PROLOGUE

1776 Words
There’s a belief regarding the red string of fate— that everyone is entangled with each other by an invisible thread. Iba nga lang ang pananaw ko, for me, fate or what they call destiny is a messed-up thing, a situation that is totally fuckéd up. Kaya nga alam kong hindi lang ang lungsod ang haharapin ko ngayong bumalik na ako rito kundi pati na rin ang nakaraang hindi ko sinasadyang takasan noon. At kung pag-uusapan ang nakaraan, isang senaryo lang ang laging bumabalik sa akin. Ang tagpo kung saan ay nagsimulang magulo ang buhol ng tadhana at maging ng buhay ko. As the car approached the metro, I closed my eyes. In a fleeting moment, everything came back... like a whirlwind, like a passing typhoon. "Ako ang sinadya mo rito, hindi ba?" Iyon ang unang pangungusap na sinabi n'ya sa akin. Diretso ang mga mata n'yang nakatingin sa akin. Unang beses na nagkausap kami at masasabi kong ayaw n'ya sa akin. He looks confident. Dapat lang dahil base sa mga naririnig ko, ang lalaking ito at iba pang mga kaibigan ni Kuya ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. He got the face, body and background. Naisip kong lumapit sa isa sa mga kaibigan ng kapatid pero hindi ko inakalang sa lalaking ito ako magkakaroon ng unang interaksyon. Sebastian Acostino, the Casanova. "Hindi mo na kailangang magsinungaling, masyadong halata." He looks pissed. I sighed. Nakita n'ya kami ni Papa noong nakaraan at kung hindi lang dahil doon, si Josian Calian, na isa pa nilang kaibigan ang gusto ko sanang lapitan. "Gusto kitang makausap." Iyon ang sinabi ko lalo at iyon naman talaga ang pakay ko. "Dahil ba sa nakita ko noong isang araw?" he asked. Namulsa s'ya at tinitigan ako. "Kaya kahit hindi mo naman ako kilala ay pumunta ka pa talaga rito para kausapin ako." Conceited! Umirap ako. He smirked. "Why? Do you want to bargain, is that it?" Confused, I looked at him. "Hindi kita personal na kilala pero masasabi kong kilala kita sa pangalan at itsura. Sikat kayo ng mga kaibigan mo sa school namin kaya kahit paano ay may alam na ako sa inyo. Kaya nga nagpunta ako, nagbakasali— "Hindi kita kilala," putol n'ya. "Marami akong kilalang Lunas at hindi ka kasali roon... Isa lang ang ibig sabihin niyon, hindi ka importante sa mga mata ko kaya hindi ka pamilyar sa akin o baka naman ay kalilipat mo lang sa— Mas nainis ako. He's judging me! "I'm a transferee and I don't need to be significant sa mga mata ng kahit sino," matigas na wika ko. I cut him off, hindi puwedeng s'ya lang itong magtataray dito! "Oh, that explains why..." Ngumisi s'ya, iyong tipong sa demonyo. He eyed my ID. "Department of Education... Education student ka? Are you kidding me?" Kanina ay hinuhusgahan n'ya ako, ngayon naman ay direktang pang-iinsulto na ang ginagawa n'ya sa akin! Ano bang problema sa akin ng lalaking ito? "Ang taas naman yata ng tingin mo sa sarili mo at parang hindi ako puwedeng mag-aral sa kursong ito?" I hissed. He chuckled. "You can say that, dahil mataas naman talaga ako..." He paused a bit. "What confused me is the fact na mababa na pala ang moral ng Colegio del Luna..." Nawala ang pasensyang kanina ko pa sinusubukang pahabain. Nakaramdam ako ng pangangati ng mga kamay. "Tell me, ano kayang sasabihin ng pamunuan ng school n'yo sa oras na malaman nilang may isa silang imoral na estudyante?" I had enough and raised my hand. Nahawakan nga lang n'ya ang palapulsuhan ko para pigilan iyon. "I was never hit by anyone..." Tumaas ang kilay n'ya. "And I'd rather let Alfonso punch me in the face than get slapped by that filthy hand of yours." Pinagpagan pa n'ya ang kamay nang bitiwan ang akin, para bang nandidiri. Gusto kong maiyak sa inis, sa galit. Sino ba ang mayabang na lalaking ito para insultuhin ako nang ganito? "Watch your words. Hindi porke mayaman ka ay aakusahan mo na ako ng kung anu-ano!" Tumaas na ang boses ko. "Nagpunta ako rito dahil nakita kita noong isang araw na kasama ang kapatid ko kaya gusto kitang makausap!" I saw how he stiffened. Para bang may nasabi akong bagay na hindi n'ya alam. Mayroon naman talaga, I mentioned his best friend as my brother. Hindi n'ya alam... Kung ganoon ay ano ang ikinagagalit n'ya sa akin? "Sandali nga lang..." He looked confused and lost. Gusto kong matawa nang ma-realize kung ano ang posibleng iniisip n'ya tungkol sa akin at kay Papa. Ako naman ang ngumisi. "Naiintindihan ko na ngayon kung bakit kulang na lang ay laitin at duraan mo ang buo kong pagkatao. Nakakadismaya nga lang... you have all the riches in this world but your logical way of thinking failed to meet my expectations about you, Mr. Casanova." Napapalatak na lang s'ya, nasa mukha pa rin ang kalituhan. "Iniisip mo bang kabit ako ng ama ko?" I giggled, mapang-inis iyon. Sebastian frowned. "Anak ako ng lalaking nakita mong kasama ko sa restaurant noong nakaraan. I'm your best friend's half-sister," I declared. Mas lalong nagmukhang gulat na gulat si Sebastian. Kaagad nga lang na nawala ang kalituhan sa mga mata n'ya at agad na hinawakan ang palapulsuhan ko. Mabilis na hinigit n'ya ako sa kabilang gilid. Para bang natatakot s'yang may makakita sa amin. That was my first encounter with the Casanova best friend of my brother. Despite of his first impression of me, bumawi s'ya at ginawa ang lahat para makilala ko ang mga kapatid na s’yang dahilan kung bakit ginusto kong mag-aral sa lungsod. Siya ang naging daan para mapalapit ako kina Kuya Alfonso. We're always together. For months. Hanggang sa makilala ko nang tuluyan ang mga kapatid ko. Hindi ko inakala na tatanggapin nila ako but they did. Thanks to Sebastian’s efforts. Lagi kong kasama si Sebastian sa mga lakad namin nina Kuya. Maging ang mga kaibigan nila ay nakilala ko rin at aminado akong napalapit ako sa grupo nila. Mas lalo na kay Sebastian. Mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. And after several months, on the night of their graduation, I confessed. Bakit hindi? Lalo na kung nararamdaman kong pareho lang kami ng nararamdaman. Malaki ang tiwala ko na may chance kaming dalawa dahil iyon ang ipinapakita at ipinaparamdam n'ya sa akin. "H-Hindi ka ba magsasalita, Sebastian?" I asked after my confession. Wala kasi s'yang reaksyon, wala ring sinabi. Nagkamali ba ako? Maingay ang paligid dahil sa sigawan at maging sa musikang sinasabayan ng mga estudyanteng nagtapos kaninang umaga. Ikiniling n'ya ang ulo. "I'm sorry..." "A-Anong ibig mong sabihin?" Nagkamali ba talaga ako? Hindi ba kami pareho ng nararamdaman? "Hindi kita gusto..." diretsong sabi n'ya habang nakatingin sa mga mata ko. "Ha? But— "Charry..." Huminga s'ya nang malalim. "I told you when we first met, hindi ikaw ang tipo kong babae. You don't have the curves I yearned for every woman I met. Hindi ako nakakaramdam ng— Hindi na n'ya natapos ang sasabihin nang talikuran ko s'ya. He's lying! Alam ko, ramdam ko! Pero bakit? Umalis ako sa bar na iyon dala ang desisyong kakausapin ko ulit s'ya kinabukasan. Hihingin ko ang paliwanag n'ya dahil hindi ko matanggap ang dahilang sinabi n'ya. Alam kong nagsisinungaling s'ya at aalamin ko iyon! But... iyon na pala ang huling pagkikita namin ni Sebastian. Hindi na nasundan dahil noong gabi ring iyon, natanggap ko ang tawag ni Mama. My father's wife found her at desidido itong wasakin rin ang buhay ni Mama, katulad ng pagwasak ni Mama sa pamilya nito. My mother is my father's mistress. I'm an illegitimate daughter. Agad akong umuwi ng Mindoro at iyon ang naging simula ng pagbabayad namin ng kasalanan sa tunay na pamilya ni Papa. Napilitan kaming umalis sa bayan ng Puerto Galera at palipat-lipat sa mga bayan sa Mindoro. Hindi na ako nakabalik pa sa Maynila. Noong gabi ring iyon, kinalimutan ko ang buhay at maging ang pangarap ko. When the car stopped, nagmulat na rin ako ng mga mata para pagmasdan ang paligid. Kasabay niyon ay ang pagbabalik ko sa kasalukuyan. Tuluyang naglaho ang anino ng nakaraan at ang tanging nakikita ko ay ang dilim ng kapaligiran. Madaling araw na nang bumiyahe ako at ilang oras pa bago sumikat ang araw. Bumaba na ako ng sasakyan nang buksan iyon ng driver ni Kuya Road. Naging abala s’ya sa pagbababa ng bagahe ko habang ako ay nakatingala sa mataas na gusaling pansamantalang magiging tahanan ko sa loob ng dalawang buwan. This should be my fresh start, maybe? I smiled bitterly as I eyed the new environment, habang inaalala kung bakit ako bumalik. This time, para sa sarili ko naman. Kahapon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para balikan ang buhay ko, para ituloy ang pangarap ko. Kahapon ko lang din kinontak ang mga kapatid ko matapos ang pitong taong pagtatago sa lahat. Malaki ang pagtatampo nila sa akin pero hindi nila ako natiis lalo at kahit hindi ko sabihin ay mukhang alam nila ang dahilan ng hindi ko pagpaparamdam. Halos magmakaawa si Kuya Road para tanggapin ko ang kagustuhan n'yang ibili ako ng condo pero hindi iyon ang dahilan kaya ko sila tinawagan. I just want to talk to them. Miss na miss ko na ang mga kuya ko. Kuya Road and I planned to meet after I settle in the city. Si Kuya Alfonso naman ay nasa ibang bansa kaya sa video call ko lang muna makikita at makakausap. Gusto nilang bumawi sa akin kaya hindi ko na tinanggihan ang offer ni Kuya Alfon na tumira sa condo n'ya lalo at malayo naman s'ya. "May caretaker nga lang ako sa condo ko pero harmless naman 'yon." Iyon ang sabi n'ya matapos akong sunduin ng driver n'ya sa Batangas port. Umuo na lang ako at hinayaan sila ni Kuya Road sa mga gusto nilang mangyari. After a few minutes, nandito na ako sa elevator na magdadala sa akin sa condo ni Kuya Alfonso. Hindi na ako nagpahatid sa driver lalo at mag-uumaga na. I sighed before I walked towards my brother's unit. Hindi ko pa nga lang nabubuksan iyon ay kaagad nang lumabas ang isang babaeng magulo ang buhok at mukhang iritable. "My name's Nadine not Jewel!" pasigaw na sabi pa nito bago galit na nagmartsa sa hallway. Gulat na sinundan ko ng tingin ang babae bago hinarap ang kasasarang pinto. Is she my brother's caretaker? Pero mukhang hindi naman. I pressed the doorbell. Akala ko ay maghihintay pa ako pero kaagad nang bumukas iyon at iniluwa ang huling taong inaasahan kong makita sa mga oras na ito. The casanova himself, Sebastian Acostino and he's completely naked!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD