PROLOGUE

490 Words
Mula sa ikalabindalawang palapag ng gusali ng Hope Mental Hospital makikita ang bulto ng isang babae. Nakatanaw ito sa senaryo sa ibaba habang sumasabay ang kanyang mahabang buhok sa bawat ihip ng hangin. Isang malademonyong ngiti ang kanyang pinakawalan. Ngiting magsasabi sa sinumang makakita sa kanya na labis siyang natutuwa sa kanyang nakikita. “Mga tanga,” natatawa niyang sabi. Tuluyan na syang natawa nang makita ang mga taong nagpapanic at ilang mga police officers sa ibaba. Tumawa siya nang tumawa na parang isang batang tuwang-tuwang naisahan ang kanyang mga kalaro. Sa bagay, para lang rin naman silang mga laruan para sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa. Hindi. Hindi ito isang simpleng laro para sa kanya. Mali. Hindi siya naglalaro. Ginagawa niya ito para sa kanila. Tama. Para sa kanila. “Mandy,” bulong ng isang boses sa kanyang isip. Kaboses iyon ng kanyang ina. “Mandy. Tama na.” Isang nakikiusap na boses ang sunod niyang narinig. Boses iyon ng kanyang ama. “Ate...diba masama ang pumatay?” tanong ng isang inosenteng tinig. Ang tinig ng nag-iisa niyang kapatid. Ilang segundo siyang saglit na natulala, saglit na naglaro sa kanyang isipan ang konsensya. Masama…masama. Tiyak na hindi nila gusto ang ginagawa niyang ‘to. “Ate…” Nanlaki ang mga mata ni Mandy sa nakikita. Ang kaninang inosenteng itsura ng kanyang kapatid sa kanyang isip ay unti-unting napapalitan ng duguan at naghihingalong imahe nito. Papalit-palit na imahe ng isang batang masayahin at isang batang unti-unting tinatakasan ng buhay ang nagpakita sa kanyang isipan. “Anak…Mandy…” “Ate…” “Tama lang ang ginagawa mo.” “Hindi, isa ‘yang malaking kasalanan.” “Magbabayad sila.” “Gusto mo bang mapunta sa impyerno?” “Sila ang may kasalanan ng lahat.” “Mandy.” “May dahilan ang ginagawa mong ‘to.” “Ate, tigilan mo na.” “Gawin mo na.” “Tama na!” sigaw niya nang hindi niya na makayanan ang sabay-sabay at nag-uunahang mga boses na kanyang naririnig sa kanyang isipan. “Tama na! Tama na…” Napaupo na siya sa malamig na sahig ng palapag habang tinatakpan ang magkabilang tenga ngunit hindi iyon sapat para patigilin ang mga bulong. Hindi iyon sapat upang patigilin ang patuloy na pagpapakita ng iba’t ibang mga imahe. Ilang minuto niyang pilit pinigilan ang mga boses at mga imahe. Nang sa wakas tumigil ang mga ito ay napatingin siya sa itaas kung saan masisilayan ang napakaliwanag na buwan sa gabing iyon. Isang tinging puno ng galit ang pinukol niya sa buwan dahil pinapaalala nito ang kinamumuhian niya. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao, sobrang higpit na halos bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad ngunit tila di niya ito nararamdaman. Saka niya sinabi ang mga salita sa boses na punong-puno ng hinanakit. “Pinapangako ko, hahanapin kita. At sa oras na mangyari ‘yon, hinding-hindi kita bubuhayin.” ***** THANK YOU FOR READING!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD