tingin. "S-si Rachel"?utal na taning ko. Wala pa rin itong kibo ni hindi nagsasalita dumukot ito sa bulsa para kunin ang kanyang phone at may tinawagan. "Bumaba ka nga rito may naghahanap sayo".saad nito. Nanghihina na ang pakiramdam ko sa pagod at sa gutom at medyo nanlalabo na rin ang paningin ko.kailangan kong makaligo bago pa ako tuluyang mawalan ng malay,dahil pakiramdam ko talaga anytime tutumba na ako. Ng mamataan ko si Rachel sa toktok ng hagdan subrang nanghihina na ako at babagsak na talaga at wala na akong nakita pa. Nagising ako sa boses na parang nag aaway pag mulat ko ng mata nakita kong nasa may pintuan ang magkapatid nag aaway nga sina kapitan at Rachel. "Pag may nangyaring masama sa kanya kuya kasalanan mo".saad ni Rachel. "Hindi nga natin sya pwedeng dalhin sa hospital ng basta basta na lang,dahil pakiramdam ko nasa panganib sya.turan naman ni kapitan. "Talagang manganganib sya kuya pag hindi pa natin sya napatingnan sa doctor".galit na sigaw ni Rachel. "Pagod at gutom lang yan maya maya lang gigising na yan".saad ni kapitan. Sa pagbabangayan ng magkapatid hindi na nila napansin na nakaupo na ako sa sa mahabang sopa.kung saan ako nagising na nakahiga. "Ikaw na ang magbantay sa kanya kuya ako na lang ang bibili ng mga gamot na gagamitin ni Dani mamaya,natatakot na ako eh baka hindi na sya magising".ani Rachel na subrang nag aalala. "Okay bilisan mo lang para pag nagising makainom kaagad ng gamot yan".sagot naman ni kapitan. "hindi na kailangan,matutuluyan lang at pagkain ang kailangan ko, okay lang ako".saad ko na ikinagulat nilang dalawa. "Hey!!! you're awake saad ni Rachel. "Sa tingin mo magsasalita ako kung tulog pa"pang aasar ko. "Okay ka na nga,dahil pilisopa ka ng kausap".saad ni Rachel. "Baka naman gusto mo akong pakainin Rachel,kung gusto mo lang naman,kung ayaw mo ayos lang din balewala sa akin ang isang linggong walang kain.pang iinis ko pa kay Rachel. "Grabe ka nanghihina ka na at lahat amazona pa rin talaga ang asta mo,ibang klase ka rin talaga".saad pa ni Rachel. "Kilos na dami pang satsat eh".saad ko. Nagdadabog si Rachel papuntang kusina para ipaghanda akong pagkain.si kapitan naman nakatayo lang malapit sa akin at umiiling iling lang. " Kailan pa kayo naging malapit ni Rachel"? biglang tanong ni kapitan. "Ngayon lang bakit".nanghihinang sagot ko. "Mahirap kaibiganin ang kapatid kong iyon kaya imposibling ngayon lang kayo naging malapit. "Mahirap naman talaga makipag kaibigan sa abnoy mahaba lang talaga ang pasinsya ko'".saad ko. Natawa ito sa mga pinagsasabi ko pero ramdam ko na nakikiramdam din sya sa mga kinikilos at pinagsasabi.hindi ko na lang pinansin dahil nanghihina pa talaga ako. Hindi nagtagal ay dumting si Rachel dala ang pagkain na inihanda para sa akin. "Ang bilis ah,masarap ba yan"? asar ko kay Rachel. " Pwede ng pagtyagaan ng mga kagaya mong may saltik,hindi mo pa nga natitikman nilalait mo na,napaka mo"asar na sagot nito. "Sshhhh,......wag kang maingay kakain ako",saway ko kay Rachel. Kaya nanahimik ito at umupo sa tabi ko ramdam kong pinagmamasdan nya ang bawat kilos ko. " How's the food". tanong nito na nakangiti. "Walang lasa"sagot ko na hindi sya tinitingnan. "Walang lasa pala,pero bakit sunod sunod ang subo mo,parang wala ng bukas kung kumain walang lasa".saad nito na inis na inis na. "Eh sino ba ang gutom?ako di ba".saad ko. Nanahimik na ito sa tabi ko habang kumakain ako,kaya minadali ko na rin ang pagkain dahil gusto ko ng maligo.tumayo agad si Rachel ng makitang tapos na ako kumain. "ililigpit ko na po kamahalan ang pinagkainan mo ha,kasi mukhang kailangan mo ng maligo nangangalingasaw na kasi ang amoy mo sa buong bahay ko".saad ni Rachel. Natawa na lang ako at nanahimik na baka palayasin pa ako ng abnoy na ito,pagbalik ni Rachel galing sa kusina nakangiti ito na parang nanalo sa lotto,ngiting may binabalak na hindi maganda. "Dani pasinsya ka na ha pero ayaw ko kasi ng room mate at hindi rin ako nagpapahiram ng kahit na anung gamit ko,pero pwede ka naman mag stay dito sa kwarto ni kuya ronie"saad ni Rachel na mapang asar. Hindi na ako nagsalita pa at tinitigan ko lang sya ng masama.akala ko bibigay sa masama kong tingin pero hindi. " ok,pahiram na lang ng phone last favor please".saad sa seryosong boses at mukha. "Umakyat kana sweet heart inihanda ko na ang panligo mo"saad ni kapitan na kabababa lang galing sa itaas. "Pahiram ng phone please"saad ko ulit Akmang iaabot na ni kapitan ang kanyang cellphone ng pigila ito ni Rachel. "Okay fine doon kana sa kwarto ko at pahihiramin na kita ng damit ko"!sigaw ni abony. "Cellphone lang ang gusto kong hiramin Rachel yun lang", seryosong turan ko. Inabot nito sa akin ang phone nya na napipilitan kaya hindi ko kinuha mas pinili kong gamitin ang cellphone ni kapitan kaya nagdadabog na naglakad ito paakayat ng hagdan. " Ihahanda ko lang ang bihisan mo".saad nito. "Hindi na kailangan Rachel,wag kana mag abala pa."saad ko na nagpatigil kay Rachel sa pag akyat sa hagdan. "Dito ka mag stay di ba"saad ni Rachel. Hindi ko na sya pinansin pa dahil kausap ko na si Cedric sa phone ni kapitan. "Hunter monster" saad ko ng sagutin ni Cedric ang phone nya. " Location"?tanong nito sa nag aalalang boses. " Apartment ni Rachel,ikaw lang wala kang pagsasabihan."turan ko at pinatay ko na ang phone.binura ko muna ang number ni Cedric bago binalik kay kapitan ang kanyang cellphone. Nakangiti akong humarap kay Rachel at kay kapitan. " Salamat sa inyo sa pagpapatuloy nyo sa akin wala lang talaga akong mapuntahan kaya kapalmuks akong pumarito,salamat sa pagkain Rachel,makakabayad din ako ng utang na loob ko sayo. "No,you can stay here,papahiramin kita ng mga gamit ko."nag aalalang saad ni Rachel. "okay, salamat sayo Rachel "saad ko. Ng tumunog ang doorbell ay agad na binuksan ni kapitan ang pinto at tumambad ang nag aalalang mukha ni Cedric.na basta na lang ito pumasok at niyakap ako.nagulat kami ng bigla syang hablutin ni kapitan at ibalya sa may pintuan. "Sinu ang may sabi sayong pumasok ka at biglang mangyayakap"? Inis na sigaw ni kapitan. "At sinu ka rin sa tingin mo"ganting sigaw ni Cedric. "Tama na please"saway ko "Let's go Dani"inis na saad ni Cedric. "No!hindi ka aalis sweet heart,Rachel samahan mo muna si Dani sa itaas "ani kapitan. "Hindi na kailangan kapitan mag u...." "Hindi ka aalis mrs.perante!"galit na putol ni kapitan sa sinasabi ko, na nakapag pakunot ng noo ni Cedric. "Mrs.perante"pag uulit ni Cedric. "Tama na pwede, let's talk Cedric".saad ko sabay tayo para kausapin si Cedric sa labas ng bahay. "Try me mrs.perante" pagbabanta sa akin ni kapitan. "Ubos na ang takot sa katawan ko kapitan,wala ng kwenta kahit yanigin mo pa ang mundo".baliw na saad ko. Nakangisi ako habang nakatingin kay kapitan na masama din ang tingin sa akin.kung nakamamatay lang ang tingin siguro double dead na ako "Cedric pahingi nga akong isang libo".baling ko kay Cedric. hindi na nagtanong pa si Cedric basta binigyan ako ng isang libo.ng humarap ako kay kapitan masama pa rin ang tingin nito sa akin. "Alam kong balewala sayo yung hiningi kong 500 kanina,kaya lang may kasabihan kasi akong sinusunod na kung marunong kang mangutang dapat marunong ka rin magbayad ng interest. "salamat sayo kapitan,bayad ko yan with interest".saad ko sabay lagay ng pera sa kamay nya. kinuha naman nya ang pera kaya napangiti ako,at bago pa sya magsalita ng kung anu anu ay hinila ko na si Cedric palabas ng apartment ni Rachel para kausapin "Cedric dito muna ako mag stay ha kailangan ko lang ng sapat na pahinga at tamang pagpaplano".saad ko "Sa safe house ayaw mo".tanong nito. "dito na lang Cedric gusto ko muna ng katahimikan habang nagpapahinga.sagot ko. Hindi na umangal pa si Cedric sinigurado nya lang na maayos ako bago sya umalis "Kailangan ko lang ng baril,mga bala, cellphone,at motor bukas ng gabi dalhin mo dito.bilin ko kay Cedric bago ito umalis.walang tanong at walang pagdadalawang isip na pumayag siya.sa tingin ko alam na nyang may trahedor sa grupo dahil kung hindi siguradong magtatanong sya bago nya ibigay ang mga hinihingi ko.isang bagay na pareho kami, talas ng pakiramdam at kung paano mag usap sa pamamagitan lamang ng tinginan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD