ELYSIA'S POV Paglabas ko ng kanyang opisina, bukod sa susi ng condo ay nakatanggap ako ng Isang mensahe mula rito. It's just a simple words saying he's glad to find me pero nagbigay kaagad iyon ng ngiti sa aking labi. Makalipas ang dalawang oras ay bumaba ito ng kanyang opisina. "Hoy, totoo ba? Nandiyan si Sir?" dinig kong usapan ng aking mga katrabaho na mas matatagal na kaysa sa akin. "Oo raw. Nasa kabilang Department at papunta na raw dito." "For more than two years na pagtatrabaho ko, ngayon ko lang narinig ang bagay na iyan. Parang hindi ako makapaniwala na pupunta siya rito." "Delia, hindi ba matagal ka na rito?" "Oo, mag- three years na ako at ito ang unang beses na pupunta si Sir sa Department natin." " Talaga ba? Ilang beses ko lang nakita si Sir at madalas sa entrance

