RED

1384 Words
Amanda’s POV “Na nana na nana na~” Nakangiti akong lumabas sa apartment na tinutuluyan ko at hinawakan ng mahigpit ang strap ng dala kong backpack. This is it! I'm super duper excited!   Tanging tunog lang ng takong ng sapatos ko (required kasi ang may takong na sapatos) ang narinig ko nang simulan kong maglakad. Medyo madilim pa ang paligid at malamang tulog pa ang ibang tao sa kapitbahay, though nakita ko si Mrs. Land lady na metikulosong nililinis ang bakuran niya.   “Good morning po!” bati ko nang mapadaan ako sa direksiyon niya.   "Oh Amanda hija, kay aga mo naman ata."   "Excited po eh." Nginitian ko siya at saka nagpaalam na para magpatuloy sa paglalakad.   Paglabas ng compound kung nasaan ang apartment ko ay may dalawang daan. Ang nasa kanan ko ay ang daan papunta sa school namin. Doon din ang daan papunta sa sentro ng lugar na 'to kung nasaan ang mall, amusement parks at iba pang mga establisyemento.   Sa kaliwa ko naman ay may dalawang mas maliliit pang daan. Yung pakaliwa ay sementado at may ilang kabahayan din pero yung sa kanan ay hindi ko alam kung anong meron. Masukal kasi ang banda doon at parang maliit na gubat ang nakapalibot sa daan na hindi rin sementado. Siguro papunta iyon sa bukid, bundok o ilog.   Nagtuloy na ako sa paglalakad. Hindi naman kalayuan ang apartment ko sa school kaya naman ilang minuto ay narating ko rin ito.   Tinanaw ko mula sa labas ng malaki at kulay gray na gate ng school. Apat na palapag ang puting building na nasa pinakagitna ng lugar at may mas maliliit pang mga building sa palibot nito.   Madaming tumatakbo sa isip ko pero isa lang ang masasabi ko. Ang ganda. Kumpara kasi sa dati kong pinapasukan ay sobrang lawak ng school na 'to.   Pagtapak ko sa loob ng school ay saka ko naramdaman ang bilis ng t***k ng puso ko. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naeexcite ako na ewan. Ganun siguro talaga pag bago ka sa isang lugar. Kakabahan ka pero maeexcite ka rin sa bagong environment. Huminga ako ng malalim bago tumuloy sa paglalakad. I hope everything goes well.   Masyado akong naexcite kanina kaya ang aga kong nagising. Bukas na ang school pero kaunti pa lang ang estudyante. Halos mabibilang lang sa kamay ang mga nakakasalubong ko.   Una akong pumunta sa cafeteria—na bago ko marating nagpaikot-ikot pa ako. Masyado kasi talagang malawak itong school at andami ring pasikot-sikot. Pero ayos lang naman at least nakapaglibot ako. Yung pinakamalaking building sa school ay yung nasa gitna. Nandoon yung mga classroom, laboratory, computer laboratory at iba pa.  Sa likod n'un ay ang comfort rooms. Sa kanan naman ng building ay ang administrative building kung saan ang principal at teachers' office. Katabi ng office ay ang library at registrar. Sa kaliwa naman ng pinakamalaking building ay ang canteen at cafeteria.   May mga estudyante na rin sa cafeteria pagdating ko doon, siguro hindi pa nagbreakfast 'tong mga 'to at dito sila kakain. Naisip kong mag stay na muna dito dahil sigurado akong kaunti pa lang rin o wala pang tao sa classroom ko at saka para na rin uminom ng kape. Actually, nagkape na ako kanina pero parang gusto ko pa ng isa—o dalawa.   Kinuha ko ang isang novel book mula sa bag ko at nagsimulang magbasa habang umiinom ng kape.   “Excuse me, may nakita po ba kayong panyo, nahulog ko kasi ata yung panyo ko dito kanina.” Napatingin ako sa lalaking naglakad papuntang counter at nagtanong sa waitress. Napakacareless naman nito.   “Sorry, wala eh. Maghanap ka na lang diyan sa mga table baka nahulog mo diyan.”   “Ganun po ba?” Nagkamot ng ulo yung lalaki. “Sige po, salamat,” paalam nito at saka naglakad paalis ng counter.   Teka, ano yun? Parang may nakita ako. Medyo nag-squint ako ng mata para maaninag ko ng mabuti yun pero tumalikod na siya para maghanap sa mga table. Sinundan ko ng tingin yung lalaki para mas makita iyon at nung malapit na siya sa table ko, bahagya siyang yumuko para makita yung nasa ilalim. Sa pagkayuko niyang ‘yon, may nalaglag mula sa bulsa ng polo niya. Nung mapansin niya yun ay parang nagulat naman siya saka pinulot yun. BINGO! Yun pala yung nakita ko kanina.   ”Andito lang pala,” narinig kong binulong niya sa sarili saka umalis na. Ano ba yan nasa bulsa niya lang pala. Di ko na siya pinansin at nagtuloy sa binabasa ko.   “Hey girl! Ang swerte nung section A. Kyaaahh!” Napatingin naman ako ngayon sa babae sa katabi kong table. Nakamake-up siya at red na red ang lips, kulay pink naman ang kuko niya. Mag-isa niya lang at may katawag siya sa mukhang mamahaling phone niya.   “I know right! Kanina ko lang nakita ang list ng names nila and girl! Both Harry and Russet ang nasa Section A. Super swerte ng A girls. I am so inggit.” Napabuntong hininga na lang ako dahil sa lakas ng boses niya. Hindi tuloy ako makapagbasang maayos.   “Ate isa pong espresso saka dalawang pancake.”   “Ate ako din po ganun.” Napasimangot na lang ako nung medyo dumami na ang tao at umingay sa cafeteria.   Tumayo na ako matapos ubusin ang inorder kong kape at naglakad patungong library. Siguradong doon tahimik. Di na ako naligaw kasi nadaanan ko na ang library kanina. Tinignan ko ang suot kong relo. Meron pa akong 30 minutes bago magsimula ang klase.   Malaki ang library nila—di hamak na mas malaki kesa sa library ng dati kong school. Bumungad sa akin ang isang maliit na babaeng nakasalamin at nakayuko sa lamesa niya.   "Good morning maam." Nagsulat ako sa logbook ng librarian dumiretso sa bookshelves. Tutal nandito na rin ako, manghihiram na rin ako ng libro. Nasa magkahiwalay na upuan ang dadalawang tao na nasa loob ng library—bukod sa akin at sa librarian kaya sobrang tahimik. Lumakad ako papunta sa isang aisle ng bookshelves. Tahimik rin dito at walang tao     -or not.     Meron pala. Sa kabilang dulo ng pinuntahan kong aisle, may lalaki. Siguro mga kaedad ko lang. Nakabulsa ang dalawang kamay niya at tinitignan niya yung mga libro sa harapan niya.   ‘Yong buhok niya ang agad kong napansin. Pulang-pula‘yon. Napaisip tuloy ako kung natural ‘yon o pinakulay? Pero pinakulay man o hindi okay lang kasi . . .   Kasi. . . Ang gwapo!!!   Side profile niya lang pero halata nang gwapo. Tlagang bumabagay sa kanya ang pula niyang buhok. Pointed nose, sharp jawline tapos—   Halos mapatalon ako sa gulat nung bigla siyang lumingon sa direksiyon ko. At tama ako! Gwapo nga! No exaggeration pero jaw dropping ang visuals niya kahit pa walang reaksiyon ang mukha niya. Ang pula ng lips niya. Naiinggit tuloy ako. Yung akin kasi pinkish kaya kung ikukumpara mo sa kanya, maputla yung akin. Nakasuot siya ng black pants at black shirt which perfectly contrasted sa puti niya. Nahighlight din yung pula niyang buhok sa suot niya. DROP. DEAD. GORGEOUS.   Pero ang pinaka nakakuha ng atensiyon ko ay yung mga mata niya.   Those eyes . . .   Para akong hinihigop ng mga mata niya. They're too beautiful, very much like him. Pero may isang bagay akong di maipaliwanag. Something strange. May kung ano sa kanya at sa mga mata niya na di ko maexplain ang feeling. There's something about him and his eyes that makes me uneasy.   He looks beautiful and almost angelic . . .     . . . but his eyes tell otherwise.     Natauhan na lang ako nang magsimula siyang humakbang papunta sa direksiyon ko hawak ang isang libro at saka tiningnan ang relo niya sa kaliwang kamay. Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na naghahanap ng libro sa katabi kong shelf. Halos hindi ako huminga nung dumaan siya sa likod ko. Nakahinga na lang ako nang maluwag nung narinig kong nawala yung mga yabag ng sapatos niya.   Wait! Speaking of relo, may klase pa nga pala ako!   Kumuha ako ng dalawang libro at dinala na sa librarian. Paglabas ng library, otomatiko ko siyang hinanap pero wala na siya roon. Napabuntong hininga na lang ako habang nakangiti. Estudyante kaya siya rito? I wonder what his name is. **** THANK YOU FOR READING!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD