ELYSIA'S POV Natataranta kong tiningnan ang aking sarili, kinapa ang bawat bahagi ng aking katawan Lalo na ang aking gitnang bahagi sa ilalim ng kumot. Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala ni isang damit ang kulang, ang aking suot na pantalon ay ganoon pa rin maging aking mga karsonsilyo. Sunod kong hinanap kung sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Bumaba ako sa kama at bahagyang ibinukas ang pinto. Nakita ko ang isang gwapong lalaki na may napakatangos na ilong na natutulog sa sofa. Marahan ang aking bawat kilos upang hindi makalikha ng kahit anong ingay saka ko kinuha ang aking bag. Maingat ang bawat hakbang pati na rin ang pagbukas ng pinto para lang hindi ko ito magising. Hindi ko siya kilala at mukha namang wala akong ginawang milagro kasama ito, bagay na ipinagpapasa

