Chapter 4

1639 Words
five years ago.. ***Irene POV*** MAIINGAY ang mga kaibigan at classmate ko na rin habang papalabas kami ng campus. Tinutukso nila ako dahil sa mga hawak kong mga red roses na ang iba ay gawa sa plastic at ang iba naman ay tunay. Nasa mahigit sampu ito at bigay ng mga classmate naming lalaki at mga schoolmate. Bukod sa mga bulaklak ay may mga chocolate din akong hawak. Valentines Day kasi ngayong araw. "Sanaol may pa-flowers at chocolate," tukso ni Cherrie Ann. "The perks of being maganda talaga ay sikat at ligawin sa campus," dagdag tukso pa ni Wena. Ngumuso ako. "Hindi ako sikat at ligawin, no," tanggi ko naman. "Kung hindi, e ano yang mga yan? Sa lahat ng estudyante dito ikaw ang pinakara-maraming bulaklak at chocolate na natanggap," wika ni Pao—ang bading kong kaibigan. "Oo na, sige na. Para hindi kayo mainggit bibigyan ko na lang kayo ng tig-iisang bulaklak at chocolate," natatawang sabi ko at binigyan sila ng tig iisang plastic na rose at chocolate. Tuwang tuwa naman sila na agad nang kinain ang chocolate. Nire-rate pa nga nila ito ng 1 to 10 kaya lalo kaming nagtawanan. Paglabas ng gate ay agad ko nang nakita si tatay na nakasakay sa motor at naghihintay sa akin. "Nandiyan na si tatay. Mauna na ako sa inyo," paalam ko sa kanila. "Sige, beh. Kita-kits na lang tayo sa lunes," turan ni Cherrie Ann. Iniwan ko na sila at lumapit kay tatay sabay mano. "Saan galing yang mga bulaklak at chocolate?" kunot noong tanong ni tatay at tumingin sa mga hawak kong bulaklak at chocolate. "Sa mga classmates at schoolmates ko po, tay. Mas marami po ito kanina, binigay ko lang kanila Cherrie Ann ang iba." "Mga lalaking classmates at schoolmates ba ang nagbigay sayo ng mga iyan?" "Opo, tay." Nagsalubong ang kilay ni tatay. "At bakit ka nila binibigyan ng mga yan? Nanliligaw ba sila sayo? Mukhang nakakalimutan mo na yata ang bilin ko. Desi-siete ka pa lang, Irene. Pwede ka lang magpaligaw pagtapos ka na ng college." Ngumiwi ako at kumamot sa pisngi. "Tay, alam ko po nakakalimutan ang bilin nyo. Hindi ko po mga manliligaw ang nagbigay nito sa akin. Valentines Day po ngayon kaya maraming nagbibigay ng bulaklak at chocolate sa school." Natigilan si tatay. "Valentines Day ba ngayon?" "Opo. February 14 po ngayon." Saglit na hindi nagsalita si tatay at parang nag iisip. Mayamaya ay napakamot sya sa ulo. "Oo nga pala, February 14 ngayon. Pero sigurado kang hindi nanliligaw sayo ang mga nagbigay nyan, ha." "Opo, tay." "Pero siguradong may gusto sila sayo. Ang lalaki ay hindi basta-basta nagbibigay ng bulaklak sa isang babae ng walang ibig sabihin." Napanguso ako sa sinabi ni tatay. Totoo ang sinabi nya. Ang mga nagbigay sa akin ng mga bulaklak ay nag-confess din na crush nila ako. "Basta ang usapan bawal ka munang magpaligaw." "Opo, tay." "Sige na, sumakay ka na," ani tatay at binuhay na ang makina ng motor. Humawak ako sa balikat nya at sumakay na sa likuran. Kinawayan ko ang mga kaibigan kong naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Makalipas ang 20 minutes ay nakapasok na kami sa lupain ni Ka Serbio—ang amo ni tatay. Tinanguan pa kami ng mga tauhan na nagbabantay sa gate. Kung jeep ang sasakyan ko ay mahigit 30 minutes ang byahe patungo rito. Bababa ako sa kanto at 15 minutes naman ang lakaran papasok dito. May pagkakataon kasi na hindi ako nasusundo ni tatay kapag busy sya. Medyo liblib na rin kasi ang lugar na ito na nasa kaduluhan na ng probinsya at nasa paanan pa ng bundok. May ilan namang kabahayan na ang mga nakatira ay nagta-trabaho sa banana plantation na pag aari ni Ka Serbio. Pagpasok namin sa malaking gate ay tinanguan kami ng mga tauhan na nakabantay doon. Gumanti rin si tatay ng pagtango at nilampasan na sila. Dinaanan namin ni tatay ang malaking bahay ni Ka Serbio. Dalawang palapag ito na konkreto. Lumang disensyo ng bahay iyon na parang noong unang panahon. Pero matibay ito at maganda ang loob. Si tatay ang nangangalaga ng bahay na ito kaya malaya rin akong naglalabas pasok dito. Pero hindi madalas namamalagi sa bahay na ito sa Ka Serbio. Isang beses lang sa isang linggo ito pumupunta o kaya minsan ay dalawang beses. Ang sabi ni tatay ay may ibang bahay pa raw ito. Pero sa bahay na ito rin namamalagi ang mga tauhan na bantay ng lupain. Maraming tauhan ito na nasa sampu. Pero mas marami pa ito kapag narito si Ka Serbio. Nilampasan na namin ni tatay ang malaking bahay at tinunton ang aming bahay na nasa likurang parte lang nito. Maliit na bahay lang iyon na yari sa konkreto at kahoy. Dalawa ang kwarto nito na ang isa ay sa akin at ang isa naman ay kay tatay. Pero kahit maliit ang aming bahay ay malinis naman ito. "Irene, magsaing ka na pagkatapos magbihis. Papakainin ko lang ang mga alaga nating manok," utos sa akin ni tatay pagbaba ko ng motor. "Opo, tay." Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto para magbihis. May mga alaga kaming native na manok at mga itik sa likurang bahay. Binebenta namin ito sa bayan at pinagkukunan din namin ng ulam. May mga tanim din kaming mga gulay na para lang din sa amin. Pero minsan ay humihingi ang mga trabahador. "Tay, ang bait po ni Ka Serbio, no," untag ko kay tatay habang naghihimay ako ng malunggay. Napatigil naman si tatay sa pagtataga ng kinatay nyang native na manok at kunot ang noong tumingin sa akin. "Bakit mo naman nasabi na mabait si Ka Serbio?" "E kasi po hinahayaan nya tayong mag alaga ng mga manok at itik dito sa lupain nya. Yong kaibigan ko nga po na si Wena, caretaker din po ang pamilya nila sa kabilang baranggay, pero mahigpit ang may ari ng lupang tinitirhan nila. Bawal silang mag alaga ng mga hayop dahil mabaho daw." Ngumisi si tatay at tinuloy na ang pagtataga ng manok. "Nakikinabang din naman ang ibang nga tauhan ni Ka Serbio sa mga alaga natin at mga tanim." "Mabait po talaga si Ka Serbio, tay. Di ba nga po kapag pasko malaki ang bininigay nya sa akin. Noong grade school po ako laging 1000 ang bigay nya. Tapos ngayong senior high na ako naging 5000. Big-time po talaga si Ka Serbio. Ang bait pa!" "Mabait naman talaga si Ka Serbio. Basta mabait ka rin sa kanya at masipag ka sa trabaho." "Tama po kayo riyan, tay," pag sang-ayon ko. "Gaston." Sabay kaming napalingon ni tatay sa pinto nang may tumawag sa kanya. Naroon sa labas ng b****a ng pinto si Mang Rupeng na pinagkakatiwalaang tauhan at kanang kamay dito ni Ka Serbio. Nasa likuran nya ang tatlo pang mga tauhan na mga naninigarilyo. Binitiwan ni tatay ang kutsilyo at nilapitan si Mang Rupeng. Lumabas sila at naglakad sa labas ng bakuran ng bahay habang nag uusap ng tahimik. Tinuloy ko naman ang paghihimay ng mga malunggay habang patingin-tingin sa kanila. Pero naagaw ng pansin ko ang nakabukol sa tagiliran ni Mang Rupeng pati na ang kasama nyang dalawang tauhan. Kahit natatakpan iyon ng suot nilang damit ay alam kong baril iyon. Lahat naman silang mga tauhan ay may baril. Minsan pa nga ay mahahabang baril ang nakikita kong hawak nila. Mababait naman ang mga tauhan ni Ka Serbio. Minsan ay kainuman pa nila si tatay. Pero si Mang Rupeng ay medyo bossy at arogante. Naninigaw sya ng mga tauhan at trabahante. Si tatay lang ang hindi nya nagagawang sigawan. Siguro nangingilag sya rito dahil mas malaki ito sa kanya. Naalala ko sa kwento noon ni nanay na dati raw sundalo si tatay pero umalis sa tungkulin nang mag-tanan silang dalawa. Makaraan ang ilang minuto ay bumalik na si tatay sa loob ng bahay at umalis na sila Mang Rupeng. Tinuloy na ni tatay ang pagtadtad ng manok. "Tay, ano pong kailangan ni Mang Rupeng? May inuutos po sya sa inyo?" "May pinapalinis lang sa akin sa casa." Casa ang tawag sa malaking bahay ni Ka Serbio. "Kelan po kayo maglilinis?" "Bukas." "Tutulungan ko po kayo, tay." "Wala ka bang pasok bukas?" "Wala po." "Ako na ang bahala sa pinapalinis ni Rupeng. Linisin mo na lang itong bahay." "Opo." Hindi na ako nagpumilit na tumulong. Kapag sinabi kasi ni tatay na hindi—hindi. . . "MANDA, nalinis mo na ba nang maayos ang kwarto ni Ka Serbio?" Napatingin ako sa itaas ng hagdan nang marinig ang boses ni tatay. Pababa na sya ng hagdan kasunod ang cleaner na si Aling Manda. "Oo, Gaston. Na-vacuum ko na ang carpet at pinalitan ang bed cover at mga punda." "Mabuti. Mamaya ay darating si Ka Serbio." Pinatay ko na ang cellphone at nilagay sa sling bag. Aalis kami ngayon ni tatay papuntang bayan para magsimba. Dumaan lang kami rito sa casa para tingnan kung tapos na sa paglilinis ng mga kwarto si Aling Manda. "Bihis na bihis kayong mag ama. Saan kayo pupunta?" tanong ni Aling Manda. "Mag sisimba po kami ni tatay, Aling Manda," sagot ko. "Tuwing sabado na ng gabi kayo nagsisimba?" "Hindi kami makakapag-simba bukas dahil narito si Ka Serbio. Tiyak na may iuutos sa akin iyon," wika ni tatay. "Oo nga pala." "Sige na, umuwi ka na. Tatawagin na lang kita bukas kapag kailangan ko ang tulong mo rito sa casa." "Sige. Tawagin mo na lang ako. Ako'y uuwi na dahil magluluto pa ng hapunan." Sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng malaking bahay. Pero natigilan kami nang makita ang tatlong malalaking sasakyan na huminto sa harapan. Mabilis na bumaba ang mga tauhan palapit sa sasakyan na nasa gitna at nasa tapat ng main door. Binuksan nila ang pinto sa backset at bumaba si Ka Serbio na may pasak pa ng sigarilyo ang bibig. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD