Chapter 1

2000 Words
Bago pa man ang una at hindi sinasadyang interaksyon naming dalawa, kilala ko na si Sebastian. Paanong hindi kung kahit sa eskwelahang pinapasukan ko ay sinasamba ang barkada nina Kuya Alfon? Sebastian came from a wealthy household. Kilala ang mga Acostino sa construction industry at iba pang linya ng negosyo. Lahat naman ng mga kaibigan ng kapatid ko ay kilala sa iba’t-ibang larangan sa pagnenegosyo. The first time he saw me, he misunderstood me. He mocked and judged me. Hindi ko na siguro makakalimutan kung gaano kadilim ang tinging ibinigay n’ya sa akin noong nagharap kami. He’s giving me goosebumps. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng intimidation sa kanya. He has that air that can suffocate everyone around him. Estudyante pa lang s’ya noon pero para bang kayang-kaya na n’yang gawin ang lahat. Para bang kahit na anong maging desisyon n’ya, iyon ang tama. Maybe because of his background? Or maybe because of his height and looks? He’s oozing with appeal. Guwapo at lagi na lang ay nakangisi ng tila sa isang demonyo at ang mga mata n’ya ay nagsasabing gagawa ng kung anong kalokohan. He has that millions-worth of smile. He looks cunning, a Casanova that he is. Ganoon ang una kong impresyon sa kanya. Kaya nga sobrang nagulat ako nang mag-sorry s’ya sa akin dahil sa maling iniisip. Hindi ko inakalang ganoon kabilis humingi ng paumanhin ang katulad n’ya. He looks like everyone are ready to please him not the other way around. He didn’t please me, though. “That was Sebastian Acostino, right?” tanong ni Julia isang hapon nang makita ang naghihintay na si Sebastian. Nakasandal ang lalaki sa kanyang sasakyan at walang pakialam kahit na sobrang daming nakatingin sa kanya at mukhang naaakit. “Uh-uh…” “Charry… advice ko lang na huwag kang masyadong maglalapit sa lalaking iyan.” Si Roan naman. “He’s a Casanova… his hobby is to break every girl’s hearts. Babaero rin ang nasa circle n’ya ngunit malala ang isang iyan!” “Just look at him, Roan. Sino ba namang hindi mapipigtas ang garter ng panty kung ganyan kaguwapo ang lalaking iyan? Wala pang ginagawa pero nag-uumapaw na ang karisma!” “Kahit nga ako ay pipila riyan kay Acostino! Tingnan n’yo nga at mukhang ang laki at ang healthy!” Ngumiti na lang ako at hinayaan sila sa mga gusto nilang sabihin. Lahat na lang yata ng kababaihan ay pangarap ang lalaking ito. May basehan naman ang mga sinasabi nila but for me… pakiramdam ko ay mas kilala ko si Sebastian kaysa sa kanila. Hindi naman nila alam kung paano si Sebastian bilang kaibigan. He’s kind and gentleman. His intense stare bore into mine. “Done?” Ngumisi ako at bahagyang nag-iwas ng tingin. I received so many advices about him being a heartbreaker. Ang daming dahilan ngunit hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. Hindi ko pa rin nagawang bantayan ang puso ko. I fell for the Casanova. Hard. And despite of making me feel special, he chose to broke my heart. Napapikit ako nang sumilip sa alaala ko ang tagpong iyon. Seven years. Ganoon na katagal mula nang huli kaming magkita ni Sebastian. Alam ko namang sa oras na magkaroon ulit ako ng kaugnayan sa mga kuya ko, talagang magkukrus ang landas namin ng kaibigan n'yang casanova. Isa iyon sa inaasahan ko dahil literal na pakalat-kalat ang lalaki sa buhay ni Kuya Alfon. But not this soon. Sobrang napaka-mapagbiro naman ng tadhana. Talagang s'ya pa itong una kong nakita rito sa lungsod. I opened my eyes, ang kitchen ni Kuya Alfon ang nabungaran ko, patunay na matagal nang tapos ang nakaraan at ang mahalaga ay ang ngayon. Napailing ako nang maalala ang itsura ni Sebastian nang pagbuksan n'ya ako ng pinto kaninang madaling araw. He looked bored and... naked. Oo, walang kahit anong saplot ang gàgo. Kung hindi dahil sa maliit na unang itinakip n'ya sa gitna ng mga hita, tuluyan ko nang nakita ang kahubdan n'ya. Bakit nga ba ako nagtataka? Hindi ba at ito naman talaga ang libangan ng lalaking iyon bago ko pa s'ya makilala noon? Kaya nga sikat na sikat s'ya sa school namin dahil sa reputasyon n'yang iyon. He wouldn't be called as casanova without bedding any woman. Pupusta rin akong katatapos n'ya lang gumawa ng kababalaghan kasama iyong babaeng lumabas sa unit ni Kuya Alfon. I sighed. Nagluluto na ako pero hindi pa rin matigil ang mga iniisip ko. Lampas alas nueve na nang magising ako at dahil gusto kong magluto, iyon ang kaagad kong ginawa pagkabangon. Hindi naman ako nahirapan dahil puno ang ref at maging ang pantry. Inilista at kwinenta ko na lang ang laman ng mga iyon para hatian si Sebastian dahil sigurado akong pera n'ya ang ibinili n'ya sa mga iyon. I made an apple juice using Kuya Alfon's fruit squeezer. Inihain ko na rin sa counter top ang mga nalutong pagkain— scrambled egg, tuyó, longganisa, pritong saging, nilagang kamote at fried rice. Mag-a-alas onse na nang isalang ko ang bagoong alamang sa kawali at sandaling dumiretso sa kuwarto para kunin ang pera na iaambag ko sa groceries. I returned to the kitchen and saw Sebastian. The morón is now drinking the apple juice while eyeing the foods on the counter top. And he's just wearing his boxer! Years of not seeing him made me stare at him for a moment. Ni hindi n'ya napansin ang paninitig ko, abala kasi sa paglalaway sa mga pagkain. He has the height and body way back. Ngunit mas nag-iba ngayon. Para bang upgraded version ng kanyang sarili. Toned body, wide chest and shoulders. Halatang gym maniac ang isang ito. Nasa tamang lugar ang bawat muscle. He's just leaning on the counter top pero nagfi-flex na ang kanyang mga muscle. He has a nice butt, too! Bago pa n'ya ako mapansin ay kaagad na akong lumapit sa kanya. "Ikaw ba ang bumili ng lahat ng nasa loob ng ref and pati iyong laman ng pantry?" I asked. Nasamid s'ya nang bigla akong magsalita, halatang nagulat. He faced me while holding the glass. Oo nga at guwapo si Sebastian ngunit pitong taon na ang lumipas, hindi na ako mahuhulog sa mga mata n'yang kung tumitig ay akala mo ay sinusuri pati ang kaluluwa ko. Bago ako dumiretso sa stove ay itinampal ko na ang hawak na limang libo sa kanyang dibdib. "Ano ito?" he asked, nagtataka. Nangunot pa ang noo habang nakatingin sa ilang lilibuhin. Nakaharap na ako sa kawali at hinahalo na ang bagoong. Kaunti na lang ay maluluto na iyon. "Pera," I stated the obvious. "Alam kong pera. Ang ibig kong sabihin ay bakit mo ako binibigyan ng pera? Hindi pa naman ako namumulubi." Humalakhak pa s'ya na parang bang close pa rin kami. Ito na naman ang tawa n'yang katulad ng isang demonyo. Humarap ako sa kanya hawak ang spatula. "Sebastian, basahin mo muna iyang mga nasa papel. Kilala ko ang kapatid ko, hindi s'ya ang tipo ng taong mag-i-stock ng mga pagkain sa ref man o sa pantry. Kaya alam kong ikaw ang bumili sa mga iyon at pati na rin sa mga niluto ko..." "Ow..." Ikiniling n'ya ang ulo at bahagyang tumaas ang gilid ng labi. I sighed. Alam kong ugali naman n'ya ang maging siraulo pero iba talaga ang dating n'ya sa akin lalo na at ang tagal din naming hindi nagkita at hindi ko rin matatawag na maayos ang naging huli naming pag-uusap. But... I'll try. Nandito ako para sa pangarap ko kaya kahit tiisin ko ang presensya n'ya hanggang sa makapag-exam ako, gagawin ko. Hindi ako umaasang magiging magkaibigan ulit kami dahil talagang malabo iyon pero puwede naman yata kaming maging civil sa isa't-isa. Lalo na at mukha namang wala s'yang pakialam sa naging nakaraan namin... I almost chuckled. Wala nga pala kaming nakaraan kaya natural lang na balewala iyon sa kanya. "Kwinenta ko na ang lahat ng nasa loob ng ref pati na rin ang nasa pantry at iyong mga condiments na nasa mga cabinet dito sa kitchen. Nasa fourteen thousand pesos ang lahat kasama na ang gas. Iyan ang share ko." Itinuro ko ang pera. "Five thousand lang dahil ako naman ang magluluto hanggang maubos ang mga ito— "Hindi kita hinihingan ng ambag, Charry." He gritted his teeth, halatang nainsulto. "Hindi mo ako kailangang bayaran at hindi kita sisingilin— "Kailangan. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa 'yo, Sebastian," naiiling na sabi ko bago muling hinarap ang bagoong. Akala ko nga ay magtatalo pa kami pero wala na akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Ilang sandali pa ang lumipas bago ko naramdaman ang pag-alis n'ya sa kusina. Saka lang ako nakahinga nang malalim nang lingunin ko s'ya at wala na nga roon. Nag-focus na lang ako sa niluluto. Marami pa akong aasikasuhin bukas at kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko pagkakain. Iyon ang dapat na pinagtutuunan ko ng atensyon, hindi ang pagbabalik sa nakaraan. Ilang sandali pa ang dumaan bago ko naramdaman ang mabigat na paninitig mula sa likuran. I almost heaved a sigh. Para akong kinikilabutan at nagtataasan na rin ang mga balahibo ko sa batok. Kaya kahit na hindi ko naman s'ya naramdaman ay alam kong nasa kusina na ulit ang lalaki. Yes, siguro nga ay indifference ang nararamdaman ko sa muling pagkikita naming ito pero hindi ko rin maiwasang hindi isipin na kahit paano ay pamilyar pa rin s'ya sa akin. Napatitig ako sa bagoong. Ngayon ko lang naalala na paborito n'ya nga pala itong niluluto ko kaya siguradong magsasabay kami sa pagkain ngayon. Lalo at pareho yata kaming hindi pa kumakain. Hindi ko na kayang ignorahin ang paninitig n'ya. Pakiramdam ko ay hinuhubaran ako ng mga mata n'ya kahit na nakatalikod naman ako sa kanya. "Stop checking my body, Sebastian," hindi ko napigilang sabi. "Huh?" He sounded clueless. O talagang ganito lang s'ya? Pinatay ko ang stove at inihanda ang paglalagyan ng bagoong. I faced Sebastian. Ni hindi s'ya nagulat sa ginawa ko. "Nararamdaman ko ang titig mo sa akin. Hindi ako manhid." He just looked at me. Ni hindi ko mahulaan kung ano ang iniisip n'ya sa mga sandaling ito. Scam lang yata 'yong inakala kong nagawa ko s'yang makilala noon. Dahil sa totoo lang, ni hindi ko magawang basahin ang kung ano man kay Sebastian ngayon. Ipinilig ko ang ulo at tuluyan nang isinalin ang bagoong. Nagtira lang ako ng para sa amin. "Kilala ko iyong ganyang tingin," sabi ko habang nakatuon ang atensyon sa pagsasalin. "Parang nanghuhubad." Sebastian chuckled. Para bang may kung ano na naman s'yang iniisip kaya sandali rin s'yang nanahimik. Nagkibit s'ya ng mga balikat. "You're wrong about that, Charry." Nang matapos sa pagsasalin ay lumapit ako sa counter top. Padabog na inilapag ko roon ang bagoong na para sa amin. Gusto kong matawa. Kung umakto s'ya ay para kaming magkaibigan at naiinis ako dahil doon. "Liar." I looked at him. Nangunot ang noo ni Sebastian. Maya-maya pa ay ngumisi na s'ya. "Well... I just got curious... On how did you got your curves." His eyes are twinkling. Ang ngisi n'ya ay naging matamis na ngiti. Hindi ko nga lang magawang suklian ang ngiti n'ya dahil bukod sa strangers na kaming dalawa sa isa't-isa, hindi ko rin nagustuhan ang pagsasabi n'ya ng totoo. He's checking me out because of that... Hindi ko tuloy maiwasan na hindi isipin ang mga sinabi n'ya noong gabing iyon. I don’t have the curves. That was what he told me— his reason. What an asshóle! Pero noon, malakas ang paniniwala kong nagsisinungaling s'ya sa dahilang ibinigay n'ya sa akin. Ngunit sa mga sinabi n'ya ngayon... Maaari nga kayang totoo iyon? He rejected me back then dahil hindi ako pumasa sa standards n'ya. Hindi n'ya ako type dahil ang tipo n'ya ay iyong matatangkad, magaganda at perpekto ang hubog ng katawan. Napangisi ako. Mas tumindi ang inis sa lalaki. I looked at his eyes. "You should stop that now, Sebastian. Hindi na kita type."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD