chapter 9

1461 Words
Papunta sa mission sakay ng aking Ducati, at pinanindigan talaga ni Cedric na ako ang partner nya kaya sya ang nagdadrive ng motor ko at nakaangkas ako sa kanya. Medyo malayo pa sa location at sa tagong lugar kami nagpark ng aming mga sasakyan.naghanda na kami para hulihin si coronel santos.dalawang pistol ang nasa beywang ko may dalawang special knives na nakagay sa boots ko incase of emergency ay handa ako. "Dani isuot mo to".saad ni Cedric sa hawak na bulletproof. "B-bakit"?nauutal na tanung ko. "Basta isuot mo na".pagpipilit ni Cedric. "Wala ka na talagang tiwala sa akin Cedric,tatanga tanga na rin ba ang tingin mo sa akin"? asar na tanung ko. "Dani isuot mo na lang please nasa mission na tayo wag na matigas ang ulo".inis din na saad ni Cedric. Hindi na ako nakipagtalo pa at sinunod ko na lang ang gusto ni Cedric para matapos na ang bangayan namin.nakakaramdam ako ng iba sa taong ito,hindi ko pa matukoy kong anu pero ayoko munang isipin. Nasa location na kami at nakamanman sa kilos ng naparaming tauhan ni coronel Santos ito ang tinatago nyang private army na ginagamit sa mga ilegal na gawain katulad na lamang sa pagkidnap nila sa Chinese business man na dinala pa sa mindanao para ipatubos sa gobyerno.gamit ang binocular telescope mula sa kinaroroonan ko nakita ko ang isang lalaki na nagpakabog ng dibdib ko.At nakita ko rin kung paano nya sakalin ang isang babae"anu ang connection niya kay coronel Santos"tanung ko sa aking isip. Ngunit hindi ko talaga maisip kung paano at bakit sya nandito sa lugar ni coronel Santos,isa ba sya private army na nadito.mga tanung na hindi ko kayang sagutin. "Cedric alam kung may mabigat kang dahilan kung bakit pilit mo akong tinatanggal sa mission na ito.mas mabuti sigurong sabihin mo na bago ko pa matuklasan".saad ko habang nananatiling nakasilip sa binocular telescope na hawak ko. "Dani alam mo ang protocol na pag nasa mission focus sa mission,wag mong hahaluan ng kung anu anu FOCUS".madiing turan ni Cedric. Walang kibo na nagsuot ako ng bonet para matakpan ang mukha ko.nagbigay na ng signal ang dalawa pa naming kasama na nakaposition na sila.sumugod na nga kami at hanggat maaari ay walang ingay. Malaya kaming Nakapasok sa loob ng abadunadong planta at walang nakapansin sa amin. Kung titingnan ang lugar isa itong abadunadong planta pero sa loob nito hanep latest sa gamit at high tech. Dito sa liblib na Lugar ng Laguna sa dulong bahagi pa ng banana plantation ng villa Socorro farm matatagpuan ang abandunadong planta. Nagkahiwalay kami ni Cedric dahil nakita ko ulit ang lalaking nasilip ko sa binocular telescope kanina kaya palihim ko syang sinundan pumasok ito sa isang kwarto nakasunod lamang ako ng akmang liliko na ako sa isang pasilyo para sana sundan pa ito ng may malamig na bagay ang nasa batok ko. "Isang maling galaw mo lang matutudas ka".saad ng tao sa likuran ko. "Peste"!mura ko sa isip. Ngunit bago pa ako makaporma ay may tumama ng matigas na bagay sa batok ko dahilan para mawalan akong malay. *************Cedric************* "Dani! Sumagot ka Dani!s**t!sabi ng wag lalayo"!.inis na turan ko Ito ang pinaka ayaw ko lalo na sangkot ang kapatid ni Dani sa iskalawag na pinamumunuan ni coronel Santos at iba pang mga politiko. "Sir Cedric nakita na si ma'am ng kapatid nya". narinig kong saad ni Patrick sa maliit na device sa aking tainga. "Location Patrick"tanong ko. "Lower ground sir torture room"sagot ni Patrick. "Gin location mo?"kausap ko kay gin sa device. "Sinusundan ko si sir Lito duguan syang lumabas galing sya ng torture room sir Cedric".turan nitong nagpakaba ng tudo sa akin. "Gin, Patrick kailangan natin mailigtas si Dani bago pa sya makita ni coronel Santos".saad ko. "Copy sir".sabay na sagot nina Patrick at gin. Hindi ako nag aksaya ng oras kahit may kaba pero kailangan namin mailigtas si Dani. "Patrick manatili ka sa ligtas na lugar para maiguide mo kami ng maayos, copy"? Tanong ko. "Copy sir".sagot ni Patrick. "Okay let's move gin mag iingat ka".saad ko. "Ikaw rin sir ingat".saad ni gin. Hindi ako nag aksaya ng oras tinahak ko agad ang kinaroroonan ni dani.ayun sa instructions ni Patrick.narating ko lower ground na kinaroroonan ni Dani ngunit walang bakas akong nakita na nanggaling dito si Dani ang linis ng lugar at wala man lang mapapansin na may nanggaling na tao rito.lalo akong kinabahan dahil hindi rin matrace ang location ni Dani. Nagbaka sakali ako sa ibang direction para mahanap si Dani ng biglang bumukas ang pintuan sa harapan ko sa gulat ko hindi ako nakapagtago kaagad kaya nagkatinginan kami ng lalaking palabas sa pintuan.nakasuot din ito ng bonet katulad ng suot ko kaya hindi ko makita ang mukha nito. "Password buddy"saad nito. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung anong password ang sasabihin ko. "Buddy kailangan pa ba"?tanong ko. "Sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng sulok nitong hideout kailangan ang password buddy".saad ng lalaki. "Sir cedric si coronel santos papasok na"dinig kong saad ni patrick sa device na nasa tainga ko. Napansin kong bubunot ng baril ang lalaking kaharap ko kaya sa mabilisang kilos ko ay pinatulog ko muna sya para makakilos ako ng malaya. Nagbigay ako ng go signal sa mga naka stanby na NBI para sa paghuli kay coronel. "Move! Sigaw ko gamit ang maliit na device. "Sir cedric kailangan makalabas ka jan within 5 minutes maraming nakatanim na bomba malapit sa location mo anytime sasabog ang lugar".saad ni patrick. Lakad takbo ako palabas ng mamataan ko si coronel santos na papatakas.ngunit bago pa sya makasakay ng kanyang kotse ay agad ko ng binaril ang gulong nito. "At sa tingin mo makakatakas ka pa coronel santos".saad ko sa mapang uyam na too. Ngumisi lang ito ngunit nangunot din ang noo ng makitang may mga nbi ng papalapit sa kinaroroonan namin. Tumingin lamang ito sa akin at itinaas na ang dalawang kamay. "Araw mo ngayon kaya pagbibigyan kita"saad ni coronel santos. "Araw mo coronel dahil sa dami ng kasong kakaharapin mo ewan ko na lang kung magkita pa tayo".nakangisi kong saad kay coronel.hindi na ito pumalag ng pusasan ng mga NBI agent. " kailangan makalabas kayo agad baka sumabog itong planta".saad ko sa mga NBI. hindi mawala si Dani sa isip ko kaya bumalik ako ulit sa loob ng planta.marami pa rin mga NBI ang nasa loob.nakakapagtaka lang dahil kanina napakaraming tauhan ni coronel pero ngayon iilan na lang at lahat hindi nanlaban. "hindi kaya set up ito pero imposible dahil si general Alano lang ang nakakaalam ng mission na ito"saad ko isipan. sa pag iisip ko nakarating ako sa isang silid na maraming computer at nakita ko sa monitor si Dani na pasan pasan ng isang lalaki at isinakay sa isang kotse. kaya nagmadali akong lumabas ng planta para puntahan si Patrick ngunit bago pa ako makalapit ay nakita kong kausap nito ang kapatid ni dani at nagmamadaling umalis. kasabay ng sunod sunod na pagsabog ng planta.hindi ako nagpahalata kay Patrick na nakita ko silang magkausap ni kuya Lito. "kailangan na natin umalis dito Patrick"saad ko kasabay ng pagsabog ng buong planta. sabay kaming napadapa sa damuhan dahil sa lakas ng impact ng pagsabog parang niyanig ang buong sestema ko.hindi ako nakagalaw sa pagkakadapa ko.naisip ko kong si Patrick ang trahedor sa grupo ko mapapatay ko ito ng wala sa panahon.lalo at nasa panganib si Dani dahil sa pagtataksil nito sa grupo. Ilang araw na ang lumipas mula ng maaresto si coronel santos maayos ang naging pag aresto walang nangyaring barilan pero si Dani hindi pa namin nakikita. walang bakas kung saan si Dani dinala ng mga taong kumuha sa kanya.at nag aalala na ako lalo at tawag ng tawag si Alvin at kinukumusta si Dani.pati si tatang natatanong na rin sa akin at wala akong maisagot. palihim kung inimbistigahan si kuya Lito at sinusundan ko rin kahit saan ito pumunta,bagay na hindi ko ipinaalam sa grupo ko tanging si general Alano at ako lang ang may alam. ngunit wala akong napala sa pagsusubaybay ko kay kuya Lito. kaya bumaling ako kay Patrick para ito naman ang subaybayan ko.kaya ng magpaalam ito na may emergency sa pamilya nya ay pinayagan ko kaagad.kaya malaya kong hinaloghog ang mga gamit nya at nagtaka ako sa apat na mga DNA paternity test results pero walang mga pangalan tanging A1 at A2,A1 at A3,B1 at A2,B1 at A3. "mukhang nasa tamang linya na ang pag iimbistiga ko"saad ko sa isip. maingat kong inayos at ibinalik ang mga gamit ni Patrick at pagkatapos ay naupo ako at nag iisip sa gagawin ko.isa sa naisip ko ang sundan si Patrick sa kanila. matyaga akong naghihintay sa hindi kalayuan ng bahay ng pamilya ni Patrick ngunit walang Patrick ang lumabas ng bahay nila.at parang wala namang nangyaring emergency.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD