Chapter 52

1092 Words

"Kaya kitang tulungan Ma’am Beth na hindi madawit sa bagay na ito pero sana sagutin niyo ang mga tanong ko ayon sa pagkakaalam niyo kay Xavier,” seryoso ko na ring sabi. “Nangangako ako, Ely. Parang awa mo na. Baka mag-away kami ng asawa ko at hiwalayan niya ako kapag nalaman niyang idinawit ko sa eskandalo ang catering.” Nagkatinginan kaming muli ni Gaway. Hindi ko kasi sigurado kung nagsasabi ng totoo si Ma’am beth. Kilala ito ni Gaway na madaling masilaw sa pera pero sa pagkakataon na ito ay sisiguraduhin kong magsasabi ito ng totoo at ilalabas niya ang kung ano pang kanyang nalalaman tungkol kay Xavier. Hinawakan ko si Ma'am Beth sa kanyang kamay at pinaupo sa silya. "Ma'am Beth, malaki ang utang na loob namin sa inyo at hindi na kayo iba sa amin pero sana maintindihan niyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD