ELYSIA'S POV "Elysia, ang bagal mo naman maglakad. Kanina nagmamadali kang yayain ako, ngayon ang bagal bagal mo. Bilisan mo na baka naghihintay na sa ating si Miriam," nakangiting turan ni Gaway, dala nito ang dalawang balot ng pagkain na binili niya para sa kanyang kapatid. Mabigat man sa loob ay naglakad akong kasabay nito patungo sa kwarto ni Miriam. Nang makarating kami sa kwarto ni Miriam ay wala na ito roon. "Nasaan si Miriam? Nagpalaboratory ba siya?" tanong sa akin ni Gaway na walang kaalam-alam. "Hindi, inilipat na siya." "Talaga? Tara na," yaya nitong muli sa akin. Dinala ko siya sa elevator at pinindot ang basement. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha Pero mas lalong kumunot ang kanyang noo nang pagbukas ay bumungad sa amin si Tiya Trining na mugto ang mata at walan

