ELYSIA'S POV Parang tumigil sa pagtibok ang aking puso nang makilala ang lalaking nasa aking harapan. ang lalaking halos isang taon pong hindi nakita ay siya palang may-ari ng kumpanyang aking pinagtatrabahuan, walang iba kung hindi si Xavier. "It's nice to see you again, Elysia," anito sa barito ng boses. Ipinagsalikom nito ang kanyang mga kamay at seryosong tumingin sa akin. Tila na pako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at ni isang hakbang ay hindi ko magawa. Napahigpit ang hawak ko sa folder na dapat na aking ibibigay sa kanya nang tumayo ito mula sa kanyang lamesa dahang-dahang naglakad papunta sa akin. Mabigat ang mga hakbang nito na parang nagbabadya. Bago pa ito makalapit sa akin ay nagkalakas ako ng loob naihakbang ang aking mga paa patungo sa pinto ngunit mas mabilis it

