SERIAL

754 Words
Someone's POV   Gumawa ako ng ritmo gamit ang kamao habang mahinang kumakatok sa katabi kong pader. Matiyaga akong naghintay na dumaan ang lalaking iyon sa kinatatayuan ko ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya dumadaan dito. Tuloy ay napataas ako ng kilay. Hindi kaya mali ang nakuha kong impormasyon na dito siya dumadaan?   Agad na umangat ang tingin ko nang marinig ang isang sipol. Mula sa madilim na kinatatayuan ko ay natanaw ko ang lalaki na naglalakad. Napangisi ako dahil doon at maingat na naglakad pasunod sa kanya.   Hindi ko maitago ang ngiti ko habang sinusundan ang lalaking walang kaalam-alam sa kahihinatnan niya maya-maya lang. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at mas lalo akong napangiti nang lumiko na siya patungo sa shortcut na nasa masukal na parte ng paaralan. Hindi ko na siya kailangang imanipula para mapunta doon dahil kusa niya na itong tinungo-ang lugar kung saan siya mamamatay.   Mahina akong tumawa. Hindi ko mapigilan ang excitement sa gagawin ko. Hindi ko mapigilang manabik na makitang naliligo sa sarili niyang dugo ang gagong 'yon. Nangangati na ang kamay kong itarak sa kanya ang hawak kong kutsilyo.   Itinuloy ko ang pagsunod sa lalaki. Nang malapitan ito ay dahan-dahan kong mas pinaikli ang distansya namin sa isa't-isa at sa isang mabilis na galaw ay sinunggaban siya. Gusto kong matawa sa nakikita ko ang gulat sa mukha niya. Sa bagay sino ba namang hindi magugulat kung isang misteryosong taong nakasuot ng hood at maskara ang bigla na lang susulpot sa harapan mo, ‘di ba?   "Sino ka? Anong kailangan mo?” sigaw niya sa akin.   “Kung mangpaprank ka, hindi nakakatawa!" nanginginig ang boses na sigaw niya sa akin. Tch! Buti na lang walang masyadong tao kaya kahit magsisigaw siya, walang makakarinig.   “Prank? Ha!” Sumigaw ako pabalik at saka malakas na tumawa habang unti-unting tinataas ang hawak kong kutsilyo. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya sa takot. Umatras siya ng isang beses pero tanging matigas na pader ang naramdaman niya. Tsk, tsk. Napailing ako. Kung di ba naman tanga.   "Hahahaha! Wrong move!” Fear dawned stronger on his face. Nanatili naman ang ngisi sa labi ko. Ngayon, alam mo nang hindi ‘to prank.   "Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Kumunot ang noo ko kasabay ng pagbagal ng lakad ko nang marinig ko ang sariling boses ko na bumulong sa aking tenga. Sigurado na nga ba ako?   "Bakit ka nag dadalawang isip? Gawin mo na!" Nahawakan ko ang ulo ko gamit ang isang kamay dahil sa isa pang boses na bumulong sa akin. "Gawin mo na! Huwag kang duwag! Gawin mo na!" sigaw sa akin ng boses na kapareho ng sa akin ngunit tila naiiba rin.   “Isipin mo ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa.”   Kumuyom ang kamao ko at hinigpitan ang hawak kong kutsilyo. Tama. Hindi ito ang panahon para magdalawang isip. Buo na ang desisyon ko, hindi ba?   Saglit akong tumingin at pinagmasdan ang paligid at napansing malapit na magliwanag, gayunpaman, kita pa rin ang buwan. Ang kinaiinisan kong buwan.   Tama. Natatawa akong ngumisi at tumango-tango sa sarili. Dapat ko siyang patayin. Dapat siyang mamatay!   “Pasensya na. Wawakasan ko na ang buhay mo. Hahahaha!” Lumapit ako sa kanya at tinaas ulit ang hawak kong kutsilyo.   “H-huwag. Parang-awa mo na! Wala akong kasalanan sayo!” Tanging ngisi lang ang sinagot ko sa kanya, na ulit ay hindi niya naman nakita dahil sa maskara, saka paulit-ulit na binaon ang kutsilyo sa dibdib niya. Hindi ako tumigil hanggant hindi ko siya nakitang humandusay.   Isang halakhak ang narinig ko sa isip ko. Tuwang-tuwa sa aking ginagawa. Napahalakhak na rin ako. Bakit nga ba ako nagdadalawang isip? Ang makita ang gagong 'yon sa ganitong lagay dahil sa akin ay wala nang mas makapagpapasaya sa akin. Ang makita siyang naghihingalo ang gusto kong mangyari at gusto ko ako ang dahilan niyon.   Pinanood ko ang pagdausdos ng katawan niya sa sahig. Nagmukha siyang isang lantang gulay dahil sa pagbagsak niya nang walang buhay. Pagkatapos ay nilapitan ko ang katawan niya at gamit ang kutsilyong siya ring pinangsaksak ko sa kanya ay umukit pakurbang marka sa mukha niya. Sinimulan koi yon sa kaliwang pisngi pababa at padaan sa kanyang bibig saka pataas ulit sa kabilang pisngi.   Nang makontento ay binaba ko naman ang polo niya sa kaliwang balikat, sa parehong kamay kung nasaan ang tattoo niya ng buwan...pero laking dismaya ko nang hindi ko nakita ang bagay na iyon.   Tss. Mukhang hindi ito ang hinahanap ko. **** THANK YOU FOR READING!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD