Chapter 11

1505 Words
ELYSIA'S POV hindi ko alam kung hanggang ilang minuto kami nag-iiyakang tatlo. Nahinto na lamang kami ng may dumating na isang nurse na may dala ng tray upang ibigay ang mga gamot ni Miriam. Napayuko pa nga ang nurse na makitang pare-parehas kaming mugto ang mga mata at sumisinghot dahil sa pag-iyak. pagkatapos nito ang ibigay ang gamot at sabihin ang mga habilin ng doktor ay umalis na rin ito. "Simula ngayon wala ng lokohan ha,wala ng lihim," ani Gaway. "Pero paano pa ang utang na naiwan nina Papa?" pag-aalangang sabi ni Miriam. "Payag ba kayo naibenta na lang natin ng bahay at maghanap na lang tayo ng ibang lupang nabibili sa murang halaga?" tanong ni Gaway. Pareho kaming napatingin ni miriam sa kanya. Alam nitong ang lupang kinatitirikan ng bahay ni lola ang natitirang lupa na pagmamay-ari namin. "Gaway, baka magalit si lola kapag ibinenta natin ang lupa niya," salungat ni Miriam. "Malaki pa ba ang balanse ninyo?" tanong ko. "Nasa singkwenta pa," ani Miriam. "Eh kung isangla na lang kaya muna natin? Makakapag-ipon pa tayo ng pambayad," suhesyon ko sa kanila. Nanghihinayang din kasi ako sa lupang nagmamay-ari ni Lola. Ito na lang ang natitira niyang alaala. napagkasunduan namin na isangla na muna ang lupa at naghanap ng murang lupang mabibili para makapagtayo ng bahay malayo rito. Kagaya ko ay napagod na rin ang mga ito na magtrabaho at magbayad ng mga utang. gusto rin ng mga ito na makalimot at lumayo sa mga taong nang argabyado sa amin. Maswerte ako dahil kahit na limang buwan kaming nagsama ni Xavier ay hindi ako nabuntis dahil sa paggamit ko ng pills. Nang makalabas ng hospital si Miriam ay agad akong naghanap ng pwedeng mapagsanglaan ng lupa ni lola at sa loob lamang ng tatlong araw ay nakakita nakaagad ako ng taong pwede kong mapagsanglaan. "Ely, anlaking pera niyan. Mababayaran ba natin yan sa loob ng apat na taon?" gulat na tanong ni Gaway. "Babayaran na natin ng mga balanse natin sa mga lupa na na isangla ng mga magulang natin. di bale, mababawasan na kaagad ito ng isang daan. Ang matitira ay gagamitin natin na pang-umpisa, kakayanin natin bayaran iyan, basta tulong-tulong tayo tatlo," sabi ko sa kanila. Nang linggong iyon ay nagtungo kami sa Norte kung saan nakatira ang mga kamag-anak nina Gaway. Maswerte kami dahil may pinagamit sa amin na na lupa na pwede naming pagpagawaan ng bahay kahit na yari sa kubo lamang kung kaya hindi nabawasan ang aming pera para sa pagbili ng maliit na lupa. nagtayo lamang kami ng simple at maliit na bahay habang ang iba naming gamit sa dati naming tinitirahan ay dinala na lang namin dito sa bago. Nagtayo kami ng negosyo sa palengke sa pamamagitan ng pera mula sa pinagsanglaan ng lupa habang ang iba naman ay itinago namin para sa panganganak nilang dalawa. Naging maayos ang una naming mga buwan namin sa lugar na iyon. Tahimik ang lugar at mababait ang mga kamag-anak nila. kahit papaano ay naiiraos namin ang aming pamumuhay, nakakapagpa-check up ang magkapatid at nabibili ang mga gamit ng kanilang mga magiging anak. May mga pagkakataon na ako na lang ang natitirang magtinda sa aming pwesto dahil sa kondisyon nilang dalawa. naaalala ko pa rin madalas si Xavier lalo na sa gabi sa tuwing tahimik na ang lahat at tanging ang himig ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid. Lumipas ang ilang buwan ay naunang nanganak si Gaway at pagkalipas lamang ng dalawang linggo ay si Miriam naman ang isinugod sa ospital. Katulong ko ang kanilang Tiya Trining sa pag-aasikaso sa kanilang dalawa. Isa itong matandang biyuda na mag-isa na lang sa buhay. Sabi ni Tiya Trining, magkasunod na namatay ang kanyang asawa't anak kung kaya't wala na siyang kasama sa buhay. Mabait ito at itinuring na rin namin na ikalawang lola. Habang ako ay abala sa pagtitinda sa palengke sa aming maliit na tindahan ay ito naman ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa magkapatid na bagong panganak. Pagod man sa buong araw na pagtitinda ay sulit naman sa tuwing nakikita ko ang dalawang anghel sa aming pamilya. "Elysia," tawag sa akin ni Tiya Trining. "Bakit po?" tanong ko. "Sa tingin ko ay kailangan nating dalhin sa ospital si Miriam," bulong nito sa akin at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Bakit po, Tiya? May problema po ba?" pasimple akong sumilip sa magkapatid na nasa iisang kwarto ngunit nasa magkaibang papag katabi ang kanilang mga anak. "Kahapon ko pa napapansin eh, matamlay at para siyang namumutla. Wala rin siyang ganang kumain pinipilit ko na nga lang na pakainin para may maipasuso sa kanyang anak," ani Tiya. Ilang araw pa lamang itong nakakapanganak at ang akala ko ay normal lamang ang ganoon dahil maging ako ay napapansin ang kanyang pagtamlay na iba kay Gaway. Nag-uusap pa kami ni Tiya ng marinig namin ang sigaw ni Gaway. "Elysia? Tita Trining! Tulong, si Miriam! Bal, laban ka lang, Bal!" naghihisterikal na sigaw ni Gaway. sabay kaming napatakbo ni Tiya Trining papasok ng kwarto. Inabutan namin na umiikot ang mata ni Miriam at para itong nangingisay. "Elysia, Dali tumawag ka ng tricycle," natarantang utos sa akin ni Tiya. agad akong humanap ng tricycle at dinala sa bahay. Naiwan si Gaway kasama ang sanggol ni Miriam habang kaming dalawa naman ni Tiya Trining ay sumama sa ospital. "Miriam, huwag kang bibitaw. Labanan mo iyan, kawawa ang baby mo kung iiwanan mo lang siya kaagad. Huwag mong ipipikit ang mata mo, labanan mo,Miriam," patuloy ako sa pagtapik sa kanyang pisngi. Ang aking puso ay para ng sasabog sa sobrang kaba at takot na baka pati siya ay mawala. ilang minuto lang ay nakarating na kami kaagad sa pinakamalapit na emergency. Agad nilang tinignan si Miriam at nilapatan ng lunas. Nakahinga kami ng maluwag ni Tiya nang sabihing ligtas na sa tiyak na kapahamakan si Miriam. Anang doktor, kung sakaling hindi namin ito kaagad na dala sa hospital ay malamang ay tuluyan na itong nawala. Kinailangan nitong ma-confine ng ilan pang araw, sabi pa ng doktor may kailangan pa daw nilang obserbahan ito at dumaan sa ilan pang laboratory test. Ang araw ay naging linggo, at ang natitira naming pera mula sa pinagsanglaan ng lupa ay unti-unting naubos. akala namin ay gagaling na ito dahil nadala na namin ito sa hospital, at dahil na rin sa sinabi ng doktor ngunit isang masamang balita ang yumanig sa amin sa ikawalong araw nitong mananatili sa hospital. "Elysia," tumatangis na tawag sa akin ni Tiya sa kabilang linya. "Bakit po Tiya?" tanong ko habang pinupunasan ang aking mukha dahil sa pawis. "Wala na si Miriam," humagulgol ito sa kabilang linya. "Po? imposible naman po yata iyan, Tiya. nagbibiro po ba kayo?" "Wala na si Miriam, Elysia," ulit lang nitong sagot. naibaba ko ang telepono dahil sa labis na pagkabigla. Paano ko sasabihin kay kaway tungkol dito? Paano ko sasabihin sa kanya napatay na ang kanyang kakambal at nag-iisang kapatid? Nanlalambot ang aking mga tuhod at napaupo sa sirang mono block at hindi ko na napigilang mapaiyak. Bakit sunod-sunod ang problemang ibinibigay sa akin? Bakit lahat na lang yata ng malapit sa akin ay kinukuha Niya? Ilang minuto rin natahimik akong umiyak, hindi napapansin ang mga gustong bumili sa aking tindahan. Pilit kong pinatatag ang aking sarili, pinunasan ang luha sa aking mata at saka huminga ng malalim bago muling tawagan si Tiya Trining upang sabihin dito na hintayin na lamang ako dahil maghahanap ako ng tamang oras para masabi kay gaway ang tungkol sa nangyari sa kanyang kakambal. Isinarado ko ang tindahan at umuwi. bago ako dumiretso sa bahay ay kinausap ko ang isa sa mga pinsan niya upang bantayan ang dalawang batang may iwan. Nabanggit ko na rin ang nangyari kay Miriam kung kaya't sumang-ayon ang mga ito. "Way, dalawin natin si Miriam," yaya ko kay Gaway na nilalaro ang dalawang batang nasa papag. "Hindi pa ba siya uuwi?" walang kaalam-alam na tanong nito sa akin. Parang pinipiga ang aking dibdib habang pinipilit na magpakahinahon kahit na gustong-gusto ko ng humagulgol. "Malapit na siyang umuwi, kaya dalawin na natin siya," sagot ko rito. "Iyon naman pala eh. Hintayin ko na lang siya dito, sabihin mo huwag siyang magtatagal dahil baka masanay sa akin ng anak niya," pagbibiro nito at bahagya pang tumawa. Kagat ko ang aking pang ibabang labi at bahagi ang tumalikod upang punasan ang isang luha na nakatakas sa aking mata. "Sumama ka na, Tara. Sandali lang tayo dahil magtitinda pa ako mamaya," nakatalikod na Sabi ko rito. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at naghintay na lamang ako sa kanyang paglabas sa bahay. kasunod ko ay ang pinsan nito na magbabantay sa dalawang sanggol. "Ely, pwede na ba siyang kumain ng paborito niya? Dumaan kaya muna tayo para bumili ng gusto niya?" nakangiting sabi ni Gaway. Hindi na ako tumanggi kung kaya't bumili kami ng mga pagkain na dadalhin niya para sa kanyang kapatid. Excited itong naglakad papasok ng hospital habang ako ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman. Hindi ko kayang makita ang magiging reaksyon ni Gaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD