CORPSE

1463 Words
Amanda's POV   Masaya akong naglakad papunta sa classroom habang puro imahe nung gwapong red-haired ang nasa isip ko.   Gosh! May ganun pala kagwapong lalaki   "Waaahhh! Di kami magkaklase ni Jerome!"   "Sana mabait maging mga teacher natin."   "Balita ko masungit daw si Ms. Ocampo."   "Swerte natin kaklase natin sila Harry at Russet."   "May bagong episode na yung anime na pinapanood ko."   Pagkatapak ko pa lang sa loob ng classroom, rinig na rinig ko na agad ang daldalan ng mga bago kong mga kaklase. Mukhang marami sa kanila ang dati nang dito nag-aaral. Magkakaclose na kasi sila agad.   Wala pa ang teacher kaya nagkukwentuhan pa ang mga estudyante. Tiningnan ko ang relo ko. Saktong oras na ng klase. Baka darating na din yung teacher mamaya.   Nilibot ko ang paningin sa paligid para maghanap ng mauupuan. Di pa karamihan ang estudyante sa loob ng classroom namin. Faces of strangers registered in my eyes pero isa sa mga strangers na ito lang ang nakakuha ng atensiyon ko.   Kumurba ang mga labi ko sa isang ngiti. Mukhang pinaglalapit kami ng tadhana.   Natanaw ko siya sa dulo ng classroom habang sobrang focused sa pagbabasa ng libro. Siguro ‘yon yung galing sa library.   Nagsimula na akong maglakad papunta sa pinakalikod na row ng mga upuan at umupo sa tabi niya. Katabi ng bintana yung upuan ko at sa left side ko naman yung upuan niya.   Gusto ko 'tong upuan na 'to, bukod sa katabi ko siya, masayang pumwesto sa tabi ng bintana. Cliche man pakinggan pero maganda talaga ang pwestong 'to. Naalala ko nga na nakikipag-agawan pa ako para sa pwestong 'to sa dati kong pinapasukan.   Tinitigan ko siya saglit bago naagaw ang pansin ko nung babaeng bagong dating at naghahanap ng upuan. Mahaba at straight ang buhok niya at nakasuot ng salamin. May yakap din siyang mga libro at mukhang mahiyain. Di ko na sana siya papansinin pero nakita kong nakatingin na siya sa banda namin, specifically sa katabi ko. Lumipat naman yung tingin niya sa kabilang side ng katabi ko kung saan bakante ang upuan at maya-maya lang napansin kong nagtwinkle ang mata niya at palihim siyang ngumiti. Napaisip ako. Siguro may gusto ‘to sa katabi ko.   Naramdaman niya sigurong nakatingn ako sa kanya kaya napatingin di siya sa akin. Nginitian ko naman siya pero tinignan niya lang ako saka umupo na sa upuang nasa left side ni red-haired tapos sumimangot.   "Good morning class." Di ko na lang pinansin ang pinakita niyang ugali sa akin at tumingin sa harapan. Dumating ang isang middle-aged woman sa classroom. Nakasalamin ito at nakatali ang buhok. Agad naman nagsitahimik yung mga kanina pang nagdadaldalan. Nilibot ko ang panigin ko at nakitang kumpleto na kami.   "I am Mrs. Geronimo and I will be your adviser for this school year," pagpapakilala niya habang nakataas ang kilay. Grabe. Di man lang ba siya marunong ngumiti?   Binuksan niya ang folder na kanina pa niya hawak at nagsimulang magcheck ng attendance. I guess, di na uso ang "introduce yourself in front" sa kanila.   "Almario, Jessica"   "Present!" Nagtaas ng kamay ang isang babae sa pinakaharapang row.   "Arcellana, Madonna"   "Present." Sunod na nagtaas yung babae kanina na katabi nung gwapong red-haired at mahina ang boses na nagsalita. Hmm, Madonna…   "Bulusan, Lorraine"   "Present."   "Castro, Arthur."   "Present!"   "Crisostomo, Russet"   "Present." Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses niya.   Russet, huh? Bagay na bagay sa pula niyang buhok.   Binaba niya ang hawak na libro para tumingin sa harapan. Kitang-kita ko ngayon sa mas malapitan ang buo mukha niya. At...     At...   Teka, nakalimutan ko na yata huminga. I think I forgot how to breathe at that very moment.   Di ko alam kung nararamdaman ba niyang tinitingnan ko siya, pero nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa marinig ko ang pangalan ko.   "Present!" masigla kong itinaas ang kamay. Nang tumingin at tumango sa akin ang guro ay binaba ko na iyon at ibinalik kay Russet ang tingin. Napakurap ako nang ginawa ‘yon. Para kasing nakita kong nakatingin din siya sa akin kanina pero mabilis din niya ‘yong iniiwas. Ibig ba sabihin, I also got his attention?   **** Physics ang huli naming subject bago ang lunch break. Kapansin-pansin ang mas katahimikan ng klase kumpara sa mga nauna naming subject. Nung una, hindi ko alam kung bakit gan'on na lang sila katahimik. Pero nang magsalita na ang teacher namin, parang alam ko na kung bakit. Istrikto ito at katakot-takot ding recitation ang bungad niya sa amin.   Pinagpasa niya kami ng index cards at doon siya bumunot ng limang estudyanteng sasagot sa mga tanong niya.   "Madonna Arcellana," unang nabunot ng teacher namin. Napapikit naman ang iba at mukhang nagpapasalamat dahil di sila ang unang nabunot.   Nagtanong ang teacher namin ng tungkol sa Bigbang theory. Nasagot niya naman iyon pero sa hina ng boses niya ay napagalitan siya at pinaulit iyon. This time nilakasan niya ang boses pero panay naman ang utal niya.   Nang maupo si Madonna ay nagtawag naman ulit si ma'am ng susunod.   Hindi ko kilala ang lalaking tinawag niya. Nakasagot din ito pero dahil lang 'yon sa binubulungan siya ng katabi niya. Napansin iyon ng teacher namin kaya pinasagot niya rin yung isa.   Nang makasagot pareho at matapos silang mapagalitan rin, pinaupo na sila ni ma'am saka bumunot ulit ng card. Nabuhay ulit ang kaba ko na baka ako ang matawag. Hindi naman sa hindi ako ready. Sadyang nakakakaba lang talaga ang mga ganito.   "Bulusan, Lorraine." Tumayo ang maputing babae sa pinakaharap na row. Maganda siya at mukhang matalino. Hanggang balikat ang itim na itim niyang buhok na kulot ang dulo. Tinanong naman siya ng tungkol sa elements. Habang sumasagot siya, bumunot ng panibagong index card si ma'am saka hinawakan na muna. 'Yon sigurado ang susunod.   Napansin ko naman na mula sa pagkakatitig dun sa kaklase naming sumasagot, lumingon sa amin ang gwapong lalaking katabi niya na may kulay dark brown na buhok. Ngumiti ito saka nabasa kong sinabi ang mga salitang, "ikaw ang sunod," nang walang boses. Napakunot naman ang noo ko. Sinong kausap niya? Ako ba?   Tumingin ako kay Russet at nakita kong nakatingin rin siya sa lalaki. Tinaasan niya ito ng kilay. Siya siguro 'yong kausap nung lalaki. Wait, ibig sabihin ba maririnig ko ulit ang boses niya?   Hinintay kong matapos ang kaklase namin at tawagin ni maam ang susunod.   "Crisostomo, Russet."   "Tsk." narinig kong sabi ni Russet habang tumatayo. Tinawanan naman siya nung gwapong lalaki sa harap.   Tinanong siya ng tungkol sa formation of stars. Akala ko kayabsiya naiinis kasi wala siyang maisasagot pero lalo akong humanga sa kanya nung magsalita siya. Bukod kasi sa ang gwapo ng boses niya, nasagot niya rin ng kumpleto yung tanong. Ni hindi siya kakikitaan ng kaba o hesitation.   Nang makaupo siya ay bumunot ulit si ma'am.   "Martin, Harrison." Nawala naman ang ngiti dun sa gwapong lalaki sa harapan nang tawagin ni ma'am ang pangalan niya. Nakita ko pang ngumisi si Russet sa kanya bago siya tumayo. Natulala naman ako sa ginawa na 'yon ni Russet.     ***   “Class dismiss.” Nakahinga ng maluwag ang lahat nang sabihin 'yan ni ma'am. Kinakabahan pa rin kasi kami kahit habang discussion kasi baka magparecite siya ulit. Nagsipagtayuan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ng teacher namin at pagkaalis na pagkaalis niya ay nagsimula na silang mag-ingay.   “Ano? Saan tayo bibili ng lunch?”   “Hey girls! Let dine outside!”   “Hoy! Sama ka punta kami sa canteen.”   “Nagbaon ka?”   Nilingon ko si Russet na di pa rin tumatayo sa upuan at patuloy lang sa pagbabasa ng libro. Wala ata siyang balak maglunch. Napasimangot ako. Paano ko kaya 'to iaaproach?   Maya-maya ay naramdaman ko naman na ang gutom kaya lumabas na ako sa room para pumunta sa canteen. Mabagal akong naglakad. Making sure I won't miss anything. Gusto ko mamemorize ang mga lugar dito sa school. Sa sobrang laki kasi nito, baka maligaw ako.   “Tol! Bilisan mo! May nakita daw na bangkay ng lalaki malapit sa backgate! Dun sa maraming puno!”   “Tara, puntahan natin!”   Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko at napalingon sa dalawang lalaking narinig kong nag-usap kanina na ngayon ay tumatakbo na. Ano daw? Bangkay!?   Nagsimula na rin akong tumakbo at sumuno sa dalawang lalaki. Dumaan sila sa likod ng building at papunta sa bandang likod na bahagi ng school kung saan masukal dahil sa mga puno at mahahaba nang mga damo. Nadatnan ko doon ang kumpulan ng mga tao. Yung iba napapatakip sa bibig dahil sa gulat, yung iba naman napaiwas ng tingin. Lumapit ako at suminghit sa kumpulan para makita ang tinitignan nila. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at napatakip din ako ng bibig sa gulat.   Isang lalaking duguan ang nasa damuhan at...       nakangiti. **** THANK YOU FOR READING!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD